Ch. VI, Prt. IV: Under a rainy night

450 6 0
                                    

Kinabukas. Gabi rin ng mga oras na yun. Sina Angelo at Agatha ay magkasama habang nanonood ng movie sa apartment ni Angelo. Maulan ng gabing yun sa Taguig. Malakas ito, kaya nasa ilalim ang dalawa ng isang malaking kumot. Patay ang ilaw, at ang tanging liwanag na naroon lamang ay ang galing sa TV na pinapanooran nila. 

Tahimik lang silang nanood noon habang pinapanood nila ang isang lumang romance movie. Nakatutok lang silang dalawa doon. Ine-enjoy ang movie habang ine-enjoy ang oras na magkasama sila. Nakasandal noon si Agatha dibdib ni Angelo. Lagi narin niyang ginagawa ito na tila, nakahiligan na niyang gawin ito. Habang si Angelo naman ay hinihimas ang buhok nito na nakasanayan narin niya. 

"Nakakalito naman ang movie na to." biglang sabi ni Agatha.

"Bakit naman?" tanong ni Angelo.

Biglang umayos ng upo si Agatha, "Eh kasi; bakit naman kasi ginawa nung lalaki yun."

"Yung alin?" pagtataka ni Angelo.

"Yung pagtatago niya ng sikreto. I mean; bakit hindi nalang sinabi ni Channing Tatum kay Paige kung ano ba talaga yung dahilan kung naglayas sya in the first place. Para bumalik agad siya kay Channing Tatum." paliwanag ni Agatha.

"Kasi, magiging mali ang restart ng relationship nila pag ginawa ni Channing Tatum yun, Agatha." paliwanag naman ni Angelo. 

Napakunot naman ang noo ni Agatha at napakamot ng ulo. Nakangiti lang si Angelo sa kanya habang pinagmamasdan niya ang reaksyon nito. Maya-maya pa ay uminom siya ng kanilang inumin at bumalik sa kanyang pwesto sa dibdib ni Angelo. 

"Ah basta, para sakin. Parang mali parin yung ginawa niya." panapos ni Agatha.

"Whatever you say my dear." tapos uminom rin si Angelo ng inumin nila.

Lumipas pa ang ilang sandali at malapit ng matapos ang movie na pinapanood nilang dalawa. Nakakunot na ang noo ni Agatha ng bigla siyang magsalitang muli, "Hindi ko talaga maintindihan Angelo." 

"Hmmm, gusto mo bang ipaliwanag ko?" tanong ni Angelo.

"Sige!" pagtalon naman na sagot ni Agatha na my ngiti sa kanyang mukha. 

Hinawakan ni Angelo ang kamay ni Agatha at nagsimula na siyang magpaliwanag, "Pano mo sisimulan ang relasyon natin? Sisimulan mo ba to sa paninira ng ibang tao?" 

"Hindi noh." agad na sagot ni Agatha.

"Kita mo na. Yun ang nasa isip ni Channing Tatum simula kanina pa Agatha. Tandaan mo, walang magandang nagbubunga sa paninira ng ibang tao."

"Pero diba gawa din naman ng tatay ni Paige?" katwiran ni Agatha.

"Kahit na. So pag nagkamali na yung tao, ok lang na saktan na natin to at huwag hayaang makapag-bayad sa kasalanan niya?" sabi naman ni Angelo, natahimik naman doon si Agatha habang tinuloy naman ni Angelo ang pagpapaliwanag nya, "Oh kita mo? Nagkamali ang tatay ni Paige, oo. Pero napagbayaran na nya yun sa una; pagkawala ni Paige. Pangalawa naman, ang pagkasira ng tiwala ng asawa niya at ng kapatid ni Paige. Sa mga oras na yan, pinagbabayaran parin ng tatay ni Paige ang kasalanan niya. At dahil sa kasalanan na yun, nagkakilala sila ni Channing Tatum."

Napatingin nalang si Agatha kay Angelo at hindi sa pinapanood nila, "Nagkakilala sila dahil sa event na yun. nalaman mismo ni Paige sa pamilya niya. Ng walang kahit sino man ang nag-sabi sa kanya. Maliban sa mga magulang niya. Dahil sa amnesia niya, naglaho to, bagkus; kasama ng pagmamahal niya para kay Channing Tatum."

"Wow, oo nga no." 

"Kita mo. Ngayon, kung gugustuhin ni Channing Tatum na bumalik ang asawa niya sa kanya, kailangan niyang hayaan na mangyari ito ng natural. Hindi yung sasabihin mo na ang isang bagay na pwedeng magpalala pa ng sitwasyon." panapos ni Angelo. Tumingin siya kay Agatha at nagulat nalang ito na nakatingin na pala sa kanya ang girlfriend niya. 

Napatawa nalang siya ng kaunti at hinalikan ito sa noo. Nagkangitian ang dalawa sandali bago biglang hinalikan ni Agatha si Angelo. Bumitaw ito sa madiin na halik niya at hinawakan si Angelo sa kanyang mukha.

"Ano yun?" tanong ni Angelo.

Ngumiti lang si Agatha sa kanya at sumagot, "Nahuhulog ako sayo lalo pag nagpapaliwanag ka." tapos hinalikan niyang muli si Angelo ng ilang ulit. Hanggang sa mas naging aggressive pa ito sa pag-halik at lumaban narin ng halikan is Angelo. 

Tuloy lang sila sa lampungan sa sofa nila. Malalim na paghinga ang maririnig sa dalawa. Maya-maya pa ay pumang-ibabaw si Angelo kay Agatha at doon mas naging agresibo sya sa paghalik. Nagtagal ang kanyang mga labi sa mapupulang labi ni Agatha. Pagkatapos ay dumampi ito sa pisngi niya, hanggang sa makarating ito sa tenga at bumaba sa leeg.

Mas lumalim pa ang paghinga ni Agatha at hindi nagtagal ay binuhat na siya ni Angelo habang naghahalikan parin. Buhat-buhat niya ito hanggang sa nadala na niya ito sa kanyang kwarto. Doon hindi parin tumigil sa paghalik si Angelo kay Agatha. Sinimulan niyang muli sa kanyang mga labi habang unti-unti niyang hinuhubaran si Agatha. Nakapikit na lamang ang dalaga at hinayaan na lamang niya si Angelo. 

Kada-dampi ng labi ni Angelo sa kanyang balat ay tila kuryente na tumatakbo sa buong katawan niya. Lumalalim pa lalo ang paghinga ng dalawa, lalo na si Agatha. Hinubad na ni Angelo ang kanyang pantaas at doon sinimulan na tanggalin ang bra, gamit ang isang kamay. Ng matanggal na niya ito ay inalis niya ito gamit ang kanyang bibig at sinimulan na halikan siya sa kanyang dibdib. Habang ginagawa yun ni Angelo, ay ginamit narin ni Agatha ang kanyang mga paa para tulungan siyang maghubad, at pati narin ang kanyang sarili.

Bawat pag hampas ng kulog at pagtama ng kidlat ay parang isang malakas na kuryente ang tumatama sa katawan ni Agatha. Nagtagal si Angelo sa kanyang mga dibdib at doon, sinimulan na niyang bumaba. Sa pusod, naglaro muna siya ng kaunti roon bago siya tuluyang bumaba. Ng nasa baba na siya ay tila na kuryente si Agatha at napa-angat ang kanyang katawan sa kakaibang kiliti at karanasan na nararamdaman niya. 

Napasigaw siya noon kasabay ng kulog. Maya-maya pa ay natapos na si Angelo at bumalik siya sa taas, niyakap si Agatha. Malalim na paghinga ng isa't-isa, pagkatapos, ay muling naglapat ang kanilang mga labi at sinabayan na ito ni Angelo ang kanyang trabaho. 

Nasa ibabaw lang si Angelo at sa bawat paghampas ng kidlat ay sya namang pagsabog ng kulog, kasabay ng malakas na ungol ni Agatha. Nagpatuloy pa ito, kasabay ng malakas na kulog at kidlat, sa buong gabi na maulan.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon