Ch. IX, Prt. V: I Saw You

1.5K 28 4
                                    

Hindi pinatulog si Angelo ng mga sinabi ni Josh nung araw na yun. Ilang beses itong nagpaulit-ulit sa kanyang isip. Tila gustong malaman kung ano ang gustong iparating ng kaibigan niya. Sa kakaisip niya ay tila bumalik ang nararamdaman niya para kay Agatha. Kung ano talaga ang gusto niyang gawin sa nararamdaman niya, para sa taong wala na sa kanya.

Gusto na ba talaga niyang bumitaw? Bitawan ang mga alaala nila. Ang mga alaala na ginawa nila sa loob ng napakaikling panahon? Hindi siya mapakali sa pagkakahiga noon. Ang mga katanungan na dati na niyang nasagot ay nagsibalikan. At tila mas may dahilan na ang mga ito para bumalik.

Para san pa? Ang pagbalik ng mga tanong na ito. Nasagot na nga niya. Nasagot na niya na wala na ang taong nagpasaya sa kanya sa napakaikling panahon. Na kumumpleto ng buhay niya sa napaka-kaunting araw.

Pero dun lang ba talaga masusukat ang mga yon? Sa tagal ng pinagsamahan nila? Napatingin siya sa dingding noon sa tanong na ito. Ngayon lang lumabas ito. Ngayon lang niya ito natanong sa sarili niya. Bumangon siya sa pagkakahiga niya at kumuha ng maiinom mula sa ref niya. Sa pagka-bangon niya na yun ay dala-dala niya ang tanong na iyon.

At sa mga oras na inupo niya sa sofa at sinubukang magpaantok sa harap ng TV, hanggang sa pagbabalik niya sa pagtulog, tila hindi parin niya masagot ito. Pano nga ba niya masasagot ang tanong na ito? Pero para sa kanya, ang mas importante ay hindi kung paano, kung hindi kailan?

Lumipas pa ang mga oras na hindi na niya na namalayan na sumikat na ang haring araw. Tumingin siya sa bintana. Tila pinagiisipan kung papasok ba siya oh hinde. At sa mga oras na iyon, ay napabuntong hininga nalang siya.

~~~~~~~~~~

Busy na ang lahat sa park at handa na lahat. 2pm na noon at lahat ay almost naka-setup na para sa event. May mga tao na roon, pero expected na ito dahil nga sa patuloy na pagsikat ng event. Kahit na hindi pa oras ng pagsisimula, ay marami na talagang tao ang naroon na nakilahok.

"Oh, ayos na ba yung setup diyan? Yung ibang camera lagay niyo nalang doon." pagturo ni Josh sa isang kasamahan nila doon. "Oh ayan pa, sige lang set up niyo yan dun sa Waypoint C. Para mas-marami tayong ma cover. Mas marami din tayong magagamit kung ganyan. Basta alam niyo na yung coordination niyo." sambit nitong si Josh na halatang kahit di sanay sa position na dating si Angelo ang may hawak, ay nakakaya niyang i-handle.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanya si Simon, "Pre si Angelo?" tanong nito.

"Bahala siya kung hindi siya pupunta. Basta malaki ang mawawala sa kanya." sagot ni Josh at naglakad siya papunta sa may stage.

"Pre bakit di mo nalang kasi sinabi sa kanya?" katwiran ni Simon.

"At para ano? Pre ngayon nga lang natin nakitang nagka-ganoon si Angelo eh. Bahala na siya. Basta malaki ang mawawala sa kanya. Di lang ang trabaho niya." sagot nito at tila natigilan doon si Simon.

"Ser narito na ho is Angelo!" sigaw ng isa nilang kasamahan at napatingin naman doon ang dalawa. Doon nakita nila na paparating na si Angelo at papalapit sa kanila.

"Sorry kung late ako. San ba ako?" ang sinabi lang ni Angelo.

"Good, buti naman at pumunta ka. Anyway, waypoint D ka." sambit ni Josh habang tumuro sa mapa. Tiningnan naman sandali ni Angelo ang mapa at tila hindi niya nagustuhan ang binigay sa kanya.

"Pwede bang palit nalang kami ni nung nasa Waypoint B?" tanong ni Angelo.

"Hinde. Tsaka tayong tatlo ang nasa Waypoint D." sagot ni Josh.

Napakunot naman ang noo ni Angelo. "Teka, diba dito ka dapat sa A kasi ikaw mag ccover ng stage?"

"Si Oscar na bahala sa stage. Basta tayong tatlo ang magkakasama." sagot nalang ni Josh at napahinga nalang ng malalim si Angelo.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon