Ch. IX, Prt. II: Conference

482 5 0
                                    

Nasa loob ng meeting room ang tatlong magkakaibigan na sina Angelo, Josh, at Simon para sa paghahanda sa isang event. Yearly naman nilang ginagawa yun para sa event na yun, at yun rin ang highlight ng kanilang magazine dahil sa exclusivity na nakukuha nila mula rito. Pero sa mga taong halatang-halata na excited para sa event na yun, isa lang sa kanila ang hindi ganoon ka enthuisiastic.

"So dating gawi lang tayo; Josh's team will cover the event dahil sila din lang naman ang nag-cover nito two-years before under Angelo's leadership. So it wouldn't be a problem kung sila nalang ulit ang kukuha nito." suggestion ni Mindy.

"Ayos lang samin yun tatlo, diba Simon?" sabi ni Josh.

"Oo, alam narin naman namin yung mga do's and don'ts ng events. Madali kaming makakapag-adjust kung sakaling may mga binago sila sa rules nila. Kaya ayos lang." sabi ni Simon.

"Good, ikaw Angelo, good tayo?" sabi ni Josh. Pero tila tulala si Angelo sa paper na hawak niya. Nakatingin lang dito na parang malalim ang iniisip. Nagkatinginan ang dalawa ni Mindy at Josh noon bago tapikin ni Josh si Angelo.

Tila naalimpungatan si Angelo, "Ah, oo good. Alam ko narin naman yung mga gustong types of photos ng producers. At ano--," napakamot siya sa ulo, "katulad nga ng sabi ni Simon kanina lang, kung may mga bago silang requirements or adjustments na gagawin, makakapag-adjust ako." sagot ni Angelo na may ngiti sa kanyang mukha.

Nagkatingin nanaman ulit ang dalawa ni Josh at Mindy sa mga oras na yun. Napahinga ng malalim si Mindy habang si Josh naman ay pinili nalang manihimik. "Angelo, if you're not comfortable at doing this event. Sabihin mo na ngayon pa lang. Ayokong i-jeopardize ang event na to dahil sa issues mo." sabi nito.

"No, ok lang. Magagawa ko to." sagot ni Angelo na hawak parin ang ngiti sa mukha niya.

"Sigurdahin mo lang. Ayokong maulit nanaman ang nangyari noong december. Nakakahiya."

Napahinga naman ng malalim si Angeo sa mga oras na yun at sumandal nalang sa pagkakaupo niya para ma-relax, "Past is past Mindy, don't worry. Di na mauulit yun."

"Dapat lang. Galit na galit parin hanggang ngayon sakin ang mga boss ko dahil nandito kapa rin sa company matapos ng ginawa mo." sagot agad ni Mindy.

Naiintindihan naman ni Angelo kung bakit ganoon nalang ang sinabi ni Mindy. Sino ba naman ang matutuwa na bigla nalang awayin ang isang opisiyal ng parent company para lang makuha ang picture. Naalala parin niya ang araw na yun, at hanggang ngayon ay napapaisip parin siya kung bakit nasa magazine parin siya noon.

"Mindy, I assure you. Hindi nako mang-aaway ng executive ng parent company or ng host company. Lasing ako nung mga yun at alam mo naman sitwasyon ko noon."

"Tsaka ako bahala sa kanya Mindy, wag kang mag-alala." biglang singit ni Josh. Napatingin naman sa kanya si mindy.

"Yun na nga kinakakot ko eh. Ikaw yung kasama niya." sabi ni Mindy, napakunot nalang noo niya at tumingin kay Simon, "Simon, ikaw na bahala sa dalawang yan." dagdag nito.

"Yes ma'am!" sagot naman ni Simon habang natawa nalang iba sa kwarto, tapos si Josh naman ay tila napanganga nalang sa sinabi ng boss niya.

"I won't dissappoint you Mindy." sabi nalang ni Angelo na may ngiti sa kanyang mukha.

"You better," sabi niya habang inaayos niya ang papers na hawak niya, "Hindi na demotion ang kasunod niyan. It will be your job." tapos tumayo. "Ok, meeting over. Everyone can go now. Josh maiwan ka, kailangan na nating planuhin yung page layout." sabi niya at yung iba ay umalis na, kasama si Angelo ni Simon. Si Josh naman ay naiwan sa conference room.

Pabalik na ang dalawa sa kani-kanilang mga cubicle, "Angelo, ok ka lang ba?" biglang tanong ni Simon.

Dire-diretyo lang si Angelo noon sa cubicle niya ng sumagot siya, "Oo naman bakit?" tanong nito at naupo na sa upuan niya. Si Simon naman ay hinila ang kanyang swivel chair palabas ng cubicle niya para kausapin si Angelo.

"Wala lang. Baka kasi masama parin loob mo dahil doon." sambit nito.

Napangiti naman si Angelo na may pagtataka sa sinabi ng kaibigan, "Bakit naman sasama ang loob ko? Kasalanan ko naman yun eh. Trabaho yun. Binastos ko ang boss ng boss ko. Utang ko kay Mindy at narito parin ako sa magazine. Kung hindi dahil sa kanya, baka nasa ibang kumpanya ako or tambay lang sa bahay ngayon. Haha." sagot ni Angelo ng matawa nalang sa sarili.

Napatawa rin ng kaunti si Simon noon, "Ok sabi mo eh. Pero yung tungkol sa demotion mo. Ayos lang ba sayo?"

"Kakasabi ko lang diba? Ayos lang sakin. Tsaka deserve ni Josh yun, nagkapalit lang naman kami ng trabaho."

"Nagkapalit? Bro, kaw ang pinakamagaling na photographer dito sa magazine." sambit nito ng dumaan ang isa pang katrabaho nila na photographer din. Nagpitigil ito sa harap niya at nagkatinginan. "No offense. Hehe." sabi ni Simon sa kanya.

Shinake lang nito ang ulo niya sa pagkatuwa sa sinabi ni Simon at tumuloy na ng lakad. Napatawa naman si Angelo doon at tinuloy na niya ang trabaho, "Katulad nga ng sinabi ko kanina, di ka bagay diyan sa posisyon mo. Kaw dapat ang boss namin kung sakali." panapos nito.

Napa-buntong hininga nalang naman si Angelo sa mga oras na yun at tinigil ang ginagawa niya. Tumuingin siya kay Simon, "Bro, let it go." sambit nito na may ngiti. Lumipas ang ilang sandali at tinuloy na niya ang trabaho niya.

Si Simon naman, napangiti, "Ikaw ba, naka let go kana?" tanong nitong bigla na kinagulat ni Angelo. Napatingin siya sa screen niya. Di niya alam ang gagawin niya at kung ano ang i-sasagot niya.

Nabasa na agad ni Simon ang reaksyon ni Angelo at bumalik nalang siya agad sa cubicle niya.

Sa mga oras na yun nakalabas na ng conference room si Josh at pabalik narin sa station niya, ng makareceive siya ng tawag mula kay Melissa.

Napangiti naman si Josh ng makita niya ang pangalan ng Girlfriend niya sa phone niya, at di na niya pinalipas pa ang segundo at sinagot na niya agad ang tawag, "Oh Hon, napatawag ka, ano yun?"


When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon