Chapter IX, Part I: May 2016

426 5 0
                                    

Maingay na tugtugin. Mga taong nagsisisayawan sa gitna ng medyo madilim na kwarto.  Lahat ng tao ay busy sa pag-inom, pakikipag-usap, ang iba; well nagiging close sa kakakilala lang nila. Yun ang ang scene na nakikita in Angelo sa mga oras na yun. 

Naglalakad siya habang hinahanap ang mga kasama niya sa gitna ng napakasikip na daan. Hindi naman niya matatawagan ang kanyang mga kasama doon dahil sa sobrang lakas ng music. Expected na para sa isang bar. 

Tinatanaw nalang ni Angelo ang mga table sa pagbabaka-sakali na makikita niya roon ang mga kasama niya. Habang pilit niyang inaaninaw ang ang table ay biglang may humawak sa kanyang balikat at agad naman siyang napalingon sa humawak sa kanya.

"Angelo! Kanina kapa namin hinihintay." sabi ng malakas ni Josh. Tapos naglakad na sila papunta sa table nila.

Natawa nalang si Angelo, "Sobrang lakas ng music, tsaka nakalimutan ko rin yung pwesto ng table niyo kaya medyo nagpauli-uli ako." sagot nito at doon nakarating na sila sa table nila. Nandoon si Melissa, Simon, ang boss nilang si Mindy.

"Alcantara, kanina kapa namin hinihintay. Nakakainip ah." sambit bigla ni Mindy. Medyo di naman alam ni Angelo kung papano mag-rereact sa sinabi niya, pero tumawa nalang ito.

"Sorry naman Ma'am."

Natawa naman si Mindy bigla habang nagsasalita si Angelo, "Angelo, alam kong boss mo ako. Pero pag nasa labas tayo, hindi, ok ba?" sambit nito.

"Oh sige Mindy." pagkatapos noon ay pinakilala ni Mindy ang isa pa niyang kasama kay Angelo.

"Ay Mindy, yung pinag-usapan natin. Ano game ba?" biglang sabi ni Josh. Nagkatinginan sila ng ilang sandali at napangiti naman si Mindy.

"Oo, tuloy yun." tapos uminom na siya ng beer. Si Josh naman ay sumenyas kay Mindy at inakbayan si Melissa.

"Ang daming babae dito oh! Kayong dalawa tumayo kayo diyan ay magpakasaya naman kayo. Puro beer nalang ang inuukapan niyo eh!" sabi ni Josh habang natawa nalang si Simon ni Angelo.

"Alam mong wala pa sa isip ko yan pare." sagot ni Simon.

"Sus, wala pa sa isip, ang tanda mo na oh." sabi naman ni Josh. Natawa nalang si Simon at hinayaan nalang ang sinabi ng kaibigan. 

Maya-maya pa ay bumaling naman ang tingin ni Josh kay Angelo, "Hoy ikaw, hanap kana diyan. Samahan ka ni Simon. Wingman mo siya. Dali!" sambit ni Josh na tila tinutulak na si Angelo.  "Naku, pag si Simon ang wingman mo, panigurado na yan. May maiuuwi ka!" natawa nalang ang iba doon habang si Simon naman ay nag "ok" sign lang. 

"Naku, katulad nalang ng sinabi ni Simon kanina lang. Wala pa sa isip ko yan." tapos uminom na siya ng beer. Napailing nalang si Josh habang ang iba ay natawa nalang. Nag-high five naman ang dalawa ni Angelo at ni Simon nung mga oras na yun.

"Naku Angelo, tama yan! Delekado ka pag na broken hearted!" biglang sabi ni Mindy at natawa nalang silang dalawa ni Angelo. Habang ang natira naman ay hindi naman alam kung papano mag-rereact.

"Naku, di na mauulit yun Mindy. Pangako yan!" tapos nag-taas baba naman ang kilay niya.

"Siguraduhin mo lang. Hehehe. Ay nga pala punta lang ako ng cr." tapos tumayo na si Mindy at hinalikan naman sa lips ang kasama niya bago tuluyang umalis. 

Pagkaalis ni Mindy ay tila pinakiramdaman nina Josh at Simon ang kaibigan nila. Matagal-tagal narin nilang hindi napagusapan si Agatha. Tinignan lang nila si Angelo noon na nakita nila na Nakangiti lang at tila tinitingnan ang paligid, habang umiinom ng beer.

"So bro, kumusta kana?" biglang tanong ni Simon.

"Ughhh, ayos naman ako. Ay nga pala, yung pictures send ko nalang bukas." sagot ni Angelo.

"Oh sige-sige." tapos napakamot si Simon ng kaunti at uminom ng beer niya, "Bro, ayos kana ba?" bigla niyang tanong. Napatingin naman si Angelo sa kanya at sandali silang nagkatinginan. 

Ilang minuto pa ang lumipas at tila na gets na ni Angelo ang gusto talagang itanong ng kaibigan niya, "Bro, ilang buwan narin ang nakalipas. Ayos na ako, swear."

"Sure ka?"

"That's my man! Simon yun lang ang gusto natin malaman sa ating kaibigan!" sabi namang bigla ni Josh at tuwang tuwa siya sa narinig niya. Inakbayan niya ito at kinukulit. Si Melissa naman nung mga oras na yun ay nakangiti at natutuwa para kay Angelo; at kahalo nito ang lungkot dahil naka-move on na si Angelo sa kaibigan niya. 

"So Angelo, may surprise ako sayo." biglang sabi ni Josh.

"Ano naman yun?" pagtataka ni Angelo. Tila may tinatanaw si Josh sa malayo at doon nakita niya si Mindy na may kasamang kaibigan. Napangiti naman si Josh at agad na tumayo, hila-hila si Angelo kasabay niya.

"Angelo, I would like you to meet, Eliza. Eliza this is my good friend at officemate, Angelo." pakilala ni Mindy sa kanilang dalawa. Agad na nagkamay ang dalawa, "Oh pano ba yan, Angelo? Kaw na bahala sa kaibigan kong si Eliza ah?" dagdag nito na may ngiti sa kanyang mukha at agad naman silang iniwan nito.

"Kaw na bahala diyan bro, you deserve to be happy." bulong ni Josh. Binigyan niya ng ilang medyo malakas na pat sa likod si Angelo bago tuluyang umalis. 

Natawa nalang naman si Angelo at ganun narin naman si Eliza sa mga oras na yun. "So uhmm, clear naman na gusto nilang dalawa na magkakilala pa tayo ng maayos. So uhmm, let me buy you a drink." sabi ni Angelo.

Nakangiti lang naman si Eliza nung mga oras na yun at napatungo nalang din, "Sure." tapos demeretyo na sila sa may bar area. Sumenyas si Angelo sa bartender at hindi na rin siya nagpaligoy-ligoy pa at sinimulan na niyang kausapin ang kanyang bagong kaibigan.

Lumipas ang mga natitirang oras nila sa bar na sila lang ang magkasama. Nagkaroon din sila ng mga ilang tawanan at mas nakikilala nila ang isa't-isa sa mga oras na yun. Ramdam din ni Angelo na gusto siya ni Eliza. 

"So Eliza, kelan kapa naging single?" biglang tanong ni Angelo.

"Ah, matagal narin. Di narin ako gaanong nag-ffrequent sa mga ganitong lugar." sagot niya.

"Bakit naman? Gawa ba ng mga nakikilala mo?" tanong ni Angelo.

"Medyo, pero for you. I made an exception." sagot nito sabay hinawakan siya nito ng marahan sa kanyang kamay. Napatingin doon si Angelo at napangiti narin lang. Ininom niya ang kanyang drink.

"Napaka-swerte ko naman pala at ako pa ang naging--" tapos napahinga nalang siyang maluwag, "I'm sorry Eliza but, akala ko ready nako. Pero mukhang hindi pa pala." sabi nito at nakatingin lang sa kanya si Eliza at bumitaw sa pagkakahawak niya.

"You're a really nice person Eliza. Pero, let's just say na; I'm still not fully recovered. I hope you don't take this the wrong way." paliwanag ni Angelo.

"Hindi, ayos lang. I completely understand. Ayoko rin naman na, meron pang nandiyan sa puso mo pag naging tayo." sabi niya na medyo kinagulat ni Angelo. Bago pa siya makapagsalita ay tinakpan na ni Eliza ng isang daliri ang bibig ni Angelo, "wag ka ng magpaliwanag, alam ko. At naiintindihan ko. Ok?" tapos natawa nalang ang dalawa.

"Well, thank you talaga."

"Anytime, basta, keep mo lang number ko ah. Just incase. Sige una kana, ako na bahala sa mga kaibigan mo." sambit nito at umalis narin siya papabalik sa table nina Josh. Binunot ni Angelo ang kanyang wallet para bayaran ang drink  ni Eliza ng makita niya, tapos bigla nalang siya napangiti. Binayaran na niya ang bartender at agad na umalis ng bar, ng tahimik.

Balik sa table nina Josh ay nagulat nalang sila dahil hindi kasama ni Eliza si Angelo. Nakangiti nalang siya sa kanila at sumenyas nalang kay Mindy. Napahinga nalang ito ng malalim habang si Josh naman ay napailing at natawa nalang rin.

~~~~~~~~~~

Ng gabing iyon ng makabalik na si Angelo sa kanyang apartment ay agad siyang dumeretyo sa kanyang kwarto. Binuksan ang computer. Nakangiti nalang siya roon, dahil ang wallpaper niya, ay ang picture nila ni Agatha. Sandali niyang tiningnan ito bago tuluyang ituloy ang kanyang trabaho. 



When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon