Ch. IV, Prt. III: The magazine that got away

549 5 0
                                    

Nasa opisina na sila noon at kakatapos lang ng kanilang break. Pero kahit ganun pa man, hindi parin talaga tapos ang intriga na pumapalibot kay Angelo at sa babaeng umapekto sa kanya ng buong linggo na yun. Nakapalibot parin ang mga ka-trabaho niya sa kanya.

"Guys. Seriously, pwede tuloy na natin work natin?" sabi ni Angelo na medyo na-ngangamba na sa ikinikilos ng mga ka-trabaho niya.

"Dude, minsan lang to. Tuloy mo na kase." katwiran ni Josh.

"Pag-tayo talaga nahuli dito ni Mindy lagot tayong lahat."

"di yan Angelo, chineck namin office niya. May nilakad daw sa sister company." sabi ng isa niyang katrabaho sa likod. Napabuntong hininga nalang naman noon si Angelo at doon tinuloy na na niya ang naputol kanina.

~~~That same day~~~

Nakangiti lang si Angelo noon kay Agatha habang hinihintay niya ang sagot nito sa tanong niya. Hindi halata sa kanya pero kinakabahan siya. Ni-hindi rin niya naisip na masasabi niya yun. Nakangiti lang naman si Agatha noon, pero ang kinakatakot ni Angelo ay hindi niya alam kung ano sa mga oras na yun ang naglalaro sa isip ng babae sa harapan niya.

"Hmm, let me examine first the application. Just stay put." sagot nito tapos uminom siya ng kape. Natawa naman silang pareho. At tila nawalan ng mabigat na bagay sa dibdib si Angelo. 

Kumunot naman ang noo ni Agatha. Ni hindi niya alam kung anong gagawin niya. Yung kaninang pag-bibiro niya ay naging seryoso na. Gusto rin naman niya si Angelo, pero hindi niya lang sigurado kung handa na ba siya or hindi pa.

Agatha, alam mo. Di naman masama ang pagiging focus sa studies at work mo eh. Pero dapat marunong karin na mag-relax. Kailangan mong mag-let off ng steam. You don't always have to be uptight; you have to learn to balance everything out. Dahil tandaan! Hindi maganda sa ating body and maging sa ating mind, ang sobra ng isang bagay.

Bigla nalang pumasok sa isip niya ang sinabi niya na yun nung mga panahon na yun. Napangiti nalang siya. Napakagat ng labi at tila malapit na siyang makagawa ng desisyon. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay nilabas niyang lahat iyon.

"Syempre, hindi lang ang intellectual side mo ang kailangan sa position. You have to be physically fit narin." sabi niya at nagulat nalang naman si Angelo doon. Maya-maya pa ay na-realize din niya ang sinabi niya at bigla siyang namula hanggang sa nahiya, at natawa, "Sorry! I mean, dapat healthy ka! Yun!"

Napa-iling nalang naman si Angelo at napa-oo nalang. Tumayo siya sa side ng table niya at hinubad ang jacket niya, "lagi ka talagang nag-jajacket no?"

"Malamig sa office eh." sagot ni Angelo, at doon ay pinatong niya ang jacket niya sa upuan niya. Tinaas niya ang mga kamay niya na may ngiti, at umikot sa harap ni Agatha.

Medyo napa-nganga noon si Agatha sa katawan ni Angelo. Di naman ganun kalaki ang katawan nito, pero sa damity palang niya, makikita mo ng tama lang ito. Nag-simula sa may mga balikat ang tingin niya at unti-unti itong bumaba hanggang sa may dibdib niya at pababa ng pababa hanggang sa may bewang ni Angelo.

Napalunok nalang siya doon at tila bumilis ang tibok ng puso niya. Sandali siyang lumihis ng tingin at uminom nalang siya.

"So, kumusta naman po ma'am?" biglang sabi ni Angelo at napatingin naman si Agatha sa kanya. Di siya nakasagot, tila na windang parin siya sa katawan ni Angelo, "healthy enough for the position?" dagdag ni Angelo.

"Ah, ano-Uhmm," napatingin siya sa counter, "nasobrahan ata ko sa kape. Wait lang ah, bili ako juice. Kaw ba gusto mo?" sabi nito habang nakatayo na siya at tila pinipilit parin na pakalmahin ang sarili niya habang nakangiti. Napangiti nalang din naman si Angelo at napa oo nalang ulit siya.

Sandali siyang lumayo at dumeretyo ng counter para bumili ng juice. Mabilis parin ang tibok ng puso ni Agatha nung mga oras na yun. Pero nagagawan niya ito ng paraan sa pag-hinga niya ng malalim.

Si Angelo naman, tila hindi alam ang gagawin. Di na niya matago ang kaba niya at nanginginig narin ang kanyang mga kamay. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Ilang beses na siyang nakapag-shoot sa mga delikadong lugar sa pilipinas. Pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba sa buong buhay niya. Di niya alam ang gagawin niya. Napa-oo nalang din siya sa offer ni Agatha na juice para pakalmahin ang sarili niya.

"Eto na yung juice mo." sabi bigla ni Agatha na kinagulat naman ni Angelo.

"Ah, thank you." sabi niya at uminom na siya ng juice niya. Nag-ngitian lang sila sa isa't-isa at ayun, tumahimik na sila. 

"So uhmm, about the position." biglang tanong ni Angelo.

~~~~~~~~~~~~

"At anong kaguluhan ang nangyayari dito?! biglang sigaw ni Mindy na siya namang kinagulat ng lahat at nag-sitakbuhan sa kani-kanilang mga trabaho. Tahimik sila at naka-tutok lang sa kani-kanilang mga monitor habang naglakad si Mindy papalapit sa kanila.

"Nawala lang ako ng ilang oras tapos ganito agad ang ma-dadatnan ko? anung meron? Sagot!" tanong ng boss nila. 

Tuloy lang sa trabaho si Angelo. Naka-focus lang siya sa screen niya habang ang dalawa niyang kaibigan na si Simon at Josh ay todo usap ng kung ano-ano dahil malayo masyado ang cubicle ni Simon. Tumigil si Mindy sa likod ng dalawa.

Nakaramdam naman silang dalawa at pinag-mukha pa nilang totoo ang pinag-sasasabi nila.

"So, ano yang dinidiscuss niyong dalawa?" tanong ni Mindy.

"Ahh boss, nandiyan kana pala. Pinaguusapan lang namin kung saan namin i-lalagay yung-- uhmm,"

"Picture." biglang singit ni Simon.

Napapitik naman si Josh sa sinabi niyang yun, "oo tama yung picture na kuha ni Simon. Kasi yung text kailangan namin pagka-syahin dito, tapos yung picture naman na kuha ni Simon kailangan mag-blend in; pero noticable parin siya." pag-bubullshit ni Josh. 

Nakatitig lang si Mindy kay Josh habang nakangiti lang naman ito sa kanya. Nag-ilang ulit na nagpapalit-palit ang tingin ni Mindy sa dalawa hanggang sa magsalita na siya, "Josh sa susunod kung gagawa ka ng kagaguhan; gawin mong believable!" sigaw niya at kinuha niya ang men's magazine na hawak nila, "nagpaplano kayo ng lay-out pero ang hawak niyo ay isang men's magazine tapos picture pa ni Jennylyn Mercado!" 

Tapos sumabog ang opisina sa pagtawa, habang nag-pipigil naman si Angelo. Pina-ikot niya ang magazine at pinukpok ang dalawa sa ulo nito, "Simon bumalik kana sa trabaho mo!"

"Yes Ma'am!" tapos tumakbo na siya. 

"At ikaw, tapusin mo na yung ipapasa mo mamaya saken!" tapos tumingin siya sa iba para patahimikin sila.

"Mamaya?"

"Oo Josh, mamaya na!" sabi ni Mindy. Tinangkang kunin ni Josh ang magazine pero umalis na si Mindy, dala-dala ang magazine.

"Kayong lahat, hindi naman bawal ang ginagawa niyo, ang problema lang ay para kayong mga bata na nakakalat sa opisina! Hala mag-sitrabaho kayo!" sigaw ng boss nila na siya namang kinatahimik ng lahat. 

Dumeretyo na si Mindy sa office niya at pagkapasok na pagkapasok niya ay sumabog muli ang opisina sa pagtawa.

"Yung magazine ko." sabi ni Josh na tila nalulungkot sa pagkawala ng magazine niya. Yung iba naman ay nagtrabaho na lang at tila parang wala lang ang galit na pinakita ng boss nila. Dahil tutal, sanay nanaman sila at talaga rin namang hindi ganun ang ugali ng boss nila. 

Kinomfort nalang ni Angelo ang kaibigan niyang si Josh habang nag-tatawa; dahil sa pagkawala ng magazine niya.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon