Ch. II, Prt. IV: Night in the Circle

1.1K 9 0
                                    

Busy work nanaman sa office nina Angelo. Lahat pas-pas sa trabaho. Tila gusto nilang tapusin agad designs at ang mga kailangan sa magazine para makuha nila ang dare sa kanila ng boss nila.

"Guys, if we finish early with the magazine may bonus kayong lahat!" ang sabi niya. Kaya sila, kulang nalang ay masubsob na sa sahig sa bibilis nilang maglakad, ang iba na gawin na nilang tent ang kanilang mga desk.

Si Angelo naman, pinipili nalang ang mga pictures at ineedit. "Pre send mo nga sakin yung pictures na pinakita mo sakin kanina." sabi ni Josh sa kabilang side ng cubicle.

"Ayan ok na."

"Thanks." sagot nalang ni Josh habang nag-coconcentrate siya sa pagtatrabaho. "Bat parang tensed ka yata ngayon Angelo?" dagdag ni Josh habang ginagawa na niya ang side ng project niya.

"Ah wala, alam mo naman ako pag may mga ganitong mini-events dito satin." sagot naman ni Angelo.

"Bro, hindi ka naman ganyan dati ah. May nangyari ba kagabi?" biglang tanong ni Josh. Sandaling napatigil si Angelo sa ginagawa niya.

"Wala pre." sagot niya, pero may ngiti sa mukha niya. Napansin naman ito ni Josh at agad na pumunta sa side ni Angelo habang naka-upo parin sa swivel chair niya.

"Kwento mo nga. Hehe." sabi ni Josh.

"Kwento ka diyan," sabi ni Angelo habang tuloy siya sa ginagawa niya habang nagsasalita, "wala naman akong i-ku-kwento eh.

"Sus, magkahiwalay tayong nag-taxi kagabe kaya kwento mo na!"

Napatingin lang si Angelo sa ma-usisa niyang kaibigan at sandaling tinigil ang ginagawa niya, "Baka nga ikaw dapat mag-kwento eh. Kasama mo si Melissa kagabi."

"Ano kaba, normal na yun. Alam mo na ending nun."

"Ano nga ba ang ending?" bigla agad tanong ni Angelo habang nakatingin kay Josh.

"Syempre, tuloy lang. I like this girl eh." sagot nalang ni Josh. Nakangiti lang noon si Angelo habang inaantay naman siyang magsalita ni Josh. "So how was yours?"

Napangisi nalang si Angelo noon. Napansin kasi siya ng kaibigan niya eh. Alam niya na tense siya. Dahil narin sa napagusapan nilang dalawa ni Agatha kagabi.

~~The Night Before~~

Naglalakad-lakad na sila noon sa labas ng Quezon Circle. Nakasakay na kasi sina Josh at Melissa noon ng taxi, i-hahatid nalang daw siya ni Josh kaya pumayag nalang ang dalawang magkasama na humiwalay na. Tahimik lang sila noon, medyo malamig rin ang hangin, at hindi rin ganun karami ang dumadaan na sasakyan.

Mabagal lang silang naglalakad habang may mga sandali na nagkakatinginan ang dalawa.

"So, uhm Agatha. What do you do for a living?" tanong bigla ni Angelo.

"I am an Arboculturist." sagot ni Agatha. Napatingin naman si Angelo sa kanya dahil tila, bago sa kanya ang word na siya namang naintindihan ni Agatha. "Commonly known as Arborist." dagdag niya.

"Ahhh."

Napatawa nalang si Agatha noon at hinawakan si Angelo sa braso, "Pwede rin akong Forester." sabi naman in Agatha.

"Ahh, gets ko na. Sorry, ngayon ko lang kasi narinig yung una mong sinabi."

"Okay lang, naiintindihan ko naman. Pero Forester nalang, para mas-madaling maintindihan. Yun nga lang eh, ang focus ko is more on the trees itself, but yeah bakit hindi yung buong kagubatan na nga naman." tapos natawa nalang silang pareho.

"Sa Forest Management Bureau ka pala nag-wowork. Kumusta naman ang trabaho?" sabi ni Angelo.

"Ah ayun, masaya naman. Mahal ko trabaho ko eh. Minsan kasi aalis ako ng Manila, papadala sa kung saang dako ng Pilipinas para lang gumawa ng survey ng kagubatan!"

"Hmm, mukhang nakakapagod naman yan."

"Nakakapagod nga, pero rewarding rin. Mas na-aappreciate ko kasi ang ganda ng nature." sabi ni Agatha.

"Bakit, ayaw mo ba sa syudad? Masyado bang maingay ang concrete jungle na ito? Haha." sabi naman ni Angelo.

Tumingin naman si Agatha sa kanya at bumitaw sa braso nito, "Hindi naman, mas-nakakapag-focus lang ako sa gusto kong gawin. Tsaka gusto ko tahimik. At-- well ok huli mo ako dun, medyo naiingayan nga ako sa syudad." sabi ni Agatha. Nahuli ni Angelo siya roon at tila natawa nalang ang pareho.

May pagka-nature lover pala itong si Agatha. Sa mga oras na yun, kahit papano unti-unti niyang nakilala ang babaeng ito, at gugustuhin pa niya na makilala pa ito ng husto.

"So, sa work mo; ano ang pinaka-gusto mong part nito?" tanong ni Angelo. Napatingin ng sandali si Agatha sa kanya habang naglalakad sila tapos sandaling nagisip.

"Hmm Masasabi ko maliban sa pag-akyat ng puno. Yung night sky sa provinces, sa forest. Yun ang mga paborito kong sandali. Kasi doon ma-aappreciate mo ang ganda ng kalangitan pag walang light pollution. Ang ganda ng mga stars, ng buwan. Tapos napaka-peaceful. Na ang tanging maririnig mo lang ay mga kuliglig at kung ano-ano pang mga insecto na buhay sa gubat. At minsan rin, yung mga fireflies na nasa kagubatan, tila lalo pang pinapaganda ito dahil sa malalamig na ilaw na ginagawa nila." sabi ni Agatha. Napatingin nalang siya bigla kay Angelo na tila napatigil nalang sa kanyang paglalakad.

"Ang corny ko ba?" biglang tanong nito. Nakangiti lang si Angelo noon sa tanong ni Agatha. Tapos napatawa at lumapit sa kanya.

"Ano kaba, hindi. Actually ikaw pa nga lang nakikilala ko na may ganyang description ng trabaho nila eh." sagot ni Angelo.

"Hehe, thanks." sabi ni Agatha. Sandaling lumalim ulit ang tingin nila ng mapansin na ni Agatha na may paparating na taxi. Agad niya itong pinara at doon sumakay na silang pareho.

Magkatabi sila noon, pero ang iba, nakakapit parin si Agatha sa braso ni Angelo. Hindi nalang niya ito pinansin at tila, hinayaan nalang ito. Sa tahimik nilang byahe na yun na ang tanging maririnig mo lang ay ang kanta sa radyo ng taxi, ay nakarating na sila sa bahay ni Agatha. Bumaba ang dalawa habang ang taxi ay naghihintay lang.

"So uhm, una na ako. Goodnight." sabi ni Agatha at tila may hinihintay pa.

"Ah, goodnight." sagot naman pabalik ni Angelo. Sandali silang nakatayo doon bago binuksan ni Agatha ang gate nila at pumasok. Tumalikod narin si Angelo noon na may ngiti sa mukha niya. Bubuksan na niya ang pintuan ng taxi ng bigla siyang tinawag ni Agatha.

Tumingin siya at nakita niya na tumatakbo papunta sa kanya si Agatha. "Cellphone mo." sabi niya habang kamay niya ay naghihintay lang. Hindi na nagisip si Angelo noon at binigay nalang niya ito at doon nagsimulang magtype si Agatha bago niya ito binalik.

"Call me ha? Next friday, labas tayo. Goodnight Angelo!" sabi nito at agad namang bumalik si Agatha sa loob hanggang sinara na niya ang pinto ng bahay nila.

Tila napariwara si Angelo noon dahil muntik nanaman niyang makalimutan na kunin ang number ni Agatha, pero ayos lang dahil binigay nanaman sa kanya ito ng kusa. Sumakay siya sa taxi at doon dumeretyo na siya papauwi.

~~Present~~

"Hoy!" sabi nalang bigla ni Josh. Tila natauhan si Angelo noon at napatingin nalang sa kaibigan niya na nakalimutan niyng naroon parin pala. "Kwento mo nga, mukhang malalim naalala mo eh." sabi ulit ni Josh.

"Hays, may date kami sa friday ayos naba yon?" sabi nalang ni Angelo. Nagulat si Josh, tila di niya alam kung papano mag-rereact doon.

"Uhm, okay. Goodluck bro." pinalo niya ng medyo malakas itong si Angelo sa balikat at bumalik na sa cubicle niya. Habang si Angelo naman, ay na-tetense pa lalo, dahil nga sa date nila sa friday.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon