Chapter I, Prt. I: After 1 Year

4.4K 61 0
                                    

Naaalala parin ni Angelo ang babae sa Park na nakita niya. Halos araw-araw niyang naaalala ang sequence ng mga pangyayari hanggang sa pinaka-moment na nagkatinginan sila. Isang taon ang na ang nakalipas at hindi parin niya nakikita ang babae sa picture. Tinitingnan niya ang picture nito sa computer niya dahil yun lang ang tanging picture niya, sa babaeng nagpatibok ng puso niya.

"Angelo!" sigaw ng isang babae. Tila tinamaan ng kidlat noon si Angelo at agad napatayo.

"Yes Ma'am!" agad nitong sinagot.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot! It's time for the presentation, bilisan mo at punta ka sa conference room! Sunduin mo narin si Josh mukhang busy sa desk niya!" sagot papabalik ng boss ni Nathan bago ito bumalik sa conference room.

Agad namang hinampas ng ilang beses ni Angelo si Josh ng papers doon na kinainis naman ng kaibigan niya.

"Ano ba pare?! Busy ako dito manggugulo ka!" sagot naman nitong si Josh.

"Naku, kung hindi lang ako tinawag ni Ma'am Mindy, baka pinabayaan na kita diyan sa pagkanta mo, tara na sa conference room." sagot nitong si Angelo, agad namang tingin si Josh sa kanyang rilo.

"Ay shit, oo nga pala. Tara bilis!" agad niyang tinayo at kinuha ang mga gamit na kakailanganin niya. Ganun din naman itong si Angelo na naguguluhan na kung ano kukunin.

"Ano kaba? Kaw tong maayos ang gamit kaw pa tong makakalimutin? Check mo yung right drawer mo." sabi ni Josh. "Hays, andiyan parin yang picture na yan?" dagdag nito. Napatingin nalang si Angelo sa tinutukoy ni Josh at napangiti.

"Tantanan mo ako Josh, wala kang pakialam kung sino ang tinitingnan ko sa desktop ko. Tara na." sagot naman niya ng nakuha na niya ang kailangan niya at agad silang naglakad ng mabilis papunta ng conference room.

"Alam mo pare, pwede naman kitang i-setup eh." sabi ni Josh, pero nakangiti lang si Angelo. "Pero please naman, the girl in the park needs to go. Ako tong napapahamak sayo sa mga pinapakilala ko eh." dagdag ni Josh.

"Pasok." sagot nalang ni Angelo ng may ngiti ng pinagbuksan niya ng pinto si Josh sa conference room.

Agad silang nag-sorry sa ibang tao na naroon na at umupo agad ang dalawang magkaibigan.

Nag-simula na ang meeting nila ng mag-salita na ang boss nila, pero si Josh walang pakialam at tuloy parin sa pag-sasalita.

"Pare, come on. Stable naman ang trabaho natin. 24 ka, 25 ako. Sobrang ba-bata pa natin. Time to have fun while we still can diba?" pero umiling lang si Angelo.

"Alam mo, hindi mo ako katulad, ok? Tsaka wala pa sa isip ko yan."

"Tss, ang sabihin mo hook kapa rin dun sa babae sa park. Ano ba naman, 1 year na yan ah?"

"Mister Josh Osman, kanina kapa satsat ng satsat diyan. Ano ba yang pinag-uusapan niyo ni Mister Angelo Alcantara?!" sigaw ng boss nila. Nagulat sila noon dahil sandali silang na sindak sa boss nilang si Mindy.

"Ah, Eh-" ang nasabi nalang ni Josh, tila naghahanap siya ng sasabihin ng napatingin siya kay Angelo. "Ah! Ma'am kasi may ilang photos itong is Angelo na pwede nating gamitin for our new cover." agad naman siyang tinulak sa pagkakaupo ni Angelo.

"Is that true Mr. Angelo?" agad na tanong ni Mindy habang tumingin naman ang lahat ng nasa conference room. Tiningnan nalang ni Angelo si Josh ng masama habang siya naman ay naka-thumbs up na para bang planado niya ang lahat.

"Ah kasi ma'am,-"

"Just get to the point."

"Ah yes, meron po ma'am." Tinaasan siya ng kilay ng boss niya ng ilang minuto habang siya naman ay nakatingin din lang dito ng may ngiti sa mukha niya.

"Very well. Since we are an all-round Magazine with focus on Art & Photography we might need something new. Can you provide that?" tanong nito.

"Yes Ma'am just count on me."

"Ma'am why don't we use the picture Angelo is always looking at? Ang ganda talaga ng kuha niya sa girl eh." nagulat naman bigla si Angelo.

"Oo nga Angelo, nakikita ko rin yung picture na yun. Sino ba yun?" tanong agad ng ka-trabaho niyang si Mika.

"Akala ko ako lang nakakapansin, ikaw rin pala Mika?" sabi naman agad ng isa pa nilang kasamahan na si Peter.

"What picture is that?" bigla ng tinanong ni Mindy.

"Ah Ma'am nothing po, wala po yun. It's not intended to be used po eh." agad namang pag-tanggi ni Angelo.

"Why not Angelo? The lighting is good, the ambience is great, basically the overall picture is great. Why hide it?" tanong naman ng isa pa niyang katrabaho na si Kennedy.

"Basta, hindi ko gagamitin yun at hindi rin ako papayag."

"Alright, but you have to give us a good picture to use, okay ba Angelo?" agad na sinabi ni Mindy at doon tumungo nalang ako.

"Okay then, let's proceed. Josh, continue with your proposed layout." sambit ni Mindy at doon tumayo na si Josh.

Sa mga oras na yun, napa-isip nalang si Angelo. Muntik ng lumabas ang picture nung girl. Ayaw niyang lumabas yun sa kadahilanan na ayaw niyang sumama ang loob nito or magalit sa kanya, once na lumabas ang picture niya. Kaya mabuti narin na ganito muna.

Dahil, gusto pa niyang ma-solo ang magandang picture ng babaeng pinangalanan nalang niyang, That girl in the park.

-----------------------------

Sa isang malaking Coconut Farm sa Quezon, may isang grupo na-naglalakad pabalik ng center ng farm. Mataas ang sikat ng araw noon habang naglalakad sila, pero buti nalang at malilim dahil sa matataas na mga Coconut tree.

"Maganda naman po ang kundisyon ng mga puno. Sigurado ho ako na in no time. high quality Coconuts po ang ma-haharvest dito." sambit ng isang babae.

"Ay naku maganda yan. Thank you ha at talagang nag-stay kapa dito samin para lang tingnan ng mabuti ang lagay ng mga buko namin." sambit ng isang matandang lalaki.

Hinawakan naman ng babae ang kamay ng matanda bago sumagot, "Naku walang ano man po. Balik na ho tayo sa loob." sabi ng babae.

"Miss Agatha, Miss Agatha!" sigaw ng mga bata at agad naman lumingon ang babae.

"Hello!" sambit ni Agatha at sabay yakap sa mga bata.

"Ms. Agatha, sa isang linggo ho, laro po tayo ulit pagdating ng sasakyan ha!" sabi ng isang bata.

"Ay naku, pasensya na Baste, uuwi na ang ate Agatha niyo sa manila bukas eh." sabi ni Agatha.

"Ay ganun po ba." ang sagot ng bata. Nalungkot ito at agad na tumungo. Agad naman siyang hinawakn ni Agatha sa mga pisngi nito.

"Wag kang malungkot Baste, babalik pa naman ako dito pag kailangan nako ulit eh."

"Kelan naman po yun Ate?"

"Hmm, baka next month. Pero promise ko sayo papasalubungan kita. Ayos ba?" sabi ni Agatha ng may ngiti sa pisngi niya. Tuwang-tuwa ang bata at napayakap nalang ito kay Agatha.

Nakangiti rin ang mga tao na naroon ng tumayo na si Agatha.

"Balik napo ako sa apartment ko po. Bukas po ng umaga narito ako then after po tuloy napo ako ng Manila." sambit ni Agatha.

"Ay sige Nine, mag-ingat ka ha." sabi ng isang matanda.

"Opo, bye po." sagot niya at sumakay na siya ng jeep na sumundo sa kanya. Agad tong umandar at lumabas ng farm habang kumakaway sa mga taong naroon, pati narin sa batang is Baste.

"Naku Ma'am, mukhang napalapit nanaman kayo sa mga tao dito ah." sabi ng driver in Agathan. Nakangiti nalang si Agathan noon at pinili nalang manahimik ng inabutan siya ng tubig ng driver.

Tumingin nalang siya sa labas habang pinagmamasdan ang mga coconut tree na tinginan niya ang lagay.

Alam niya sa sarili niya, mamimiss niya ang lugar na to, lalo na ang sariwang hangin na galing dito, at bukas rin ay babalik na siya sa Manila.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon