Ch. IV, Prt. IV: Running-away 101

559 8 0
                                    

Mag-gagabi na noong mga oras na yun at tapos narin ang oras ni Angelo para sa trabaho. Kasabay din niya ang dalawa niyang kaibigan na si Josh at Simon at nagtagal lang sila doon ng ilang minuto pa para magpahinga. 

"Dude napasa mo naba kay Mindy yung pinapatapos niya sayo?" tanong ni Angelo.

"Oo, kaka-send ko lang kanina. Mukhang wala namang problema kasi hindi niya ako pinapatawag or what. Kaya ayos na siguro yun." sagot naman ni Josh.

"Tara na kaya?" sabi naman ni Simon.

"Hmm. San tayo? Parang ayaw ko pang umuwi ng bahay eh." sabi ni Josh.

"Bar muna tayo?" suggestion ni Simon.

"Hmm, parang ayoko ngayong gabe." sagot naman ni Josh.

"Himala, ayaw mo mag-bar. Anung meron?" bigla namang sabi ni Angelo.

"Himala ka diyan? Wala, baka magalit si Melissa sakin pag nalaman niya na naroon ako."

Napa-sipol naman ang dalawa ni Simon at Angelo, "grabe napapatino kana niyan?! Himala talaga! Hahahaha!" sabi ni Simon. Sinuntok naman ng marahan ni Josh si Simon sa balikat niya.

"Tantanan mo nga ako. Loko, anyway Angelo, tuloy mo na yung kanina." sabi ni Josh.

"Hoy! Kayong tatlo kung balak niyong gawing lounge ang opisina, mabuti pang umalis na kayo at umuwe! Di pa tapos yung iba niyong ka-trabaho dito, mamaya baka ma-diskaralya niyo nanaman ang work flow dito!" biglang sigaw ng boss nilang si Mindy na kinagulat ng tatlo.

"Grabe narinig niya tayo. Tayo na." sabi ni Josh at tumayo alang ang tatlo papalabas.

"Uie guys! kwento niyo sakin yung kasunod ah! Ayaw namin mabitin eh!" sabi ng isa nilang katrabaho.

"Oo nga! Ayaw namin ma miss kung ano ba talaga yung Agatha na yun!" sabi naman ng isa pa.

Kumakaway lang naman is Josh sa kanila habang si Angelo ay napatungo nalang sa sinabi ng mga katrabaho niya, "Oo ba! Geh una na kami!" sabi ni Josh.

"So pare, tuloy mo na? Ano naba talaga?" biglang sabi naman ni Simon. 

Nakangiti lang noon si Angelo bago niya tinuloy ang kwento.

~~~~That day again~~~~

"Sarap nitong juice na napili mo ah." sabi ni Angelo.

"Ah, oo nga. Natikman ko na kasi ito pareho kaya pinili ko nalang itong dalawa na to para sigurado. Mukhang hindi naman ako nagkamali." sagot naman ni Agatha.

"So ughhh, yun nga, about dun sa position." sabi ni Angelo.

"Ahh," tapos clinear niya ang throat niya ng ilang ulit at gumawa ng serious-face habang naka-ngiti. "so after careful consideration. With regards to your physical health. I am prepared to offer you to choices." dagdag niya.

Natawa naman si Angelo ng kaunti, uminom ng juice niya tapos sumagot, "Ok what is it?" sabi niya. 

Napangiti naman si Agatha, "Since you applied directly, I am willing to offer you two choices: There would be a trial of three-weeks for you to try to position out. Or you can go ahead and skip it all-together to apply for the job permanently." kinakabahan si Agatha nung mga oras na yun, pero ito nalang ang na isip niyang paraan para makasigurado kay Angelo.

Tinitingnan niya si Angelo habang seryoso ito sa pag-iisip.  "Hmm can you tell me more about that Three-weeks period?" tanong nito at uminom ng juice.

"Ahh, well you see. Just to be sure that you are not bluffing; I'd give you a three-week trial period to see what you will encounter when you accept the job permanently. Para hindi kana rin magulat siguro or what."

"Ahh, more like sinisigurado mo kung seryoso yung application?"

"English please." biglang sabi ni Agatha habang nakangiti.

"Ah sorry ma'am," tapos natawa silang dalawa, "it's more like you are trying to avoid those people who are not serious with the application? Am I right ma'am?"

Napangiti naman si Agatha, "Yes. Because this position that you are trying to apply for is always open, BUT, I don't always accept applicants. Heck not even for the three-weeks period. So you can consider yourself lucky to get that." sabi ni Agatha.

Matagal natahimik si Angelo pagkatapos noon at iniinom nalang niya ang juice niya habang nakatingin sa labas. Nagpapaulit-ulit sa ulo niya ang sinabi niya na yun sa kanya. Ito nalang siguro ang compromise na naisip niya, gusto rin niyang mag-ingat, pero ayaw rin naman niyang sirain ang pangako niya sa taong yun. 

"Say ma'am if you don't mind me asking, is there any other reason behind the three-weeks period?" tanong bigla ni Angelo. 

Nagulat naman si Agatha doon. Hindi niya inasahan na mag-tatanong si Angelo ng ganun. Pero ganun pa man, napangiti nalang siya at sumagot, "Well, just a promise that I have to keep to a certain someone. That's all." 

"Who is it?" tanong ni Angelo.

Natawa lang naman ng marahan si Agatha doon at ngumiti, "Secret."

"Okay. Sorry." sagot naman ni Angelo, mukhang wala lang naman sa kanya. At kita rin sa mukha niya na curious lang siya.

"So, have you come to a decision?" dagdag ni Agatha.

"Yes Ma'am. I'd like to apply for the position permanently." sagot ni Angelo. Medyo nagulat naman si Agatha doon. Hindi niya in-eexpect na yun ang pipiliin in Angelo. Hindi rin siya agad nakasagot nung mga oras na yun.

"Are you sure?" paninigurado naman ni Agatha.

"Yes." agad na sagot ni Angelo.

Napangiti nalang is Agatha. Sandaling tumingin sa labas. Eto na nga yata yun. Eto na nga yata yung panahon na sinabi sa kanya noon. Panahon na nga siguro. 

"So ma'am, am I hired?" tanong ni Angelo. Tumingin sa kanya si Agatha, nginitian nalang niya ito. Pinili nalang niya na hindi magsalita. Bigla siyang tumayo at inaabot ang kamay ni Angelo.

"Tara na, excited na ko sa plano mo for today." biglang sabi ni Agatha. 

Tiningnan lang ni Angelo ang kamay nito. Mukhang gets na niya ang desisyon ni Agatha. Ngumiti nalang si Angelo kay Agatha at hinawakan ang kamay nito. At doon tuluyan na nga siyang hinila palabas ni Agatha.

"Nako, magugustuhan mo ang plano ko for today. Pupunta tayo sa--" naputol ang sinasabi niya dahil nag-ring ang phone ni Agatha at sinagot niya ito, at mukhang hindi niya pwedeng i-ignore ang phone.

"Sandali lang Angelo ah, si Mama tumawag. Sandali lang ako." sambit nito at lumayo ng kaunti. Lumipas ang ilang minuto at bumalik na si Agatha.

"Sorry Angelo, may pupuntahan pala kaming importante ni Mama at Papa ngayon." sabi ni Agatha.

"Ah ganun ba, ok lang. Parents mo yan eh." sagot naman ni Angelo na may ngiti sa mukha niya. Dahil sa ngiting yun, ay pinagaan nito ang loob ni Agatha, "so hatid na kita sa inyo."

"Ay hinde-hinde. Magkikita nalang kami dun sa lakad namin tatlo. Mag-tataxi nalang ako ha? Ingat ka ah, text ka nalang!" sabi ni Agatha sa pagmamadali. Agad siyang tumakbo sa may tabi ng highway at pumara ng taxi. 

Ng may tumigil na sa harap niya ay parang nag-alangan pa itong sumakay at parang may nakalimutan. Napaisip naman si Angelo kung ano yun at nakita nalang niya na papalapit si Agatha sa kanya. Ng makalapit na ito, ay nagulat nalang siya sa ginawa niya.

Binigyan ni Agatha si Angelo ng halik sa pisngi at agad na tumakbo sa taxi, tila nahihiya pa. Hindi makapaniwala si Angelo noong mga oras na yun, hawak niya ang pisngi na hinalikan ni Agatha. Na-blanko ang isip niya, ng bigla nalang niyang naalala; na natanggap siya sa inaaplyan niya kanina lang. 

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon