xxx

646 13 0
                                    

nagising ako dahil sa madaming katok at sigaw sa pintuan ko. kung hindi ako nagkakamali ay si Kaella ito, boses pa lang eh!

“ate!!!”
“HOY YSHANICKA!”

sigaw na galit ni Kaella. jusko naman itong babaitang ito! ano na naman ang kailangan. kay aga aga pa!

tumayo akong nakapikit saka binuksan ang pinto, inaantok pa ako, Kaella!

“hmm” tugon ko sa kaniya nang mabuksan ang pinto

“ate bakit hindi kapa nakapalit?” nagdadabog na saad nito.

sumandal ako sa may pintuan, gusto ko pa matulog!

“bakit? ano bang kailangan mo, kapatid ko? kay aga aga ang lakas ng boses” ani ko sabay ngiti

kahit nakapikit ako ay ramdam kong papalapit siya saakin.

“ate naman! gisingin mona kaluluwa mo. pupunta pa tayo ng mall!” ani niya saka ako pinagsasampal

hinawakan ko ang dalawang kamay nito bago imulat ang aking mga mata.

“sakit no’n ah” bulyaw ko sa kaniya habang tinitignan siya, namula naman ito.

kumalas siya sa pagkakahawak ko sa mga kamay niya, nagkibit balikat pa ang Kaella na ’yan!

“ate Ishan naman kasi! ’diba pupunta tayo ng mall ngayon? bakit hindi kapa naka palit?” saad nitong naka nguso pa.

natawa naman ako sa inasta ni Kaella, oo nga pala pupunta kaming mall ngayon. saka ko lang din napansin na nakabihis na siya.

“tumigil kana diyan, mukha kang bibe oh”

“teka maliligo lang ako, hintayin mo nalang ako sa baba” dagdag ko

ngumiti at tumango nalang si Kaella bago umalis sa pintuan ko, dali dali naman akong nagpunta sa banyo para maligo.

pagbaba ko ay nandoon nga talaga si Kaella, hinihintay ako.

tumayo siya at sinalubong ako. “tagal mo ate”

tumawa lang naman ako, kasalanan koba kung matagal akong maligo. aber?

“tara na ate” saad niya saka hinila ang kamay ko.

pinagbuksan naman kami ni manong Jose sa sasakyan, bale nasa likod kami ni Kaella. ayaw niya daw sa tabi ni manong, gusto niya ako ang katabi niya!

ilang minuto pa ay nandito na kami.

“oh, anong gagawin natin dito?” tanong ko kay Kaella.

hinila naman nito ang kamay ko, kahit kailan talaga. atat na atat eh!

“siyempre mag papa-ganda tayo ate kahit dati na tayong maganda” aniya saka tumawa

tumigil naman ako sa paglalakad kaya napatingin ito saakin.

“kailangan paba niyan?” takang tanong ko sa kaniya, daming alam!

“oo ate‚ lapit lapit na ng kasal ko eh!” aniya

nagpatuloy kami sa paglalakad, naknangbuwaya nitong si Kaella, hindi naman ako ang ikakasal bakit pati ako kailangang magpa-ayos! ayaw ko nito!!

“bakit pati ako Kaella? hindi naman ako ang ikakasal saka alam mo namang ayaw ko sa mga ganito ’diba?”

“eh ate Ishan‚ ikaw nga lang ang pamilyang meron ako. ikaw ang kasama kong maglalakad sa altar ’noh” tugon niya habang naglalakad padin kami

pumasok kami sa isang room, ano ba ’to?

“oh, anong gagawin natin dito?” tanong kong muli kay Kaella.

napatingin naman ito ng masama sa akin.

“ate andami mong tanong, sundin mo nalang ang pinapagawa ko ha, para sa’yo din naman ito” aniya kaya hindi nalang ako nagsalita pa.

pabalik na kami ngayon sa sasakyan, konti lang naman ang mga pinaggagawa saakin ni Kaella.

manicure, pedicure, nagpa-rebond, massage, face relax.

nakahinga ako ng maluwag nang nasa sasakyan na kami, mabuti naman.

puno nang katahimikan ang loob nang sasakyan.

napatingin ako sa labas, ang ganda ng tanawin.

“ganda mo ate oh” saad ni Kaella kaya napatingin ako dito.

picture kong nakatingin sa labas ng sasakyan, itong babaeng ito talaga eh!

“walang ’ya ka‚ alam ko namang maganda ako eh” tugon ko dito saka tinaasan ng kilay.

tumawa lang naman itong si Kaella.

nandito na kami sa mansion, pagpasok palang namin ni Kaella ay tinawag agad kami ni ma’am Andrea.

“dito muna kayong dalawa, family picture tayo” saad ni ma’am Andrea

nakipagbeso naman si Kaella.

nasa gitna sila Kaella at Gavin, nasa side ako ni Kaella kasi ako na lang naman ang pamilya niya.

nakatingin ako kila Kaella na nakangiti.

“Ishan, dito ang tingin” bulyaw ni manang Laurin saakin.

huminga muna ako ng malalim saka ngumiti bago tumingin sa camera.

pagkatapos mag-picture ay nahagip ng mga mata ko sila Gavin at Kaella na magkayakap.

kumirot na naman ang puso ko. umiwas ako ng tingin noong tumingin saakin si Gavin.

napatingin sila saakin noong tumakbo ako papunta sa taas.

pasensya na, hindi ko pala kayang hindi masaktan.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now