xxix

603 13 0
                                    

"ate"

bulyaw ni Kaella sa likuran ko habang naghuhugas ako ng mga plato.

napalingon ako dito at papalapit na siya saakin.

"hmm?" turan ko.

"matanong lang kita ate‚ huwag ka sanang magagalit" aniya

tumingin muli ako kay Kaella. "ano 'yon?"

"ate‚ gaano na kayo katagal ni Gavin no'n?" she asked.

wtf.

napatigil ako sa aking ginagawa saka huminga ng malalim‚ hays Kaella.

"what's that question for? Kaella."

niyakap ako ni Kaella

"si ate naman‚ nagtatanong lang e."

huminga ako ng malalim bago siya sinagot muli. "2 weeks palang kami ano"

humiwalay naman siya sa pagkakayakap saakin. "kayo?" tanong ko pabalik. tila nag iisip isip muna ito‚ malay koba kay Kaella!

"we're dating s-since we first met ate" aniya na ikinagulat ko.

oh my god! all of these time‚ ako pala ang naging mistress sa relasyon nilang dalawa ni Kaella.

i can't believe!

hinugasan kona ang kamay ko saka nagpunas.

"sorry for being the mistress in your relationship" saad ko kay Kaella at ngumiti.

"ih! ate naman" ani nito

tumawa nalang ako sa kaniya at umiling‚ Damn you! Gavin.

natapos na akong maghugas, hinila ako ni Kaella papunta sa sala.

"ate! halika muna"

napasinghap naman ako dito. "ano ba 'yun Kaella? madami pa akong gagawin"

napatingin naman ito saakin saka umupo sa sofa‚ "mamaya na 'yan ate. tulungan mo ako dito" aniya sabay turo sa tablet niya

lumapit naman ako sa kaniya, hawak hawak niya ang tablet niya. umupo ako sa tabi ni Kaella. "ano ba kasi 'yan?"

"huwag ka nang mainis saakin ate‚ tulungan mo naman akong pumili ng gown ko oh"

huminga ako ng malalim bago tumango sa sinabi ni Kaella, bakas naman sa mukha nito ay tuwa.

"eto‚ bagay sa'yo"

napatingin naman siya saakin.

"eh, ayaw ko niyan ate" saad niya at nagkibit balikat pa.

"andami na nating pinagpilian Kaella, puro ka nalang ayaw ko niyan ayaw ko niyan" tugon ko sa kaniya saka itinaas ang isang kilay ko.

"eto nga kasi oh, simple lang siya." dagdag ko pa.

ngumiti naman si Kaella.

"sige ate‚ ayan nalang din. hindi pwedeng hindi din kita bibilhan ng damit mo ate‚ dapat pareho tayo kasi ikaw ang magiging guardian ko" mahabang tugon niya

nagulat naman ako sa sinabi ni Kaella‚ pwede ba 'yun? pareho ang damit!

kumirot bigla ang puso ko, naaalala ko na naman ang mga nangyari saamin ni Gavin.

acting okay lang ako sa kanila, hindi naman kasi nila alam na may kami ni Gavin eh!

bakit koba kasi minahal si Gavin?

andito pa din 'yung sakit, na kahit anong gawin ko ay hindi ko malimutan!

"uy ate! okay ka lang?"

napatingin nalang ako kay Kaella nang magsalita siya, ang swerte niya, ang swerte ng kapatid ko haha.

"u-uh oo" maikling tugon ko.

"sige na muna Kaella, madami pa akong gagawin" pagpapaalam ko kay Kaella.

naglalakad na ako papuntang itaas, kukunin na ang mga labahan.

"basta ate‚ punta ka sa kasal ko ha!" huling sambit ni Kaella bago ako makatapak sa hagdan.

ang swerte ng kapatid ko, siya ang ikakasal sa lalaking mahal ko.

kinuha kona ang mga damit nina ma'am Andrea at sir Justine. nakasalubong ko si Kaella, ngumiti lang naman ito, napatingin siya saakin ng hilain ko ang kamay niya.

"Kaella, favor nga. kunin mo ang mga damit ni Gav- este sir Gavin, hintayin kita dito"

tumango lang naman si Kaella.

ilang minuto pa ay lumabas na ulit si Kaella dala dala ang mga damit ni Gavin.

"oh ate"

"salamat"

dumaretso na ako sa washing machine para malabhan ang mga ito.

medyo madami dami din ito.

ilang saglit pa ay natapos na ako, isinampay ko 'yung iba, at ang iba naman ay naka dryer na.

pagbalik ko sa loob ay nandoon ang magpapamilya kasama si Kaella.

"Yshanicka‚ come here!" utos ni sir Justine

agad naman akong lumapit sa kanila, nakakailang ka Gavin. sino ba naman ang hindi maiilang sa titig mo?

"take a sit" dagdag ni sir Justine sabay turo sa tabi ni Kaella.

agad naman akong umupo doon.

"ija‚ why you didn't tell me na kapatid mo pala si Kaella?"

tanong ni ma'am Andrea

ngumiti naman ako dito, ma'am hindi kapo nagtanong.

"sorry ma'am hindi kopo nasabi, nahihiya din po kasi ako" sagot ko.

tumawa naman si ma'am Andrea saka tumango.

"akala ko mag-isang anak ka lang, Ishan." si sir Justine

si Gavin naman ay tahimik lang na tinitignan kaming nag-uusap usap.

"ma‚ pwede ko bang isama si ate bukas sa mall?" si Kaella.

oh, i want to call her that too.

"you can‚ ija"

niyakap ako ni Kaella, tinignan ko si Gavin na nakatingin lang saamin.

tinitigan ko ito at nginitian lang.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now