Chapter VII, Part I: Lingering Presence

422 8 3
                                    

"Eh paano nga yung combo kay Scorpion? Sabi mo i-tuturo mo sakin yun eh." sabi ni Simon habang papa-akyat sila sa apartment in Angelo, kasama si Josh.

Nakangiti lang noon si Josh at tila ine-enjoy yung pagpapaturo sa kanya ni Simon. Bumukas ang elevator at lumabas na sila papunta sa apartment. "Ganito kasi yung combo--" nagulat sila ng nakita nila si Agatha. Umiiyak. Habang tumatakbo. Bago pa nila maawat itong si Agatha ay agad na itong nakapasok sa Elevator.

Nagkatinginan ang dalawa. Di nila alam kung ano ang nangyari. Kaya naisipan nalang nila na dumertyo agad sa apartment ni Angelo para malaman kung bakit umiiyak si Agatha. 

Dumating na sila at pagpasok nila ay parang wala namang nangyari. Walang malaking-away. Nagkatinginan ulit sila dahil ang ineexpect nila ay ganun, pero hindi.

"Angelo." tawag ni Simon habang naglakad-lakad na para tingnan kung may ebidensya ng away. Habang si Josh naman ay agad na dumeretyo sa kwarto. Doon, nakita nila si Angelo, nakaupo sa kama. Tila tulala at nakatingin lang sa sahig.

"Simon! Nandito!" pagtawag ni Josh kay Simon. Agad namang lumapit si Simon at npaatingin muna kay Josh, bago tumingin kay Angelo.

Lumapit na sila, agad na tinanong ni Simon si Angelo pero hindi ito sumasagot. Habang si Josh naman ay tiningnan ang computer nito at nakita niyang nakabukas ito, sa picture ni Agatha. Napatingin si Josh kay Angelo. 

"Pre, pinakita mo na ba?" tanong nito.

"Hindi. Pero nakita niya." sagot naman ni Angelo. Nagkatinginan ulit silang dalawa bago nila muling tinanong si Angelo.

"Ano reaksyon niya? Nagalit ba?" tanong naman ni Simon. Pero umiling lamang si Angelo. 

Di nila alam kung ano ang ibig-sabihin niya sa pag-iling niyang yun. "Oh eh bakit sya umiiyak nung nakasalubong namin. Nagmamadaling umalis. May ginawa kaba?" tanong naman ni Josh.

"Wala akong ginawa. Pinaghanda ko lang sya ng agahan, nakita nya yung inaasikaso kong picture niya. Pagkatapos nun..." lalo pa syang na down at tila pinipigilan na lamang ang sariling magalit. Maya-maya pa ay nakarinig sila ng katok mula sa pinto. 

"Sino yun?" tanong ni Simon.

"Si Melissa, pinasunod ko dito. Sabi ko kasi mag-cchill dito sa apartment ni Angelo." sambit ni Josh.

"Ayos ka rin ah, dito mo pa talaga pinag-cchill." sabi naman ni Simon.

"Eh feeling ko kasi narito si Agatha eh. Di ko naman inexpect na magiging ganito." sagot ni Josh. Bago pa makasalita si Simon ay nakarinig ulit sila ng pagkatok, "Papasukin ko na muna." dagdag niya at agad siyang tumayo at pumunta sa pintuan.

Nakarating na sya sa may pintuan. Huminga muna siya ng malalim bago niya pinagbuksan si Melissa. "Good morning!" pagbati ni Melissa at agad niyang kiniss sa lips si Josh bago pa ito nakasalita at pumasok narin agad ito.

"Asan si Agatha?" tanong nito at nakita naman niya ang nakahandang breakfast sa table. "Sarap naman nito. Asan si Agatha." dagdag niya.

"Babe, not a good time." sabi nalang ni Josh.

"Hala, bakit?" tanong ni Melissa.

"Nag-away sila eh." sagot ni Josh.

"Tungkol san?"

"Mahabang kwento eh. Pero dahil sa isang picture ata." 

Napakunot naman ang noo ni Melissa. "Hindi naman ganun ka babaw si Agatha para mag-away lang silang dalawa ni Angelo sa isang picture." sabi niya.

Napa-buntong hininga nalang si Josh, "As I said, mahabang kwento nga."

"Kwento mo na." sabi naman ni Melissa.

"Eh..." tapos napakamot nalang ng ulo si Josh dahil kahit sa sarili niya, ay nalilito rin siya, "complicated story siya babe eh." dagdag niya.

Sandaling napaisip si Melissa. "Baka naman may ginawa si Angelo sa kanya?"

"Babe, kung meron man; tandaan mo hindi ako ang magbubukas sayo ng pinto. Baka pinag-sasabihan ko pa yang si Angelo."

"Eh ano ba kasi yang picture na yan?"

"Yun yung unang beses na nakita ni Angelo si Agatha."

Sandaling napaisip muli si Melissa noon, "Teka nung June lang ba yan? Anung meron dun?"

"Oo babe, nung June." sagot ni Josh.

"Oh eh anong problema dun?"

"Of 2014 babe." dagdag ni Josh at doon natigilan sandali si Melissa at medyo napaisip.

"S-s-saan nya nakuha yung picture na yun?"

"Sa La Mesa Eco Park din Babe." sagot ni Josh at doon parang di makapaniwala si Melissa.

"Patingin ako nung picture ngayon na." pag-dedemand ni Melissa. Di nalang naka-angal pa si Josh dahil sa biglang pagbabago ng tono ng boses ni Melissa. Agad niyang dinala ito sa kwarto ni Angelo. Doon napatingin pa saglit si Melissa kay Angelo bago siya tinawag ni Josh para ipakita yung picture.

"Eto yun." turo niya. Lumapit si Melissa para tingnan ng malapitan ang picture. 

"Oh my God." Doon, natigilan si Melissa. Tila hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"Ano ba yun? Anung meron sa picture na yan?" tanong ni Josh dahil hindi narin niya gusto na hindi nya alam ang nangyayari.

"Oo nga Melissa, anung meron sa picture na yan at pinagmulan pa ng away nitong dalawang to?" pa-segunda naman ni Simon.

Napatingin kay Melissa si Angelo, at ganun din naman si Melissa sa kanya. Hindi makapaniwala si Melissa sa nakikita niya. At lalong siyang hindi makapaniwala na sa dinami-rami ng tao; si Angelo pa.

~~~~~~~~~~

Sa isang tahimik na lugar, bumaba sa isang taxi si Agatha. Umiiyak at tila nagmamadali. Habang tumatakbo sya ay nadapa ito sa damuhan. Pagkatapos ay gumapang na sya mula roon.

"Bakit ganito!" sigaw niya, "Ang pait-pait naman nito! Napaka-daya! Hindi ako yun eh! Hindi ako yun!" pag-sigaw niya at maya-maya pa ay tumigil sya sa harapan ng isang puntod at doon iniiyak niya lahat. 

Ang pangalan na nakasulat dito ay Andrea Ballesteros.


When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon