Ch. V, Prt. II: Dad of the night

459 10 0
                                    

Nakatingin lang noon sa salamin si Agatha. Naririnig narin niya na nag-uusap ang mga magulang niya sa baba. Well, iniisip nalang niya na naguusap nga lang sila kahit sa totoo naman ay tila parang nagtatalo na sila. Pero kahit ganun pa man ay hindi nalang niya pinansin at inalala pa ang pinagtatalunan nila. Dahil alam naman talaga ni Agatha kung ano ba talaga ang pinagtatalunan ng mga magulang niya.

Nakatingin nalang siya sa salamin sa cabinet niya. Sinala nalang niya ang pagtatalo na narininig niya mula sa mga magulang niya. Hinanap ang stuff toy niyang si Luna at niyakap ito ng mahigpit at tumayo. Pumunta siya sa may cabinet at sandaling tiningnan ang sarili sa salamin. Pagkatapos ay nilagyan ng ngiti ang mga labi niya. Pagkatapos ay umupo na siya, nakasandal sa cabinet at salamin nito, habang yakap-yakap ang teddy bear niyang si Luna.

"Hanggang kelan mo ba i-tatrato ng ganyan si Agatha, ha Minerva?" narinig niya mula sa tatay niya.

"Wala akong ginagawang masama sa anak natin. Kita mo kakakausap ko lang sa kanya kanina." sagot naman ng nanay niya.

"Kakakausap? Minerva wag mo akong gawing tanga. Alam ko na masama parin ang loob mo sa bata. Wala nga siyang kasalanan pero sa kanya ka masama ang loob!"

"Wag mo akong pagtaasan ng boses Alfredo!" sigaw naman pabalik ng nanay niya.

"Paanong hindi ko itataas ang boses ko, ay lagi ka nalang ganyan sa anak mo. Ang lamig mo! Nangyare na ang nangyare! Wala sa ating kontrol ang nangyare, at lalong-lalo na na walang kontrol si Agatha sa nangyare!"

"Sa tingin ko hindi ko alam yon?! Alam ko Alfredo! Pero masisisi mo ba ako na tuwing makikita ko si Agatha, maaalala ko yung mga nangyare?! Masakit para sakin yun Alfredo! Masakit! Kaya wag kang magsalita na parang wala akong alam!" sigaw ng mama niya at pagkatapos ay nakarinig nalang siya ng kalabog ng isang pinto. 

Tahimik lang noon si Agatha. Pero may tumutulong luha na sa kanyang mga mata. Nilakasan nalang niya ang loob niya at niyakap ng mahigpit si Luna. Ilang minuto rin ang lumipas at natahimik na ang bahay nila. Pero si Agatha ay nakaupo parin doon sa sahig.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok sa kanyang pinto, "Agatha? Anak gising kapa ba?" ang tatay niya iyon. 

Agad siyang tumayo at pinunasan ang mga luha sa mata niya. Inayos niya ang sarili niya at pinagmukhang kakabangon lang mula sa kama niya.

Huminga siya ng malalim at doon binuksan niya ang pinto, "Oh Pa? Ano po yun?" tanong niya habang kunwaring kinukusot ang kanyang mata.

"Ah, wala anak, narinig mo ba kami ng mama mo ngayon-ngayon lang?" tanong ng papa ni Agatha.

"Ha?" tapos nagkunwaring humikab, "medyo nakakatulog na po ako, ano po ba yun?" dagdag niya.

Napangiti nalang ang ama ni Agatha, "ah wala naman anak. Sige matulog kana at maaga kapa bukas." babatiin na sana ni Agatha ang tatay niya ng goodnight ng bigla siyang may naalala, "nga pala. Kumusta nung Angelo ba yun?"

Nagising naman si Agatha sa binanggit ng tatay niya, "Po?!" 

"Angelo, yung boyfriend mo. Kumusta naman kayo?" tanong niya ulit.

"Ah-eh-o-ok naman po kami. Bakit ho Pa?" pagtatakang tanong ni Agatha.

"Ah wala naman. Mukhang ayos naman kayo eh. Tinatrato kaba ng tama nung lalaking yun anak?" biglang tanong naman nito ng seryoso.

"Opo. Sinusundo niya po ako three-times a week. Tsaka inaaya niya po ako laging kumain sa labas. Yun po."

"Ah mabuti naman. Pero pag-ginagago ka nung lalaking yun, sabihin mo sakin ha?" sabay hawak sa balikat ng anak niya.

Napangiti naman si Agatha at sumagot, "Ay naku Pa, wag kang mag-alala hindi siya ganun. Promise po."

"Siguraduhin mo lang. Malalaman ko yan kung tinatarantado ka nun. Buong Metro Manila ang maghahanap sa kanya pag sinubukan lang niyang saktan ka.

"Eeeeh, Papa naman eh. Matatakot yun sayo niyan lalo." katwiran naman ni Agatha tapos niyakap niya ito para lambingin.

Tapos natawa naman ang Papa niya sa reaksyon ng anak niya, "Biro lang anak. Hehe." 

"Papa talaga." sagot naman ni Agatha tapos marahan niyang pinalo ang ama.

"Kelan mo ba siya papakilala sa amin ng mama mo anak? Medyo gusto ko narin siya makilala." tanong naman niya. Medyo hindi pa alam ni Agatha ang isasagot sa tatay niya noon, pero sa sinabi ng tatay niya, mukhang gusto na nga nitong makilala ang boyfriend niya.

"Hmm, kausapin ko pa muna siya Pa. Pero baka last week of August, mapakilala ko na siya sa inyo ni Mama." sagot naman ni Agatha.

"Oh sya-sya, aasahan ko yan. Mukhang napapasaya ka naman niya kahit kaka-mag boyfriend-girlfriend niyo lang. Tsaka minsan ka lang magka-boyfriend kaya mabuti ng makilala ko kagad."

"Si Papa talaga." napangiti si Agatha nung sumagot siya.

"Mabuti naman at medyo hindi kana katulad ng dati anak. Buti naman at may naging impluwensya siya sayo." sabi ng ama niya. Napangiti naman si Agatha sa sinabi niya.Enjoyin mo lang yang kabataan mo habang kaya mo pa. Pero syempre, alam mo limitation mo anak ha?"

"Pa?!" malakas na sabi ni Agatha. "Opo! Alam ko po, kaya tama na po, haha!" alam nanaman niya ang tinutukoy ng Ama niya eh.

"Ano kaba, malaki kana. Tsaka sa panahon ngayon alam ko na pinagagagawa ng mga ka-edad mo."  dagdag ng ama niya, tsaka napanguso nalang ang anak sa hiya. "Basta, kung makarating ka man sa puntong yun anak. Alam mo na gagawin dun. Hane anak?" dagdag ng ama niya.

"Eeeehhh! Papa tama na! Di ako sanay ng pinagsasabihan mo ako ng tungkol diyan." sabi ni Agatha. Natawa naman ang papa ni Agatha at ganun din naman si Agatha.

"Oh hala siya, at baka napupuyat na kita. Alam ko naman na kailangan mo pa ng beauty rest mo. Goodnight na anak."

"Hala si Papa. Sige po, goodnight din Pa."

"Love you anak."

"Love you din Pa." tapos humikab siya ng kunwari ulit at sinara niya ang pinto bago siya napahinga ng malalim.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon