Ch. III, Prt. V: From here.

668 7 0
                                    

Grabe! Ikaw Agatha masyado kang pahalata! Magpakipot ka naman! sabi nalang ni Melissa sa kausap niyang si Agatha. Gising pa nung mga oras na yun  ang dalawa at kakatapos lang niyang i-kwento ang araw nila sa kanila, pero infairness kahit parang di mo mawari yang si Angelo mukhang may dating ah

"Talagang may dating, yung akala mo napaka-sungit niya. Pero pag ngumiti-- yieeeeee!" napasigaw nalang si Agatha at hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

Hala sya, control yourself woman! First date niyo pa lang nagkakaganito kana. Buti nalang kanina may-poise kapa at hindi ka nag-gaganyan sa harapan niya.

"Ay nako, sa sinehan nga kulang nalang ilagay ko ulo ko sa balikat niya eh."

Hay nako, easy ka lang! Ikaw alam kong matagal-tagal kana rin hindi nagkaka-boyfriend since that time. Pero control ng kaunti naman girl! sabi sa kanya ni Melissa. Kumalma na si Agatha ng kaunti noon at muling humiga sa kama niya habang katabi niya si Luna at nilalaro ito.

So ano, tinanong naba niya? Nagpaalam naba siya?

"Nagpaalam na ano?" tanong ni Agatha dahil hindi niya gaanong na-gets ang gustong iparating ni Melissa. Napahinga nalang naman ng malalim si Melissa sa kabilang linya bago magsalita.

Hay nako, girl! Nagtanong or nagpaalam kung pwede kaba niyang ligawan?

Sandaling napaisip noon si Agatha, at medyo natauhan rin siya, ni hindi pa nila napapagusapan yung tungkol doon. "Hindi pa eh. Tinatanong paba yun? Mukhang nanliligaw nanaman eh."

Girl, men today are hard to decipher when it comes to things like this. Halimbawa nalang si Josh. Sinabi niya sakin straight ang gusto niya. Sabi ko naman 'I want the same thing' at tingnan mo, mukhang maayos naman.

Napataas nalang ang kilay ni Agatha, "So? Meaning?"

Hays, hindi mo ba na gets; I'll elaborate: pagod na si Josh sa mga pambatang ligawan diyan. Gawa narin daw ng mga naging past girlfriends niya. So sabi niya, kung wala din lang daw naman kami patutunguhan kung sakaling ituloy namin, eh mabuti pa daw na wag nalang daw namin i-tuloy. I was so impressed. Kase una; siya lang ang nagsabi nun. Akala ko nga katawan ko nanaman ang habol ng mokong eh, well sa una mukhang ganun nga; but nung sinabi niya sakin yung reason niya at yung kakasabi ko lang, I think to myself na 'why not?' so ayun. Since pagod narin naman ako makipaglaro sa mga walang kwentang lalaki diyan, might as well give it a shot at sa kakasabi ko nga lang. Mukhang ayos naman. 

Sandaling natahimik si Agatha at ganun din naman si Melissa. Lumipas ang maiksing sandali, nagsalita na si Agatha. "Pina-background check mo siya sa pinsan mo sa NBI noh?"

Yes. Maganda naman ang record niya.

Napa-facepalm nalang si Agatha noon at pinili nalang niyang huwag mag comment sa ginawa niya, "so sinasabi mo na 'I should go with my gutt feeling' kung nanliligaw ba siya oh hinde?"

Yes. Tsaka sabi ni Josh mukhang gusto ka nga rin ni Angelo, at mabait daw naman siya. napangiti naman doon si Agatha. Sa kadahilan na, gusto rin siya ng taong nagpapasaya sa kanya.

"Hmm, ano kaya kung itanong mo kay Josh kung ano ba talaga ginagawa ni Angelo?"

Ginagawang papano? Na nililigawan kana?

"Oo. Pwede ba? Please?"

Hay nako, Agatha! Alam mo kung ano mas-masarap sa pakiramdam?

"Ano naman yun?"

Na siya mismo magsabi na nililigawan kana, or kung pwede ba siyang maglinaw. Kaya sa susunod na date niyo, dapat itanong mo na. Maging prangka ka.

"Eeeh, para kasing nakakahiya eh."

Sus, Agatha naman! Ang ganda na ng pagbabagong ginagawa mo, one year narin. Mabuti ng maging prangka ngayon sa panahong to. Wala kana masyadong mapapala kung lagi ka nalang maghihintay. 

Sandaling napaisip doon si Agatha. May punto nga naman siya. Mag-iisang taon narin simula ng binago niya ang sarili niya, para narin siguro sa kanya at sa sarili niya. Napahinga nalang siya ng maluwag doon at napatingin siya sa salamin sa may cabinet. Sandali siyang nakatingin doon bago bumaling ang tingin niya kay Luna.

Ano? Di mo na alam iisipin mo? Ano kaba Agatha, wag kana mag-isip. You have to jump the gun in some cases. And by cases I mean this one. May kumakatok na. Kesa silipin mo pa kung sino ang kumakatok; hindi kaya mas-mainam na buksan mo nalang agad ang pinto?

Napakunot naman ang noo ni Agatha, "Pano kung magnanakaw yung kumakatok?"

Wag mo baliin ng metaphors ko please. Pinagisipan ko yang mabuti.

"Sorry..."

As I was saying, mag-hihintay kapa ba? And my god Agatha! malapit na tayong mag 30!

"Grabe, five years pa naman."

See! Five years left to find your husband! 

"Grabe husband agad?"

Ay nako, Agatha, ayokong matulad tayo sa tita ko. Tumanda na siyang dalaga. Sayang ganda ko noh!

Natawa naman si Agatha sa sinabi ng kaibigan niya, "Ahahaha ganda ka diyan!"

Eeehh! Alam mo na yung punto ko? Tapos na ang panahon ng pag-eenjoy ng mag-isa, oras na para mag-enjoy ng may kasama! At alam mo na ibig-sabihin ko diyan. Got it?

Napahinga nalang ng malalim si Agatha, "Opo gets ko na." tapos natahimik na silang pareho tapos natawa nalang pareho. "Grabe ah, mas-bilib ako ngayon sayo. Kelan kapa nakakapag-salita ng ganyan?" dagdag ni Agatha.

I know right? Hehe, si Josh kasi, grabe siyang magisip. I mean ayun, nahawa lang ako siguro. So anyway, tsaka na yung tungkol samin ni Josh. Ikaw? Ano na plano mo? Nakapag-decide kana ba kung ano gagawin diyan kung nanliligaw naba siya oh hindi pa?

Sandaling napaisip noon si Agatha, dumapa sa kama at tinayo si Luna at tiningnan lang muna ito. Tatanong nga ba niya oh hihintayin niya na magtanong ito? Tumingin ulit siya sa salamin sa kabinet niya ng ilang sandali pagkatapos sa isang malaking space sa may kabilang side ng kanyang kama. Napangiti nalang siya roon at doon tumingin siyang muli kay Luna.

"Alam ko na gagawin ko." sabi niya.

Ano naman yun? tanong ni Melissa.

"Sakin nalang muna, kwento ko nalang yun sayo. Sige, tulog na ko. Goodnight Melissa."

Hmmm, nako mukhang excited nako diyan ah. Sige-sige ako rin. Goodnight bestie. pagkatapos ay naputol na ang call nila.

Humiga na ng maayos si Agatha noon at nakatingin lang siya sa ceiling noon, habang hawak parin niya ang phone niya. Huminga siya ng malalim bago niya,  tiningnan ang phone niya at dinial ang number ni Angelo.

Naka-ilang ring ito bago sumagot si Angelo, Hello, uie gising kapa? sambit nito. Napangiti naman si Agatha noon sa sandali na narinig niya ang tinig ng boses ni Angelo.

End of Chapter III.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon