Ch. VI, Prt. V: Smitten

429 6 0
                                    

Kinabukasan, pagkatapos ng gabing malamig at mainit. Nagising si Agatha, sa kama ni Angelo. Ang sinag ng araw tumatama sa kanyang maaliwalas na mukha. Nakikita niya, si Angelo. Nakaupo sa desk niya at tila may ginagawang trabaho. Hindi pa siya bumangon, naka-ilang ulit pang pikit-mulat si Agatha habang nakatingin sa taong kanyang minamahal habang ito'y nagtatrabaho. 

Napangiti sya sa imahe na nasa harapan niya. Umayos siya ng higa ng walang ingay. Gusto niya ng na mas-malinaw pa ang imahe ng boyfriend niya sa mga mata niya. Tinitingnan lamang niya ito, ng tahimik para hindi maka-abala sa trabahong ginagawa niya.

"Good morning." marahan na pagbati ni Agatha kay Angelo.

Nagulat naman si Angelo at agad niyang tinago ang kanyang ginagawa at lumingon kay Agatha na may ngiti. "Good morning din." tapos tumayo ito at lumapit kay Agatha para bigyan ng morning kiss.

"Bangon kana diyan. Paghahanda lang kita ng breakfast." sambit ni Angelo at agad siyang tumayo.

"Ano yung ginagawa mo dun kanina?" tanong ni Agatha.

"Ah wala, para sa trabaho lang yun. Bumangon kana diyan para makakain kana." sabi ni Angelo habang palabas na siya ng kwarto. Dumeretyo agad siya ng kusina para mag-handa ng breakfast nila.

Habang busy si Angelo sa pag-hahanda ng kanilang agahan ay naisipan ni Agatha na bumangon na. Ginamit niyang pantapis sa katawan nya ang kumot at dumeretyo muna siya ng cabinet ni Angelo para maghanap ng pwede niyang mahiram na t-shirt. Naka-ilang halungkat pa siya roon bago niya siya makakita ng tshirt na pwede niyang gamitin. Agad naman niyang binitawan ang kumot at duon sinuot na niya ang shirt. 

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Napatawa nalang siya dahil sa laki ng tshirt sa kanya. Nag-mistulang dress ito sa kanya at nagpa-ilang ikot muna siya bago dumeretyo malapit sa bintana. Duon umunat siya at napatingin na lamang siya sa computer ng boyfriend niya. Hindi naman ito patay, kaya na-curious sya sa inaasikaso ni Angelo. 

Sandali syang sumilip sa labas para i-check si Angelo. Ng makita niya itong busying-busy sa pag-luluto ay agad siyang bumalik at umupo sa harap ng computer. Ginalaw niya ang mouse para mag-power up ang monitor. Naka-open ang facebook niya at sandali niyang tiningnan ang newsfeed. Maya-maya pa ay nakita narin niya ang naka-minimize na trabaho ni Angelo at tumingin muna siya sa may pinto bago niya ito binuksan at nanlamig nalang siya sa nakita niya.

Ang kaninang ngiti na umusbong kasabay ng pagmulat ng mga mata niya ay napawi. Napalitan na ito ng kaba at takot. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Lumalim ang paghinga niya habang tila nanigas siya sa kinauupuan niya at nakabungad lang sa harapan niya ang larawan na inaasikaso ni Angelo. Nanginginig sya at tila natutuyuan ng lalamunan. Nakatitig lamang si Agatha sa litrato.

"Agatha, handa na ang pagkain. Halika na at--" natigilan si Angelo ng makita niya si Agatha, nakaupo sa harap ng computer niya. Nakita niya ang pagkagulat ni Agatha. Tiningnan niya ang nasa-screen at doon, alam niya na hindi na niya maiitago pa. "A-A-Agatha." pagtawag niya at lumapit siya sa kanya at hinawakan sa balikat.

"Pasensya na kung hindi ko kagad nasabi sayo ang tungkol sa litrato mong yan. Ang totoo kasi, matagal na kitang nakita. Hindi yung araw na nagkakilala tayo. Last, last year pa yan." lalong nangulat si Agatha sa narinig niya. Pinipigilan nalang niya ang sarili niya na maiyak at tinakpan nalang niya ang kanyang bibig.

Umupo sa tabi niya si Angelo para magpaliwanag, pero ang mapaglarong ngiti ni Angelo ay nawala ng nakita niya ang mukha ni Agatha, takot na tako. At tila parang nakakita ng multo, "Uhm Agatha I'm sorry. Dapat talaga matagal ko ng sinabi sayo ang tungkol sa picture mo na yan." sabi ni Angelo pero agad ng tumayo si Agatha at nagmadaling mag-bihis. 

Naguguluhan naman si Angelo sa nangyayari at sa naging reaksyon ni Agatha. "Teka Agatha ayos ka lang ba? Sorry na oh kung hindi ko sinabi agad." pakiusap ni Angelo kay Agatha. Natapos na siyang magbihis at agad siyang lumabas ng kwarto. 

Agad naman siyang sinundan ni Angelo, "Uie Agatha. Wag ka namang umalis oh. Sorry na, hindi ko naman alam na; mag-rereact ka ng ganito." sabi niya habang hawak niya sa braso si Agatha. "Please? Sorry na."

"Bitawan mo ako." mahinang sabi ni Agatha.

"T-t-teka, Agatha naman. Sorry na kung nagawa ko yun. Sorry kung na-ilihim ko yun. Mag-sasabi na ako sayo ng lahat. Sorry na." ang nasabi ni Angelo. Hindi niya talaga alam kung bakit nag-rereact si Agatha ng ganun. At sa mga oras na yun ay wala siyang ibang maisip kung bakit nag-kakaganito ang girlfriend niya. 

Tahimik nalang si Agatha noon at tila ayaw parin makinig kay Angelo. Maya-maya pa ay hinila na niya ang kanyang kamay at agad siyang dumeretyo ng pinto para isuot kang kanyang sandals at lumabas ng apartment. 

Pero hindi pumayag si Angelo at sinundan parin ito at hinawakan sa kanyang braso, "Uie Agatha ano ba?! Ganito kabang magalit? Sorry nanaman oh. Hayaan mo akong magpaliwanag. Di ko naman sinasadyang ilihim sayo ang tungkol sa picture mo na yun--"

"Hindi ako yun Angelo! Hindi ako yun!" sigaw sa kanya ni Agatha habang tumutulo na ang luha sa mga mata nya. 

Parang binagsakan ng malaking bato si Angelo noon. Hindi ako yun! ang nagpaulit-ulit sa isip niya. Nabitawan na niya si Agatha habang siya naman ay nagmamadaling umalis at lumabas ng apartment.

Nandoon lang si Angelo, nakatayo at tila isang bato. Tila hindi ma-process at hindi maintindihan, ang sinabi ni Agatha. 


End of Chapter VI

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon