Ch. II, Prt. III: Age of Settlement

1.3K 13 0
                                    

Sandaling napaisip noon si Angelo. Di niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Agatha, kapag nalaman niya na nakuhaan niya ito ng picture, one year ago. Magagalit ba ito? Matutuwa? Or baka naman isipin ni Agatha na stalker siya. Yung pinaka-huling naisip niyang yun syempre, kahit anong mangyari, ay hindi dapat mangyari.

Kakakilala lang nila, tapos iisipin agad ni Agatha na Creep siya? Eh di nasira naman agad ito sa babaeng nagustuhan niya.

"Mukhang hindi ko nalang muna agad sasabihin pare." sabay inom niya ng juice.

"Oh bakit naman? Pagkakataon mo na to, destiny did this for you bro." sambit naman ni Josh na siyang kina-kunot ng noo ni Angelo.

"Ayan ka nanaman sa destiny-destiny mo ah, tigilan mo nga ako. Tsaka mamaya baka kung ano isipin ni Agatha pag nalaman niya ang tungkol doon." sagot ni Angelo, napa-iling ng ilang ulit itong si Josh tapos hinawakan si Angelo sa balikat.

"Bro, seriously. 24 years old na tayo," tapos pinukpok ni Josh ng mahina ng ilang beses si Angelo sa noo, "malapit na tayo sa edad na tinatawag ko na age of settlement." tapos uminom na rin siya juice. 

"Ah..." tapos tumaas naman ang kilay ni Angelo, "Age of settlement ba kamo?" tapos umayos si Angelo ng upo at humarap sa kaibigan niya.

"Tanda mo pa ba yung kakasabi mo kahapon lang sa akin?" dagdag niya.

"Ha? Alin yun?" pagtataka naman ni Josh.

"Yung sobrang babata pa natin, time to have fun while we still can na sinabi mo?" habang nakatingin lang siya sa kaibigan niya na umiiwas ng tingin sa kanya.

"Pre, umiiral nanaman yang kapraningan mo. Wala akong sinabi na ganyan. Tsaka ang laki-laki na natin. Wala na tayong oras sa paglalaro." sagot nitong si Josh. Medyo nainis si Angelo dahil isa ito sa ugali ni Josh. Yung biglang magkukunwari na hindi niya sinabi or ginawa ang isang bagay na pwedeng ikapahamak niya.

"Ikaw babatukan na kita, kakasabi lang nun!"

"Angelo wala akong sinabi, tumigil kana." sagot naman ni Josh. "Pero sure kaba talaga, hindi mo babanggitin kay Agatha yun?" binalik na niya ang topic kay Angelo at sa picture ni Agatha na hawak niya.

"Hindi ko alam pare, titingnan ko muna. Alam mo na, di ko pa talaga alam kung papano mag-rereact si Agatha."

"Ok pare, basta narito lang kami ni Melissa."

"Ha? Kelan pa kayo naging close ng sobra?"

"Kanina lang." agad na sagot ni Josh tapos uminom ulit ng juice. 

"Ang bilis naman ata."

"Pre, sa edad natin, di na natin ma-aafford ang magligawan ng matagal. Mabuti na ang malinaw. Tsaka besides, liligawan ko parin siya. alam lang namin yung gusto namin." sagot ni Josh. Napa-iling nalang ulit si Angelo at hindi na niya pa inusisa ang new-found-wisdom ng mokong niyang kaibigan.

"Teka anong kayo bahala?" agad nalang na tinanong ng ni Angelo.

"Kasi, napansin namin na nag-coconnect talaga kayo kanina." medyo na-gulat ng kaunti si Angelo sa sinabi ni Josh.

"Kala mo di namin kayo napapansin kanina. Ang cute niyo nga eh. Anyway, sabu nga niya habang naguusap kayo kanina, hindi daw ganun kumilos si Agatha. Sa mga taong gusto daw lang niya."

"Gusto?" paglilinaw ni Angelo.

"Yung tipong more than friends. Ganun. Anyway, at yun nga, nabanggit ni Melissa na gusto karin daw ni Agatha. Yun nga lang eh, magkaiba daw sila ng kaibigan niya. Kaya kaw na bahalang dumiskarte kay Agatha pare. Basta ngayon, alam mo na na trip karin ni Agatha."

Napangiti lang si Angelo noon. Di narin siya nakapag-salita. Hindi rin alam ni Angelo kung ano na ang gagawin niya ngayon. Dahil narin sa sinabi ni Josh na interesado rin si Agatha sa kanya. Pasalamat nalang talaga at nakilala ng kaibigan niya si Melissa. Dumating na silang dalawa galing ng cr, pero tila napapaisip parin si Angelo. Tahimik lang siyang nakatitig sa kawalan habang may maliit na ngiti sa mukha nito. Umiinom ng juice, tila pinag-iisipan ang magiging susunod niyang hakbang. 

Si Agatha ay tila natutuwa sa nakikita niya.  Pinagmamasdan lang niya si Angelo noon habang tahimik na tila, may iniisip. Hindi nalang niya ginambala ito, dahil sa tingin niya, mukhang malalim ang iniisip niya eh. Lumapit pa siya ng kaunti kay Angelo na siya namang hindi napansin nito. At doon, tiningnan lang niya, tila pinapanood.

Ng mapansin ni Josh na tinitingnan lang ni Agatha ang tahimik niyang kaibigan ay marahan niyang sinipa ito sa kanyang paa na kaagad namang nilingon ni Angelo. Ngumuso nalang si Josh na paturo kay Agatha at tumingin naman si Angelo, nagulat ito dahil malapit na pala ito sa kanya.

Nakangisi lang si Agatha noon dahil natuwa siya sa reaksyon ni Angelo. "Oh, andiyan kana pala." sabi nalang ni Angelo.

"Kanina pako dito, di nalang kita inistorbo," at lumapit ito para bumulong, "mukha kasing malalim ang iniisip mo eh." panapos ni Agatha bago ito ulit lumayo.

"Ah sorry, minsan talaga ganun ako. Bigla nalang mapapaisip ng malalim." sabi naman ni Angelo.

"Ay nako, Agatha, pag-sabihan mo nga yang si Angelo, napapadalas yang ugali niyang yan eh. Alam niyo ba may time na nag cr lang tong si Angelo, tapos mag-iisang oras na yata siya sa banyo, at hindi--" 

"Josh, tumigil kana. Babatukan kita." agad na sabat ni Angelo.

"Hehe, nevermind nalang. Kukwento din lang naman niya yun. Just you wait guys." tapos nagtawa nalang ang tatlo habang si Angelo medyo napangiti nalang, pero nahihiya rin. 

"May pagka-absent minded ka pala." sabi ni Agatha.

"Hindi naman, minsan bigla lang talaga akong may maiisip at ayun. Dun na mag-sstart." sagot naman ni Angelo.

"Ayos lang yan. Your mind tends to wander. Ganyan din ako minsan, pero hindi naman katulad ng sayo, hahaha." sabi naman ni Agatha.

"Hay nako, basta, wag kang maniniwala sa kahit anong ikukwento ni Josh tungkol sakin. Baka kung ano pa sabihin niyan."

"Grabe ka naman pare, kaibigan naman kita." sagot naman agad ni Josh.

Tumingin si Angelo sa kanya, "Yun na nga yung nakakatakot eh, since college pa tayo magkaibigan." tapos napatawa naman ang dalawang dilag na kasama nila.

"So ano nga ba talaga iniisip mo kanina?" tanong agad ni Agatha. Iniisip ni Angelo kung sasabihin ba niya ang tungkol sa picture na nakuha niya dati pa. Sa ngiti palang na pinapakita ni Agatha, mukhang hindi naman magagalit to. Pero hindi siya sigurado, di niya alam kung babanggitin lang ba niya rin ito oh hinde.

"Ah, wala. Yung sa magazine lang nag-iisip nako ng concept." sagot ni Angelo sabay ngiti.

"Ah, ano ba ginagawa mo sa work mo? Kwento mo naman." sabi ni Agatha, mukhang interesado nga talaga ito sa kanya. Sinimulan na niyang sabihin ang tungkol sa trabaho niya. Tutal, napag-desisyunan nanaman niya na, huwag na munang sabihin kay Agatha ang tungkol sa picture. Naisip nalang niya na pag-tama na ang panahon, tsaka niya nalang sasabihin ito kay Agatha. At mukhang pagsisikapan rin niya na dumating sila sa puntong iyon. 


When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon