Ch. III, Prt. II: Jacket

770 6 0
                                    

Nakapila na sila para sa ticket at sa kasalukuyan ay namimili sila ng movie na papanoorin nila. Mga bandang quarter-to-9 na noon.

Gusto ni Angelo ng medyo adventure-action packed ang panoorin nila, at may napili na siya para roon. Habang si Agatha naman, ay gusto yung comedy-romace or yung horror at nakikita niya rin na pareho siyang screening.

Sa puntong yun hindi alam ng isa't-isa kung ano ang gustong panoorin ng isa sa kanila at pareho din silang nahihiya na itanong kung ano ang gusto nilang panoorin. Pero sa totoo lang, ang mas-naprepressure sa kanilang dalawa ay si Angelo. Ayaw niyang medyo mapahiya kay Agatha, at gusto niya rin i-pakita sa kanya na may initiative siya.

Umuusad na ang pila at tila naghahanap parin ng mapapanood itong si Angelo. Nakatutok lang ang mga mata ni Angelo sa screen para tingnan ang bawat movie na showing doon, naghihintay ng tamang movie. Natatawa na siya sa sarili niya sa loob-loob niya, dahil lang sa movie ay nahihirapan siyang maghanap ng movie na tiyak na magugustuhan ni Agatha. 

Sila na ang kasunod sa pila ng may nasipat na siya at doon, napangiti nalang siya at nakapag-desisyon na siya kung ano ang papanoorin nila. Hindi siya sigurado kung magugustuhan niya ang movie na napili niya, pero tiyak siya na magugustuhan din ni Agatha ito. Umalis na ang dalawang nasa harapan nila at sila naman ang sumunod.

"Dalawang ticket po para sa Jurassic World." inabot na niya ang bayad at tumingin siya kay Agatha, pareho nalang silang napa-ngiti.

"Eto po yung sukli sir. Pili kana ho ng seats niyo dito sa monitor." sabi ng cashier at tumingin na si Angelo doon. Nakapili na siya at dumeretyo na sila ng snack bar at bumili na ng popcorn at drinks nila.

Pagkatapos noon ay pumila na sila at sandaling umupo sa sahig. Malinis naman ito at pwede naman gawin, tutal hindi lang naman sila ang gumagawa. Sandali silang nagusap at nagkakulitan rin sila ng ilang minuto ng pinayagan na silang pumasok. Ng pumasok na sila ay dumeretyo na sila sa upuan nila at tinuloy ang pagkukulitan hanggang sa nagsimula na ang movie.

Tahimik na silang nanonood at nag-focus sa movie nila, lalo na si Angelo. Gusto rin naman kasi niya ang pinapanood nila, ang tanong lang naman na naglalaro sa isip niya; kung nagustuhan rin ba ni Agatha ang pinapanood nila. Tiningnan niya ang katabi niya at doon, nakita niya na nakafocus rin si Agatha sa panonood, pero iba ang napansin niya. Interesado siya, kitang-kita naman sa pagka-mangha nito sa mga dinosaur sa movie. 

Para siyang bata na tila first time lang sa sinehan sa pagkakaupo niya. Nakasandal siya, pero tila mahigpit ang kapit nito sa arm-rests. Hinayaan nalang niya ito pagkatapos noon at nanood narin siya. Lumipas pa ang ilang minuto at todo na sa pagkain ng popcorn si Agatha dahil nadadala na siya sa pinapanood niya. Natutuwa lang naman si Angelo, ng tiningnan niyang muli si Agatha, ay napansin niya na hindi lang ito nadadala, kundi nilalamig narin pala.

"Ayos ka lang?" tanong ni Angelo?

Napatingin lang sa kanya si Agatha, "Ah, oo ayos lang. Grabe yung Indominus Rex eh." sagot nito, natawa lang naman si Angelo.

"Hindi, I mean, nilalamig kaba?" 

"Aaah, hindi ayos lang ako." tapos bumalik na siya sa panonood at pagkain ng popcorn. Napahinga nalang ng malalim noon is Angelo na may ngiti at kinuha yung popcorn kay Agatha, "teka sandali anong ginagawa--"

Nakita niya na tinanggal ni Angelo ang suot niyang jacket. Di na siya nakapag-salita noon habang sinakluban siya ng jacket. Bigla siyang nahiya noon at tila hinila nalang niya ang jacket para lalo pa siyang mayakap nito. Tumingin siya ulit kay Angelo at nakita niyang nakangiti parin ito sa kanya, habang binalik nito ang popcorn niya, "oh ayan, di kana siguro lalamigin niyan." sabi nito at tumuloy na siya sa panonood. 

Binalik nalang uli ni Agatha ang tingin niya sa movie screen. Pero tila naiwan ang panginin niya kay Angelo dahil ito parin ang laman ng isip niya, imbis ang movie na pinapanood niya sa harapan ng mga mata niya. Nawalan na siya ng ganang kainin ang popcorn niya at tila humigpit pa ang pagkakahawak rito.

Hindi alam kung ano ang iisipin niya, dahil bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa ni Angelo. Dahil kung tutuusin, parang yakap-yakap siya nito, sa pamamagitan ng jacket na pinainit niya. Mas-humigpit pa ang ang kanyang pagkakahawak sa popcorn niya. Di niya mapigilan ang kilig na nararamdaman niya dahil sa simpleng gesture na ginawa niyang iyon. 

Tila may mga paru-paru rin sa tyan niya, at dahil dito napapangiti nalang si Agatha dahil dito. Dahil hindi niya mapigilang lumabas ito ay kinuha nalang niya ang drink niya at uminom rito para pakalmahin ang sarili, at mukhang gumana naman ito. Dahil sa mga susunod na sandali ay kumalma siya at nakapag-focus siya sa pinapanood nila. 

Lumipas pa ang movie at dumating na sila sa pinakang climax nito. Pareho silang nasa edge ng seat nila. Si Angelo tahimik lang na nanonood at nakakunot ang noo dahil medyo intense na ang scene. Habang si Agatha naman ay naka-nganga nalang at tila di na makain ang popcorn na hawak niya sa kamay niya. Nagugulat din siya sa bawat pangyayari na nagaganap sa movie.

Lalo na sa scene na naglalaban na ang Indominus Rex, ang T-rex at si Blue. binitawan na ni Agatha ang popcorn niya at pinatong nalang sa empty seat sa tabi niya at napahawak nalang siya sa arm-rest. Ganun narin ang naging reaksyon ni Angelo habang pinapanood niya ang movie.

Cornered na ang Indominus Rex sa may fence habang napapalibutan ito ng T-rex at ni Blue. Nag roar pa ang tatlo sa isa't-isa, tumahimik ang scene. Ng biglang magtangka na gawin ng Indominus Rex ang huling atake niya ay biglang tumalon, mula sa likuran niya, ang pinakamalaking dinosaur sa park ang Mosasaurus na siya naman kinagulat ng lahat, lalo na si Agatha na napahawak sa kabilang Arm-rest at si hindi sinasadyang pangyayari ay napahawak siya sa kamay ni Angelo na naroon din sa Arm-rest.

Wala na ang Indominus, pero gulat parin si Angelo sa pangyayari, hindi lang sa pagsulpot ng aquatic dinosaur, kundi dahil hawak parin ni Agatha ang kamay nito. Tapos na ang last fight scene at umalis narin ang T-rex noon. Nakahinga nalang ng malalim si Agatha dahil nanalo ang T-rex, pero hindi pa nito tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak nito sa kamay ni Angelo.

Si Angelo naman ay hindi alam ang gagawin kung sasabihin niya ba ito kay Agatha oh hindi. Natapos na ang movie at credits na at hawak parin ni Agatha ang kamay niya.

"Grabe, ang ganda, ang intense! Tara na." sabi ni Agatha habang tumingin siya kay Angelo.

"Oh sige ba." sabi ni Angelo, "pero pwedeng kunin ko muna kamay ko, para makatayo ako." dagdag niya. Napakunot naman ang noo ni Agatha at tiningnan kung nasan ang kamay niya, nagulat siya dahil ngayon lang niya napansin na hawak parin pala niya ang kamay ni Angelo.

Namula ng kaunti si Agatha at binitawan na niya agad ang kamay nito, "So-so-so-sorry." sabi ni Agatha habang nahihiya siya. 

"Ayos lang, so tayo na?" sabi ni Angelo habang medyo nahihiya rin siya. 

Tiningnan siya ni Agatha at sinabi, "Sige, labas na tayo." tumayo silang pareho at umuna si Angelo tumayo habang si Agatha naman ay inalalayan ni Angelo. Habang naglalakad na sila papalabas ay nakatungo parin ito, tila tinatago ang mukha niya, na may ngiti dahil nga, nawakan niya ang kamay ni Angelo. 

Habang si Angelo naman, ay ganun din ang ginagawa. 

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon