Ch. VI, Prt. II: Secret Misfit

435 10 0
                                    

Gabi na noon at nagkaroon ng snack out party sa apartment nina Angelo. Nandun rin ang dalawa niyang matalik na kaibigan. Si Josh at Simon ay naglalaro sa bagong bili ni Angelo na XBox. At dahil narin doon kaya sila nag-cecelebrate. 

"Pre ang ganda talaga nitong larong to. Buti binili mo tong game na to." sabi ni Josh habang todo siya sa paglalaro.

Napatingin lang naman sa kanya si Angelo na umiinom ng beer, "Oo nga eh. Ganda no? Kelan kaya ako makakagamit niyan." sabi naman ni Angelo.

"Very soon bro. Tinetesting lang namin ni Josh kung gaano ka-ganda ng game at ng console." sabi naman ni Simon habang naglalaro din siya.

"Ahh, so sasabihin niyo sakin ang feel ng console?" sabi ni Angelo.

"Yes." sagot ng sabay ng dalawa.

"Tapos kung ano yung parang mga napansin niyo sa console. Parang pros and cons nito?"

"Correct bro." sagot naman ni Simon habang uminom siya ng beer.

"Ahh, tapos yung masasabi niyo sa game. Tungkol sa controls at kung ano-ano pa like graphics?" 

"Tama pre." sabay kagat naman sa pizza nitong si Josh.

Binatukan niyang pareho ang dalawa niyang kaibigan habang naglalaro.

"Oi bakit mo naman ginawa yun?! Naglalaro kami oh?!" katwiran ni Josh pero nakatingin parin siya sa laro niya.

"Eh loko pala kayong dalawa eh. Kahit kasama ko kayo pagbabasa nung specs nung Xbox tapos nung laro? Ayos rin kayo ah!" sigaw ni Angelo.

"Ay nabisto tayo." sabi ni Josh kay Simon na may ngiti.

"Dadamay mo pako, ikaw tong nag-plano nito noh." sambit naman ni Simon habang ginugulo niya ang paglalaro ni Josh at sya naman ay lumalayo kay Simon.

Napangiti nalang din si Angelo at napailing. Tumayo siya at kumuha ulit ng isang beer.

"Nga pala bro, kumusta kayo ni Agatha?" biglang tanong ni Josh.

Binuksan muna ni Angelo ang beer niya pagkatapos ay uminom, bago sumagot, "Ayos naman kami." sagot niya habang pabalik siya.

"Oo nga eh balita ko kay Melissa. Hehehe." sagot ni Josh ng sigmukan si Angelo sa sagot nito.

"Oo nga bro. Grabe ah tagal-tagal din namin hindi nakapunta dito sa apartment." sagot naman ni Simon. Pinili nalang manahimik ni Angelo sa mga oras na yun, habang tinatago ang kanyang ngiti.

"Asan nga pala siya bro? Mag-iisang linggo narin nung huli namin siyang nakita ah." tanong ni Simon.

"Ah, na-assign siya sa isang assignment, mabilis lang sa may bandang norte. Sa Nueva Ecija." sagot naman ni Angelo habang kumuha rin siya ng pizza.

"Grabe, ganda ng trabaho niya ah, nakaka-gala siya." nasabi nalang ni Josh sa pagka-mangha, "Ano nga ba ulit trabaho niya, Angelo?" tanong niya.

Napangiti bigla si Angelo ng naisip niya yung work ni Agatha, "Arboculturist siya." 

Napatingin silang pareho kay Angelo noon, "Ganda ng tunog ah." sabi ni Josh.

"Di rin biro yang trabaho niya ah. Para kasing nag-ddouble ka na forest ranger, balita ko." sabi naman ni Simon.

"Well mabuti narin at na-assign siya sa isang assignment sa Nueva Ecija," sabi ni Josh habang biglang naging intense ang laro nila ni Simon, "kase, kung di dahil dun, wala tayo ngayon dito." tinapos niya tapos bigla siyang napatayo dahil nanalo siya, "Woooo! I won! In your face!" nasabi niya sa pagyayabang niya kay Simon, tapos naglakad siya para kumuha ng bagong beer.

Nag-high five nalang ang dalawa ng ininom na ni Simon ang kanyang beer at humarap sa kaibigan niyang si Angelo, "Oo nga, tama si Josh. Pre, halos araw-araw niyo na yata ginagawa yun. Hot na hot talaga kayo sa isa't-isa ah!" sabi niya.

"Oo nga! Di nga ako makapaniwala na kakayanin ni Agatha yun eh! I mean hello? Si Melissa nga ayaw ng ganun. Pero si Agatha? Wow! Di ko lang talaga inakala!" sabi ni Josh mula sa kusina. Ni hindi naman alam ni Angelo kung papano mag-rereact at tila nag-aagree naman si Simon sa sinabi ng kaibigan.

"Pwede ba, wag natin pagusapan yun? Pwede?" sabi ni Angelo na may malaking ngiti sa kanyang mukha. Sinuntok naman ni Simon si Angelo sa kanyang braso at nakabalik na si Josh galing kusina at agad na umupo sa sofa.

"Ok sabi mo eh. Have you told her about the picture yet?" biglang tanong ni Josh at uminom siya ng bagong bukas niyang beer.

Hindi agad nakasagot noon si Angelo at tila hindi niya inasahan ang tanong ng kaibigan niyang yun "I uhhh haven't yet."

Umikot naman ang mata ni Josh at tila na-dissappoint siya sa sagot ng kaibigan niya. "So kelan mo balak ipakita sa kanya yun? Pag yun nakita niya, magtataka yun." sabi ni Josh.

"Oo nga bro, mag-iilang buwan narin lang naman kayo." sabi ni Simon.

"Di kami nag-bibilang." biglang sagot ni Angelo.

"Kahit, mag-iilang buwan narin kayo. Sooner or later; she's going to find out about that picture bro." dagdag ni Simon.

Uminom muna si Angelo ng beer niya bago ito sumagot, "Wag kayo mag-alala. Sasabihin ko na sa kanya yung tungkol sa picture soon. Basta chill lang kayo at wag kayo mag-alala sa relationship ko." tapos tumayo siya para kumuha ng pizza, "and besides, nasa computer ko lang sa may kwarto ko naka-save yung picture. Kaya no worries." dagdag niya.

Tapos nagkatinginan nalang ang dalawa ni Simon at Josh noon, "eh ano yung parang pet project na ginagawa mo? Yung natatakpan ng blanket?" tanong ni Josh habang nakaturo sa isang malaking, tila frame na nasa likod lang nila. Tumingin doon si Angelo.

"Yun? Yung way of surprising her. Reregalo ko sa kanya yan. Hehehe." sagot nalang ni Angelo. Napailing naman si Josh habang si Simon ay na-curious at tiningnan ang ilalim ng blanket. Maya-maya ay nakarinig sila ng katok sa pinto. 

Nalilibang na ulit ang dalawa ni Josh at Simon, habang si Angelo naman ay papunta sa may pinto para pag-buksan ang kumatok. Dala ang beer niya ay nakarating na siya sa may pinto at binuksan ito. Nagulat nalang siya at nabitawan ang kanyang beer, ng bigla siyang niyakap ni Agatha. Na hindi niya inasahan na-dadating ng maaga.

Gulat na gulat parin noon si Angelo at hindi alam ang gagawin. Pero hinahalikan lang siya ni Agatha ng walang tigil at tinulak papunta sa living room. Nakarating na sila roon at bumagsak sa carpeted na sahig tuloy parin sa pag-halik si Agatha.

"Babe, na miss kita. One week din yun." sabi nito, tapos halik siya ng halik ng mapusok kay Angelo na shocked parin sa nangyayari, "bawiin natin yun ngayon ah?" dagdag ni Agatha habang may ngiti. 

Tahimik lang si Angelo noon na nakatingin sa kanyang girlfriend. Tumingin ito sa bandang taas niya at kay Agatha. Ilang ulit nag-pabalik-balik ang tingin nito at nakakahalata na si Agatha sa gustong sabihin ni Angelo. 

Wala na ngiti ni Agatha. Unti-unti siyang tumingin sa paligid at doon, napansin na niya, ang mga kaibigan ni Angelo. Tila na shock rin sa nangyari, at nakatingin lang sa kanilang dalawa, habang nakapa-ibabaw parin si Agatha kay Angelo.

Sa sobrang awkward ng pangyayari ay tahimik lang ang lima sa living room. Uminom lang si Simon ng kanyang beer habang nakatingin sa kanilang dalawa at si Josh naman ay mabagal ng sinimulan ang pag-nguya niya ng pizza.

"Uhmm, hi..." pagbati ni Agatha at kumaway sa kanilang dalawa. Unti-unti rin nilang tinaas ang mga kamay nila para kumaway, sa girlfriend ng kaibigan nila.


When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon