Ch. I, Prt. IV: Thorsday

1.8K 22 0
                                    

Isang hectic nanaman na araw sa opisina. Maaga palang ay naroon na si Angelo para simulan ang kanyang trabaho. Dahil narin siguro sa walang kasiguraduhan na event bukas.

Di parin nag-sasabi ang boss niya kung tuloy na ba sila bukas ni Josh oh hinde, at lalong wala naman silang narereceive na kung ano galing kay Simon. Kaya naisip nalang ni Angelo na tapusin na yung trabaho na kaya agad tapusin para sigurado.

"Good morning." sabi ng isang lalaki sa likod ni Angelo. Tumingin siya at nakita niyang si Josh pala yun.

Dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa desk niya sa kabilang side habang hawak ang ulo niya.

"Inom pa?" biglang sabi ni Angelo na may ngiti sa mukha niya. Medyo nainis rito si Josh kaya binato niya agad ito ng papel.

"Josh, kakadating mo lang ba?" tanong agad ng boss nila na si Mindy. Pero hindi agad nakasagot si Josh. Tinatakpan lang niya ang mukha niya habang pinag-tatawanan na siya ni Angelo at ng ilang katrabaho niya.

"Josh!" biglang sigaw ng boss nila kasabay ng pag-hampas ng kamay niya sa table ni Josh. Siya naman ay nagulat nalang at tila nabuhayan ng dugo ng kalugin siya ng malakas na boses. "Uminom ka nanaman kagabe! Diba sinabihan na kita, wag na wag kang iinom, lalo na kung may trabaho ka kinabukasan?!" dagdag niya.

Nagtatawa lang naman ang buong office dahil sa nangyari. Sanay na sila kay Josh, linggo-linggo ata may ganitong eksena. Nagtataka nga sila kung bakit di pa nasisipa yan. Pero marahil dahil narin sa magaling siya sa trabaho niya.

"Ngayon, umayos ka. Maghimas-mas ka sa pantry." utos kay Josh ng boss niya. Agad naman siyang tumayo at dumeretyo ng pantry. "Angelo samahan mo.

"Aba, teka ma'am bat pati ako?" nagulat na tanong ni Angelo.

"May angal ka? Hala, go!" sambit niya ng hinila niya papatayo si Angelo at tinulak kay Josh.

Wala ng nagawa si Angelo, sinamahan na niya ang kaibigan niyang bangag sa pantry.

Nakarating na sila ng Pantry at doon ay agad na umupo si Josh at umub-ob sa isang lamesa habang si Angelo naman ay halatang inis na kinukuha ng kape ang kaibigan.

"Alam mo kahit kailan, napaka-pahamak mo." sambit nito ng inabot na niya ang natimplang kape.

"Ano ba kasi ginagawa mo? Aray sakit ng ulo ko." sambit ni Josh habang kinuha ang kape at hinalo pa ng kaunti.

"Yung trabaho ko malamang."

"Teka, diba tapos mo na yun nung tuesday palang?" sabay inom ng kaunti sa kape niya.

"Eh diba nga hindi pa tayo sigurado kung tayo ba mapapapunta bukas oh hindi?" sagot ni Angelo na siya namang pinagka-taka ni Josh.

"Bukas?"

"Bukas ho ay friday na. Diba may pending pa tayong lakad bukas sa Eco Park?"

"Teka ano ba ngayon?" agad na tanong ni Josh habang uminom pa siya sa kape niya.

"Thursday na ngayon." sagot ni Angelo. Tila na gulat naman si Josh sa pagka-sabi na yun ni Angelo.

Hindi tuloy malaman ni Angelo kung nakalimutan ba ng kaibigan niya na thursday na ngayon, oh napaso lang ang dila niya.

"Shit, may i-papasa pako mamaya!" sabay inom ulit at tumayo, pero biglang sumakit ang ulo niya kaya agad siyang napaupo ulit. Napa-iling nalang si Angelo at agad na kinuha pa ng kape ang kaibigan niya.

"Hay nako, yung layouts ba tapos na?" tanong agad ni Angelo. Hindi agad nakasagot si Josh pero mukhang sa mukha niya na hindi ma-ipinta, hindi pa ito tapos.

Inabot niya agad ang bagong timplang kape sa kaibigan niya at agad naman itong kinuha nito.

"Patay ka niyan kay Mindy." sambit ni Angelo.

Dahan-dahang umiinom si Josh bago sumagot, "hindi yan."

"Alam mo ang lakas ng loob mo na mag-gaganyan, parang hindi ka takot kay Mindy ah?"

"Hehehe, mabait naman yang si Mindy eh, mga minsan nga sama ko yan sa gimik natin. Makikita mo." sabay inom habang pataas-baba ng ilang ulit ang kilay ni Josh.

"Hoy, umayos ka ah, boss natin yun. Pati ba naman siya dadamay mo sa kalokohan mo."

"Bakit? Maayos naman ako mag-trabaho. May ipon naman ako, single kami pareho. Ano pa ba?"

"Tumahimik ka at ubusin mo na yang kape mo." tapos napatawa nalang silang pareho.

Lumipas ang ilang minuto at medyo gumaganda na ang pakiramdam ni Josh, "Hmm, nga pala. May nakilala akong babae kagabi."

"Oh, anong pangalan niya?" tanong agad ni Angelo.

"Nakalimutan ko eh, pero nickname ko sa kanya Sif." napakunot naman ang noo doon ni Angelo.

"Sif? Yung sa Thor ba yan? Bakit naman Sif?"

"Oo, kasi kasing gwapo ko daw si Thor." tapos agad siyang binatukan ni Angelo ng malakas. "Gago naman oh, walang halong biro. Sabi niya yun.

"Batukan kita, eh mukha ngang mas-malaki pa katawan ko sayo eh!" sabi ng malakas ni Angelo.

"Anyway, so yun nga. We hit it off naman."

"Pero bakit nga Sif?" tanong ulit ni Angelo.

"Ah, kasi pre ang ganda niya, at nagagandahan talaga ako sa actress nung Sif." sabay uminom siya ulit ng kape niya habang tinititigan lang siya ni Angelo.

"Alam mo minsan, naiisip ko nalang kung bakit kita naging kaibigan."

"Shut up, you love me." sabay inom ulit, "Anyway, so we hit it off nga. At itong si Sif, nabanggit ko sa kanya na may kaibigan ako. Tapos sabi ko, 'Wait I have a friend too! Maybe we can hook them up' ganon-ganon. So long story short, may double date tayo bukas ng gabi."

"Hay nako, ayan ka nanaman sa mga kalokohan mo eh, diba sinabi ko nanaman sayo na hindi ako interesado?" tapos tumayo si Angelo. "Tsaka baka matuloy nga tayo bukas diba?"

"di pa naman sigurado eh." sagot naman agad ni Josh. Maya-maya ay biglang may kumatok sa pinto ng pantry, agad silang tumingin at nakita nila na si Mindy pala yun.

"Oh nandiyan pa kayo? Bilisan niyo." tapos tumuro siya kay Josh, "Ikaw umayos ka ha, have your layout on my table by this afternoon." sabi niya.

"Yes ma'am!" sagot ni Josh with salute pa. Nag-signal si Mindy ng I'm watching you ng ilang ulit kay Josh ng bigla siyang may naalala.

"Nga pala, tumawag na sakin si Simon, kailangan nadoon na kayo sa Park ng 1pm bukas. Ok? Sige una na ako." tapos umalis narin si Mindy.

Napa-nganga nalang si Angelo noon sa sinabi ni Mindy, dahil tuloy na tuloy na sila bukas. Tumingin siya sa medyo nagulat din na si Josh habang inuunti-unti na niyang ubusin ang kape niya. Nagkatinginan silang pareho.

"Uhm, gabi pa naman yung date eh. Kaya yan bro!" sabi ni Josh.

"Ewan ko sayo, bahala ka diyan!" tapos naglakad na papalabas ng pantry si Angelo. Medyo inis siya, dahil nga sa imbis na may trabaho siyang natapos ngayon, wala, dahil sa kaibigan niya.

At mukhang ma-baback log pa ang work niya bukas ng gabi, dahil sa date na sinetup, ng kaibigan niya.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon