Ch. VI, Prt. III: Date on the Road

448 6 0
                                    

Isang linggo ang lumikas at nagkataon na nagka-sabay din ang day off nina Angelo at Agatha. Hiniram ni Angelo ang Truck ni Simon para sa occasion nayon. Hindi dahil sa monthsary nila; hinde. Hindi na naman sila ganoon ka-bata para pagka-abalahan pa ang bagay na katulad noon. Especial ang gabing yun dahil sa sobrang ganda ng panahon para sa gabi.

Clear skies. Kaunti ang ulap, at sumasayaw ang mga bituin, sa liwanag ng syudad at sa full moon. Nasa road side sila ulit sa Antipolo. At doon nila naisipan na mag-celebrate, ng maiba naman.  

Sa likod ng nakaparadang pick-up, naroon silang dalawa. Si Agatha na nakahiga at nakasandal sa dibdib ni Angelo. Habang si Angelo naman ay walang tigil sa pag-haplos ng buhok ni Agatha. May nakalatag naman sa sahig kaya komportable sila doon. Maliit na lantern na nagsisilbing liwanag nila. Idagdag mo narin ang malamig na simoy, dala ng hangin.

Huminga ng malalim si Agatha at napatingin sa kanya si Angelo, "Inaantok ka ba?" tapos tumingin muli sa tanawin, "kung gusto mo matulog, sige lang. Babantayan lang kita."

Napangisi naman si Agatha sa mga oras na yun, "sino bang hindi makakatulog sa ginagawa mo, eh walang tigil mong hinahaplos ang buhok ko." sambit nito ng malunay na boses. 

Napatawa nalang naman si Angelo doon at sandaling tinigil ang ginagawa niya, "Sorry, sige titigil ko." sabi niya na may ngiti sa kanyang mukha.

Napatawa naman ng marahan si Agatha at agad na inabot ang kamay ni Angelo, at ibinalik sa buhok niya, "Eeeh, wag mo itigil. To naman, tuloy mo lang. Masarap kasi." 

"Hala sya, sayang naman yung binili ko na pagkain. Di natin makakain." sabi ni Angelo na may ngiti sa kanyang mukha. Napabangon agad si Agatha nung binanggit niya ito.

"Ano yun? Kainin na natin dali!" sabi niya, medyo excited siya at napapalakpak siya rito.

Nakangiti lang naman sa kanya si Angelo ng bumangon ito at bumaba, para kunin ang pagkain na binili niya.

"Naku, italian to Agatha. Madami rin siyang lahok na tyak na ikakatuwa mo." sabi ni Angelo habang kinukuha na niya. Medyo na eexcite at na ccurios si Agatha kung ano yung sinasabi nitong boyfriend niya. "Tapos dagdagan mo pa ng isang sikat at world class na inumin, at tyak! Talagang mabubusog ka!" dagdag nito.

"Ito naman si Angelo pinapatakam mo ako eh! Ano yan? Sabihin mo na sakin!" sisilipin sana niya ang dala-dala ni Angelo.

"Ops, bawal ang sumilip. Wait ka lang diyan." sabi nito habang naglalakad siya ng mabagal at nakatingin lang kay Agatha. 

Hawak ni Agatha ang mga kamay niya. Kung ano-anong pagkain ang pumapasok sa isip niya. At tsaka yung inumin medyo curious din siya kung ano yun. 

"Tyanan!" sigaw ni Angelo habang natatawa sa mukhang pinapakita ni Agatha. Napawi ang malaking ngiti nito. Pero napalitan ito ng ngiti ng pagkatuwa at galak.

"Ano ka ba naman, akala ko naman kung anong italian at mamahaling inumin yan." sabi ni Agatha habang hinahanda na ni Angelo ang kanilang pagkain at inumin, "Pizza lang pala at coke! Ahahahaha!" dagdag nito. 

Natawa rin naman si Angelo sa joke na ginawa niya at tila nagpaliwanag habang sinusubuan si Agatha ng pizza, "Diba italian naman ang pizza?" sambit nito, habang si Agatha ay ngmunguya, habang may ngiti sa mukha at masama ang tingin sa boyfriend niya. "Tapos ang Coca-Cola naman world class siya dahil sa kahit anong parte ng globe! May Coke! Diba?" dagdag niya habang nakatingin lang siya kay Agatha.

Nag-taas-baba ang kilay niya kay Agatha na; halata namang na-kornihan sa joke niya. Pagkatapos noon ay tinuloy na nila ang pagkain nila habang ina-admire ang skyline sa harapan nila.

"Alam mo. Kahit kelan, ikaw talaga ang nakakagawa ng mga kakaibang bagay." biglang nasabi ni Agatha pagkatapos niyang uminom ng coke.

Napakunot naman ang noo ni Angelo dahil tila, hindi niya nakuha ang nais sabihin ni Agatha. Napatingin naman sa kanya si Agatha. Nakita niya na may kaunting amos sa bibig ni Angelo at napahinga agad siya ng malalim.

Lumapit siya kay Angelo at biglang dinilaan ang amos na nasa bibig nito. Si Angelo naman ay tila di na naka-react sa ginawa ng kanyang girlfriend habang siya naman ay bumalik na sa paginom ng coke. "Uhmmm..." ang nasabi nalang ni Angelo.

Napatawa naman si Agatha doon, "Ano kaba, may amos ka kaya. Para kang bata na kailangang alagaan." sambit nito at pagkatapos ay pinisil niya ang pisngi ni Angelo. 

"Hehehe sorry na." 

"Love you." sabi ni Agatha.

"Ay Yab yu tfoo" ang nasabi nalang ni Angelo habang may pagkain pa sa bibig niya at may malaking ngiti. Natawa nalang naman dito si Agatha sa ginawa niya at doon tinuloy nila ang pagkain.

Lumipas pa ang ilang minuto ng pagkain nila at ng matapos na sila ay balik sila sa pwesto nila kanina. Si Agatha nakahiga sa may dibdib ni Angelo habang tinitingnan ang maliit na lantern. 

"Alam mo, bilib ako sayo." biglang nasabi ni Agatha.

"Bakit naman?" pagtataka ni Angelo.

"Kasi alam kong busy ka. At busy rin kayo sa magazine at photoshoots mo."

"Oh tapos?" sabi ni Angelo.

"Bilib lang ako na, nakakagawa kapa ng oras para sakin. At tsaka nakakagawa kapa ng ways para paramdam sakin ang nararamdaman mo."

Napangiti nalang si Angelo doon at pinili nalang niyang hindi magsalita. 

"Thank you ah." dagdag ni Agatha.

"Para san naman yan?" tanong ni Angelo.

"Dahil sa kabila ng pagiging busy mo. Nakakagawa ka parin ng mga ganitong bagay para sakin." tapos tumingin siya kay Angelo. "Salamat." dagdag niya at hinalikan niya ito sa labi. Pagkatapos noon ay nagkatinginan sila at bumalik ang mata ni Agatha sa city nightlights, habang binalik naman ni Angelo ang lantern sa side.

"Madami pakong kayang gawin at surprises sayo. Para lang maparamdam ko kung gaano ako ka-seryoso sayo." sabi ni Angelo.

Napangiti naman si Agatha, "Yung mga ganitong moments, sapat na sakin to." tapos umayos siya ng pagkakahiga niya sa dibdib ni Angelo.

Si Angelo naman, na nilalaro muli ang buhok ni Agatha, ay nakangiti, dahil may isa pa siyang surpresa na ini-hahanda, para sa kanya.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon