ix

711 13 0
                                    

dalawang araw na ding hindi kopa nakikita si Gavin, simula nung umagang iyon. nasaan ba kasi siya?
bakit ako nag aalala sa kaniya!

gabi na naman at wala padin akong Gavin na nakikita. ayoko rin namang tanungin kila ma’am kasi baka sabihing may gusto ako kay sir Gavin.

wait-

gusto ko naba siya?

naiinis ako! wala padin si Gavin. hindi ko alam bakit na-mimiss ko siya, na dapat ay hindi!

pumunta ako sa kwarto ni manang Laurin para itanong sa kaniya kung bakit wala padin dito sa mansion si Gavin.

bukas ang pinto kaya't pumasok na ako, mabait naman si manang ih.

nakahiga na siya,umupo ako sa tabi nito.

“manang, ma-istorbo ka saglit”

tumingin ito saakin. “ano ‘yun ija?”

bumuntong hininga ako bago nagtanong sa kaniya.

“manang‚ nasabi poba sa inyo ni sir Gavin kung bakit wala siya rito sa mansion?” tanong ko

“Ishan‚ umamin ka nga saakin. may gusto kaba kay Gavin?” seryosong tanong ni manang

bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong na iyon‚ ‘yung tipong hindi ko mawari agad ang aking kasagutan.

“n-naku manang‚ wala po akong gusto doon ah no.”
“tinatanong kolang kasi dalawang araw na siyang wala rito” dagdag ko.

tumawa si manang sa sagot ko. “asus‚ huwag mo na itanggi ishan. ngunit mag-iingat ka diyan‚ hindi mo kilala si Gavin.”

nagtataka ako kung bakit ganoon ang sinasabi ni manang saakin‚ bakit parang ayaw niyang magka-gusto ako kay Gavin?

“oh siya‚ bumalik kana sa kwarto mo. madami pa tayong gagawin bukas.”

“at si Gavin‚ nasa opisina siya. tinutulungan niya si sir Justine. goodnight ishan” dagdag ni manang

“goodnight din po manang”

nagtataka padin ako sa mga sinabi ni manang. tipong nag-ooverthink ba. at bakit‚ sa pagkakasabi ni manang doon ay parang ansama ni Gavin? hayst bahala na nga matutulog na ako.

“Ishan let’s go” sigaw ni ma’am Cassy saakin.

agad agad na din akong pumunta patungo sa kaniya baka pagalitan pa ako e. sumakay na ako sa kotse doon sa may backseat at si ma’am Cassy naman ay nasa tabi ni manong Jose.

“ma’am Cassy‚ saan poba tayo pupunta?” tanong ko rito

busy itong nagse-cellphone kaya matagal niya ako bago sinagot.

“sa company namin” maikli niyang tugon.

nakarating na kami sa company nila, Octiviano residents.

“Ishan‚ sunod ka lang saakin ah?” ani ma’am
tumango nalang ako dito.

ang laki ng company nila! yayamanin talaga.

“hey dad‚ kuya.” bati ni ma’am Cassy

“sweetie‚ naka pag-desisyon na ako” daddy nila

nasa tabi ako ni ma’am Cassy at shutangina! nasa harapan ko si Gavin!

panay ang titig nito saakin, kahit kailan talaga ang sama ng tingin eh.

“naisip kong ang kuya mo nalang ang maging CEO ng ating company” dagdag ng daddy nila

pero si Gavin‚ nasa akin padin ang tingin.

“what!!?” sigaw ni ma’am Cassy kay sir Justine. kaya napatingin ako sa kanila.

“pero dad‚ kaya ko naman”

“no‚ i want your brother to handle it” ani ng dad nila

tinitigan ng masama ni ma’am Cassy ang daddy nila at bumaling rin ng tingin kay Gavin. tinarayan ito ni ma’am Cassy. haha buti nga sa’yo!

“Ishan let’s go”

lumabas na si ma’am Cassy, syempre sumunod na rin ako sa kaniya. parang assistant niya ako dito eh. keme.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora