xiii

660 13 0
                                    

papalabas na ako sa mansion, nakita kong nandoon padin si Gavin. may sasabihin pa sana ito ngunit nilagpasan ko lang.

nakasakay na ako sa kotse‚ tumingin ako sa gate, nandoon si Gavin nang may pagtataka. nagkatitigan kami saglit ngunit iniwas ko agad ang tingin ko.

“manong‚ tara na po”

pinaandar na ni manong Jose ang kotse at umalis na kami.

kalahating oras ang nakalipas ay nakarating na kami dito sa bahay, tahimik rito.

mabilis akong sinalubong ng aking kapatid, niyakap namin ang isa't isa.

“miss na miss kana namin ni mama, ate”

hinagod ko ang likod niya, halata din sa mga mata niya na umiyak ito.

bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa loob, alam kong hindi ko mapipigilan ang aking mga luha.

pagpasok ko palang ay agad konang nakita ang aking ina na natutulog, mahimbing ang pagtulog nito. ang sakit haha, hindi na siya magigising.

sinilip ko ang mukha ng aking ina, nanginginig ako. hindi kona mapigilan ang maiyak, lalo na noong yakapin ako ni Kaella.

humagulgol ako sa iyak, wala akong pakealam kahit madaming tao.

“ma‚ bakit mo kami iniwan”
“m-ma hindi ba sinabi mong lalaban ka”
“ma, bakit”
“bakit ka sumuko m-ma”

sunod sunod kong bulyaw habang nakatitig sa mukha ng aking ina, inisip ko ang mga masasaya naming mga alaala.

kahit wala na si papa at kahit mahirap lang kami ay nakaya niya kaming buhayin ng aking kapatid.

naalala kopa noon isang araw sa paaralan nu’ng elementary ako, binubully ako ng mga kaklase ko kasi butas butas ang mga kasuotan ko, pinagtanggol ako ni mama noon.

si mama ang kasangga ko sa lahat, pero kahit wala na siya, alam kong masaya na siya kasi kasama niya na si papa sa langit.

dinala ako ni Kaella sa kwarto, hindi kasi matigil tigil ang pag iyak ko. mahal na mahal ko si mama.

aalis na sana si Kaella ngunit hinila ko ang kamay nito dahilan para mapa upo siya sa tabi ko.

huminga ako ng malalim bago magsalita

“Kaella‚ ano ba ang sabi ng mga doctor?” tanong ko sa kaniya

“sabi ng mga doctor ate, hindi na daw niya nakayanan. sobrang lala na daw ng brain tumor niya. lagi ka niyang binabanggit sa akin ate, gusto daw ni mama na huwag ka nalang pumunta ng maynila para makasama ka niya, makasama ka namin.” huminga ito saglit, alam kong pinipigilan ang pag iyak.

“ate bawat gabi ikaw ang naiisip ni mama, kung okay ka lang daw ba‚ kung mababait ba ang mga amo mo‚ kung hindi ka daw ba nila sinasaktan, kung nakakapagpahinga ka daw ba ng maayos, alalang alala siya sa iyo ate.”

pinakinggan ko lang siya sa sinasabi niya, pinipigilan ko din ang luha ko.

“at noong mga araw ate na parang mababaliw na siya sa sakit niya, hindi ka pa din naalis sa isip niya. last week ate, lumala ang sakit niya. halos hindi na niya maalala lahat, pati ako, hindi niya maalala. pero ikaw ate, pangalan mo lang ang binabanggit niya, sigaw siya ng sigaw ng I-Ishan” tumigil ito at umiyak

yinakap ko si Kaella ng mahigpit.

“sabi niya saakin ate, a-alagaan mo daw ang sarili mo. huwag na huwag ka daw mag papabaya. sabi niya ding kung mag mamahal ka daw ate, ‘yung hindi ka daw sasaktan. mahal na mahal ka daw niya”

mas lalong hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Kaella, pareho kami ngayong humahagulgol.

“s-sana hindi nalang ako umalis K-kaella”

kumalas siya sa pagkakayakap ko.
“huwag mong sisihin ang sarili mo a-ate‚ kung hindi ka nagtrabaho, hindi sana ako nakapagpatuloy sa kolehiyo at wala rin sana tayong pera para sa pagpapagamot ni mama, basta tandaan mo ate, nandito pa ako. mahal kita ate”

niyakap ulit ako nito, hindi padin natitigil ang luha ko.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now