Ch. VII, Prt. V: The Departure

418 5 0
                                    

~~~~~ June 2014 ~~~~~

Nasa airport na sila noon at hinatid si Agatha para sa pag-alis niya. Syempre, ginawa nila ang plano nila para matupad ang dream ni Agatha. Nagpalit sila ngayon ng katauhan. Alam ng mga kasamahan nila na si Andrea ang kasama nila at si Agatha ang maiiwan. 

"Mag-iingat ka dun anak ha? Payakap nga ulit."  sambit ni Minerva habang niyakap nito ng mahigipit ang anak niya. 

"Ate, mag-iingat ka dun ha. Pasalubong ko nalang." sabi naman in Andrea ng may ngiti, pero habang nagpapanggap na si Agatha. Napailing naman si Agatha noon at natawa bago niya niyakap ang kapatid niya.

"Asan nga pala si Papa?" tanong ni Agatha.

"Ah, busy sa trabaho. Alam mo naman ang trabaho nun anak." sagot naman ni Minerva.

"Hehehe, joke lang! Alam ko yun. Pasabi nalang kay Papa na ako bahala sa sapatos niya." sagot naman ni Agatha.

"Ay ano kaba. Basta umuwi ka lang ng maayos. Masaya na yun." sagot naman ni Minerva.

"Andrea! Tayo na!" pag-sigaw ni Melissa. Napalingon nalang si Agatha at sumagot.

"Oo na! Inggit ka lang di ka nanaman hinatid ng boyfriend mo!" sigaw naman pabalik ni Agatha habang papalapit sa mga kasamahan niya.

"Ay nako, bahala siya! Pag hindi niya ako sinundo pagbalik natin, who you siya saken!" sagot niya na medyo galit. Kumaway naman si Agatha sa kanyang nanay at pati narin sa kanyang Ate. Ganun din naman si Melissa at doon, pumasok na sila ng terminal gate, at dumeretyo na papunta sa departure area.

Pagkatapos noon ay nagtagal pa sila doon ng ilang sandali bago sumakay ng taxi. Sa loob nakangiti lang si Andrea habang hawak niya ng mahigpit ang kanyang cellphone.

"Hija, gusto mo bang kumain? San mo gusto?" biglang sabi ni Minerva.

"Ay hindi na Ma, ayos nako. Diretyo nalang tayo ng bahay at papasok pako." sambit ni Andrea.

"Teka, diba day off mo ngayon?" pagtataka ni Minerva.

Natawa naman si Andrea sa kanyang ina at napahawak siya sa kamay nito, "Ma, ako po ngayon si Agatha diba? May pasok si Agatha. Kaya kailangan pumasok si Agatha. Di po ba?" sambit naman nito. Natawa nalang si Minerva noon at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kanyang anak. 

Natahimik na sila noon habang papauwi na sila. Si Andrea, na nakatingin sa labas ng bintana ng taxi, ay napahinga nalang ng malalim, habang lalong humigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone.

Lumipas ang mga araw na nagpalitng ugali si Andrea para hindi mahalata ang pagpapalit nila ni Agatha. Naging mas-tahimik siya, at dahil alam niya ang mga mannerism ay naging madali lang ito. Nakukwento pa niya sa mga magulang niya na hindi talaga siya nahalata nung mga sumunod na araw. 

Pero, dumating ang araw ng thursday, June 19. Sa araw na to. Biglang nagbago si Andrea. Medyo naging gloomy siya to the point na nakakahalata ang kanyang mga katrabaho na hindi siya ang sinasabi niya. 

Day off niya noon pero nakareceive siya ng text. Di na siya nag-patumpik-tumpik pa at agad siyang nag-ayos. Ng matapos siyang magayos sa damit at itsura ni Agatha ay agad siyang lumabas ng kwarto at dumeretyo pababa. 

Narinig ni Minerva mula sa dining room ang pagmamadali ng kanyang anak at kanyang tinanong ito, "Oh akala ko ba day off ni Agatha ngayon, bakit ka papasok?" tanong nito kay Andrea.

Hindi agad noon nakasagot si Andrea, "Pinatawag po ako sa work. May kailangan daw akong i-check sa park." agad na na-isagot nito. Bago pa makasagot si Minerva ay agad na palang nakalabas ito ng bahay. Tila hindi na natanong kung ano nga ba ang problema.

Dumating siya sa park. Doon tila problemado siya. Tila hindi mapakali. Pinipilit nalang niyang pakalmahin ang sarili niya at pinipigilan na mapaiyak. Nakaupo lang siya sa bench noon. Ilang beses rin niyang tinitingnan ang kanyang phone at tila may hinihintay. Ng biglang may tumawag ay agad siyang tumayo at sinagot ang tawag. 

Sa mga oras na yun ay naglalakad na siya sa part ng park na kakaunti ang tao at doon natapos ang call niya. Napasigaw nalang siya sa galit at naitapon ang phone. Sa mga oras na yun pinipigilan parin niyang umiyak. 

Habang naglalakad siya ay nakaramdam siya ng isa pang presensya sa lugar at ng lumingon siya ay nakita niya, ang isang photographer; si Angelo. Halatang nagulat siya, at doon hindi na niya napagilan na lumabas ang luha niya. Ng napansin niyang tumulo ang luha niya, ay agad siyang umalis at lumayo sa lugar. 

Gusto niyang mapagisa, gusto niya na siya lang muna ang alam niyang tao sa mundo. Ayaw niya na may iba pang makarinig ng mga ibon sa paligid at ganun din ang pag-sasayaw ng mga dahon sa hangin. Gusto niya, siya lang muna. 

Pumikit siya at tumingala sa kalangitan. Maya-maya pa ang mataas na sikat ng araw ay napalitan ng makulilim na kaulapan. Ang init na nararamdaman niya ay napalitan ng malalamig na patak. Minulat niya ang kanyang mga mata; umuulan na pala. Napahinga nalang siya ng malalim at doon, hinayaan nalang niya ang kanyang sarili. Hinayaan na niya, na umiyak siya. 

Iniiyak niya lahat, lahat ng galit na nararamdaman niya. Iniiyak niya ang sakit na nararamdaman niya. Sa mga oras na yun, alam niya na mag-isa siya. Sa mga oras na yun alam niya na mag-isa na siya. 

Nagtagal pa siya sa pagkakatayo niya, at ng matapos na niyang ilabas ang lahat ng galit niya sa mundo. Ay pinakalma na niya ang sarili, sa ilalim ng bumubuhos na ulan. Napagdesisyunan niya na bumalik na ng bahay nila. Tumingin muna siya sa paligid para hanapin ang daan niya pabalik.

Iniisip parin niya kung ano na ang gagawin niya. Ano ang sunod niyang magiging hakbang. Nakatingin parin siya sa dinadaanan niya habang tinitingnan ang park. Naglalakad na siya noon habang nagpapaulit-ulit ang mga tanong na ito sa isip niya. Nag-iingat siya sa paglalakad dahil madulas na ang daan. Nakikita na niya ang part ng park na developed.

Binalik na niya ang ngiti sa kanyang mukha habang umuulan. Pero nagbago ang lahat, nawala ang balanse niya. Nag-simulang umikot ang paningin niya. Bumigay ang pathway na nilalakaran niya at tuluyan siya nahulog sa bangin.

End of Chapter VII.


When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon