Ch. V, Prt. IV: The night's dinner

483 6 1
                                    

Gabi noon at minamaneho ni Angelo ang kanyang sasakyan papunta sa isang magandang restaurant sa Cubao. Naghahanap siya ng parking noon at malalim ang kanyang mga hinga sa kada-tingin niya ng pwede niyangparadahan ng sasakyan niya. 

Kinakabahan siya dahil sa sa gabing yun. Sa gabing nag-ayos siya ng kanyang damit; ay makikilala na niya ang parents ng girlfriend niya. Oo, iyon ang gabi kung saan makikilala niya ang parents ni Agatha. Nakahanap na siya ng mapaparadahan at agad narin siyang nagtungo sa main entrance ng restaurant. 

Inaayos niya ang necktie niya at tila pinipilit ang sarili na pakalmahin hanggang sa nakita niya sa labas; si Agatha na naghihintay sa kanya. Medyo napatigil si Angelo sa ganda ng girlfriend niya. Palinga-linga ito ng makita na niya ang taong pinakahihintay niya. Sinalubong niya agad si Angelo ng malaking ngiti habang tumatakbo papalapit sa kanya.

"Angelo!" sabi ng dalaga ng kumapit agad ito sa braso ni Angelo at tila hinila na papasok ng restaurant. "Ikaw nalang hinihintay namin." dagdag niya.

"Sorry ah, naghanap pako mapaparadahan eh." sagot naman ni Angelo ng nakapasok na sila.

"Ano kaba ayos lang. Ready kana ba?" tanong ni Agatha.

Ngumisi naman si Angelo noon at sinabi, "Sus, ako pa Agatha. Wag ka mag-alala. Handang-handa yata ako." 

"Good dahil eto na tayo." sagot agad ni Agatha at agad siyang bumitaw habang si Angelo naman ay nagulat na naroon na sila sa table nila.

"Ma, Pa, this is Angelo. My Boyfriend." pakilala ni Agatha sa medyo tulalang boyfriend niya, "Angelo, this is my parents." tapos umupo na agad si Agatha habang kinamayan na ni Angelo ang mga magulang niya.

Ngumiti lang sa kanya ang nanay ni Agatha at agad narin itong umupo. Ng ang tatay na niya ang kinamayan niya ay agad niyang naramdaman ang mahigpit na hawak nito, at seryosong tingin nito, "Ako nga pala si Brigadier General Alfredo Ballesteros. Tatay ni Agatha." sambit nito.

Nakaramdam na si Angelo ng kaba at napalunok nalang siya, "Pa, ano kaba. Tinatakot mo eh." saway ni Agatha sa tatay niya. Pero hindi ito natinag at nagkatitigan parin ang dalawa. 

Si Angelo na tila hindi alam ang gagawin niya ay sinakyan nalang ang titig at higpit ng handshake nito at sumagot; "Ako po si Angelo Alcantara. Photographer." at doon nagkatitigan ang dalawa habang ang mag-ina ay naghihintay lang sunod na galaw ng dalawa. 

Maya-maya, sa intense na titigan ng dalawa; ay biglang nagtawa ng malakas ang tatay ni Agatha at hinila naman ito papalapit para sa mahigpit na yakap. Gulat na gulat si Angelo sa ginawa nito habang si Agatha naman ay napanganga sa tatay niya. Napangiti naman si Minerva sa ginawa ng asawa niya at umupo na ang dalawa.

"Haha! I like you Angelo. Yung mga ganung handshake ang talagang nakakapag-pakita kung gaano ka ka-lalake! Hahaha!" sabi ni Alfredo ng uminom ito ng wine.

"Wag kang mag-alala hijo. Mabait ang asawa ko. Minerva nga pala ang pangalan ko." sabi naman ng nanay ni Agatha.

"So hijo, kumusta naman kayo ng anak ko?" agad naman tanong ng tatay ni Agatha. Sandali silang dalawa nagkatinginan bago siya sumagot.

"Ok naman po kami. Lagi po kaming kumakain sa labas at minsan ho nanonood rin ng sine." sagot nito habang si Agatha ay uminom narin ng wine.

"Sigurado kabang yun lang ginagawa niyo tuwing lalabas kayo?" biglang tanong nito ng kakaiba na talagang kinagulat, hindi lang ni Angelo, pero maging si Agatha narin.

"Pa?! Ano kaba! Umayos ka nga!" sabi ni Agatha na nahihiya na para sa tatay niya, pero nagtatawa lang ito. Habang si Angelo naman ay hindi alam ang i-sasagot kundi ang tumawa narin lang.

"Hahahaha! But I hope you are not getting my daughter in any trouble. Kase alam mo naman, gumawa ka lang ng kahit anong kalokohan at makikita mo. Buong Metro Manila ang hahanap sayo." sabi nito na may ngiti.

"Naku sir, wag kayong mag-alala. Mabait po akong tao at ni minsan hindi po ako gumawa ng kahit anong krimen," biglang palo ni Angelo sa dibdib niya, "na ikakasira ng pangalan ko. Alcantara po ata to. Hehe, aalagaan ko po ang anak niyo at hinding-hindi ko po siya hahayaan na masaktan." panapos niya.

"Yan ang gusto ko. Cheers!" sabi ni Alfredo ng malakas at hinawakan niya ang wine niya ng mataas.

"Cheers!" sagot naman ni Angelo at ginawa rin niya ang ginawa ng Ama ni Agatha. Nag toast sila at doon, ini-straight nila ang wine glasses nila.

"Agatha! I like your boyfriend! Hala umorder na tayo at ituloy natin ang paguusap habang kumakain." sambit ni Alfredo at lumapit na ang waiter. Pagkatapos ay nagsimula na ang mahabang gabi, nina Angelo at Agatha.

Tuloy lang ang paguusap nila hanggang sa pagdating ng appetizer. Inusisa rin si Angelo ng mga magulang ni Agatha. Walang tanong na hindi niya sinagot. Lahat. Pagka-tanong sa kanya, agad rin siyang sasagot. 

Umabot pa ang paguusap at pagkukwentuhan nila hanggang sa pagdating ng Main Course. Kwinento narin in Angelo ang tungkol sa kanyang sarili. Sa kanyang trabaho na siya namang kita nila na, gusto ng binata. Kwinento niya ang kanyang mga kaibigan at pati narin ang kanyang pinagtatrabahuhan. Isang prestigious magazine na hindi nila inasahan na binabasa rin pala ni Alfredo. 

Ang mga seryosong tanong at kwentuhan naman ay napalitan na ng sunod-sunod na tawa hanggang sa dessert. Talagang nakasundo na ni Angelo ang mga magulang ni Agatha na siya naman ikinatuwa nito. May mga sandali na nagkakatinginan ng dalawa at nakikita naman ito ng mga magulang nito, lalo na ng ama ni Agatha. 

Kitang-kita niya, sa mata palang ng anak niya na masaya siya. At para sa kanya, yun lang naman ang mahalaga. Mabuti narin na masaya ang kanyang anak, lalo na sa mga panahon na yun. Marami pa siyang nais malaman, pero sa nakita niya kung paano sila magtinginan sa isa't-isa, mukhang wala na siyang dapat ipag-alala pa.

Lumipas pa ang ilang minuto at tapos na ang dinner-date nila.

"So Angelo, ang suggestion ko ipatingin mo na yung makina ng sasakyan mo at ipa-tweak dun sa kumpare ko. Tiyak, mas-gaganda pa ang takbo ng kotse mo. Basta banggitin mo lang na kilala mo ako ha?" sambit ni Alfredo.

"Ay sige po sir. Salamat po." sagot naman ni Angelo. 

"So pano ba yan, una na kami Angelo." sabi nito at pumara na ang sasakyan nila sa harapan. Sasakay na si Agatha ng kotse nila ng matapos itong magpaalam kay Angelo, "Ikaw na maghatid sa anak ko." nagulat nalang ang dalawa sa sinabi ng tatay nila.

"Ano ba kayo, ngayon lang kayo ulit nagkita sa buong linggo. Take the time you need to be together. Go ahead while me and the mrs. go home." sabi nito habang nakatingin ng may ngiti, sa tahimik niyang dalaga. 

"Goodnight Angelo, take care of my daughter ok?"

"I will sir. Thank you." sagot ni Angelo na may mas-malaking ngiti sa mukha niya.

"Oh anak, I expect you to be your age and have fun, ok?" sabi ni Alfredo sa anak niya at napatingin nalang sa kanya ang asawa niya.

"Yes Pa, thank you." sagot naman in Agatha na may ngiti rin sa mukha niya at hinalikan ang ama sa pisngi, at ganun din sa kanyang ina. Maya-maya pa ay sumara na ang pinto ng sasakyan at umalis na ito. 

Walang imik ang dalawa ng dinala na ng valet ang sasakyan niya at doon, sumakay ang dalawa ng wala paring imik. Pinaandar na ni Angelo ang sasakyan niya, na may ngiti sa kanyang mukha; habang hawak niya ang kamay ni Agatha.  

"Angelo san tayo pupunta?" tanong ni Agatha.

Tumingin lang naman si Angelo na may ngiti sa mukha niya Kay Agatha at sinabi, "Sa pinakamagandang lugar sa buong Metro Manila."

Napaisip nalang si Agatha ng sandali at pagkatapos ay hinayaan nalang niya at nagpaubaya nalang kay Angelo.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon