Ch. IV, Prt. II: Application

570 9 0
                                    

Nasa cafeteria na silang tatlo noon. Kumakain at tila nagpapahinga. Pero tila hindi parin tinitigilan ng dalawa ni Josh at Simon itong kaibigan nilang si Angelo. Kumakain sila noon at tahimik lang. Tinitingnan lang ng dalawa itong si Angelo habang kumakain. Di nalang niya pinapansin ang dalawa pero medyo, nababagabag na siya ng mapag-judge na tingin ng mga kaibigan niya.

"Guys, come on. I'm eating, we're eating. Di ko ba pwedeng enjoyin yung sandwich at soft drink ko?" sabi ni Angelo.

"Dude, you can't expect us to stay quiet. Alam mo naman na interestado kami diyan sa nangyayari sa inyo ni Agatha." sabi ni Josh.

"Ano bang meron sa love-life ko at interesado kayo?" sagot ni Angelo, tapos tumingin siya sa paligid. "At bakit parang nakakaramdam ako na lahat din ng narito nag-aabang ng sasabihin ko?" dagdag niya habang napansin niya na inaantay rin ng iba pa niyng ka-trabaho ang i-sasagot niya.

"Hehehe, dude. You have to understand. Ang tagal mo kayang naging single." sabi naman ni Simon ng inakbayan niya si Angelo, "Tsaka yung iba dito, hindi lang sa floor nato. Gusto ka, ikaw lang tong walang pinapakita na interes sa kanila. So malamang, lahat sila ma-cucurious sa babae na nakapag-pabago ng supladong katulad mo." dagdag niya.

"Hays, grabe so suplado pala ako. Eh halos lahat naman kinakausap ko ah!"

"Dude, wala ka ng magagawa. Yun nararamdaman nila eh. So anyway, tuloy mo na yung kwento mo." sabi ni Josh habang napa-iling naman si Angelo.

Napabuntong hininga nalang siya habang yung iba niyang katrabaho ay lumapit na, "So anyway kinabukasan nun namin tinuloy ang pinaguusapan namin nung gabing yun."

~~~A week ago, kinabukasan~~~

Umaga noon at naghihintay si Angelo sa Starbucks, malapit sa pinagta-trabahuhan ni Agatha. Umorder na siya ng kape nila noon dahil alam nanaman niya ang laging nitong iniinom doon. Lumipas pa ang ilang sandali at nilabas niya muna saglit ang tablet niya ng biglang dumating si Agatha.

"Sorry late ako, kanina kapa ba dito?" sabi ni Agatha at agad siyang umupo.

Nakangiti lang naman si Angelo sa kanya, "Hindi naman, kakabili ko din lang naman nito." tapos inabot na niya ang kape ni Agatha, "eto oh, nabili ko na yung lagi mong iniinom." dagdag niya.

Napangiti naman doon si Agatha at agad niyang ininuman ang kape at ng matikman niya ay medyo nanlaki ang mga mata nito, "wow ah, ayos nakuha mo agad yung gusto kong kape." tapos uminom ulit siya habang natuwa naman si Angelo, "although kulang lang sa sugar. Pero nice, I like it!" tapos natawa nalang ang dalawa.

"Well sabi kasi kagabe nung isa diyan yung gusto niyang kape," sabi ni Angelo habang hinahalo niy ang kape niya at si Agatha naman ay kakatapos lang dagdagan ng sugar ang kape niya, "bago niya ako tinulugan." dagdag ni Angelo. Natigilan naman si Agatha noon.

"Sorry na. Hehehe." sabi naman ni Agatha. "So, ano na nga ang pinaguusapan natin kagabi?" tanong nito.

"Hehehe, maliban sa paborito mong mga bagay. hmm, tungkol sa espesyal na tao na makakapag-pabago ng status mo." tapos tila nabulunan si Agatha. "Ayos ka lang?"

"Oo, nagulat lang ako sa sinabi mo. Hehe, sorry."

"Hehehe, ayos lang. So ayun nga.  Pano nga yun?" tanong ni Angelo.

nagkatinginan naman silang dalawa ni Agatha. Malalim ang titig sa isa't-isa. Si Agatha tila bumabalik nanaman ang naramdaman niya nung nag-date sila ni Angelo sa Trinoma. Napapangiti naman si Agatha at pilit niyang tinatago ang ngiti na-nagmamatigas na lumabas sa mukha niya.

"Hmm, pano nga ba?" dagdag naman ni Agatha, "teka, bakit mo nga pala gusto malaman yung tungkol dun?" pagbawi niya at pagbaliktad kay Angelo.

Nagulat naman si Angelo doon at sandaling napaisip. Tila hindi alam ang sasabihin sa kanya. Di niya alam kung pano niya sasabihin niya, na gusto niyang manligaw, or maging kasintahan man lang si Agatha. Ni nalilito rin siya kung liligawan pa ba niya ito oh deretyo nalang niyang tatanungin si Agatha. Matagal narin nung huli siyang nagka-girlfriend at dahi lnarin siguro sa kung ano-anong pinagsasasabi ni Josh tungkol sa mga ganitong bagay, kaya nalilito siya kung ano ba talaga ang sasabihin niya.

"Nice, binaliktad mo ako ah." sabi ni Angelo. 

Natawa naman si Agatha, "syempre kailangan alam ko muna ang purpose mo. Para alam ko rin i-sasagot mo." tapos nag-taas-baba ang kanyang kilay habang nakatingin kay Angelo.

"Hmm, well; pano kung may gustong mag-apply?" tanong ni Angelo.

Napakunot naman ang noo ni Agatha, "Mag-apply?"

"Mag-apply," pag-ulit ni Angelo habang nilaro niya ng kaunti ang kanyang kape. "I mean, pano kung may gustong maging girlfriend ka, yun."

"Ahh." ang nasabi lang naman ni Agatha, at nag-lean forward naman siya ng kaunti kay Angelo, "well syempre, iinterviewhin ko muna. Kung pede ba siya sa position oh hindi." tapos nagkangitian naman ang dalawa.

"Hmm, sabagay tama nga naman." sagot naman ni Angelo.

Sandali silang natahimik doon at tila pinakikiramdaman ang isa't-isa, "Ano ba mga qualifications para mag-apply?" biglang tanong ni Angelo.

Napangiti naman si Agatha noon at tila nagisip, "Well first off, dapat may trabaho siya. Pangalawa, dapat walang baggage."

"Baggage?" pagtataka ni Angelo.

"Baggage, yung parang dala-dala na ewan. Yung parang di pa siya sure. Ganun."

"Ah so gusto mo sigurado?"

"Yes!" sabi naman ni Agatha, "mamaya ma-surpresa pako eh. Gusto ko siguradong-sigurado na na walang baggage. Yung, for real kumbaga."

"Ahh, eh pano kung sure na?"

"Eh di, kaunti nalang ang itatanong sa interview. Diba ganun naman yun?" sagot naman ni Agatha. Pagkatapos noon ay natahimik nalang ulit sila. 

Si Angelo nagpa-lingon-lingon kung saan-saan habang nakangiti at ininuman ang kape niya. Lumipas pa ang ilang minuto ay bigla nagsalita si Agatha.

"So, anyway. Sure naba yung application?" tanong niya na may ngiti. Napatungo nalang si Angelo at natawa naman ng kaunti si Agatha. "Gusto ko oo oh hinde ang sagot hindi yung tungo lang." dagdag niya.

"Oo." sagot ni Angelo. Natawa naman silang dalawa at clinear ni Agatha ang throat niya habang ganun din naman ang ginawa ni Angelo.

"So are you the interviewee?" tanong nito na tila, nag-iinterview para sa job application.

"Yes Ma'am." sagot ni Angelo.

"Ok, you can go ahead and introduce yourself. Your strength and weaknesses." sabi ni Agatha at doon ay nag-simula na si Angelo sumagot para sa kanyang 'interview' para sa application niya. Nakikinig lang si Agatha noon sa kanya habang sinasabi niya ang kanyang strengths at weaknesses. Natatawa silang pareho, pero habang tumatagal ay naaaliw si Agatha kay Angelo.

"So Ma'am. Did I pass my application?" tanong ni Angelo kay Agatha.

Umiinom naman si Agatha ng kanyang kape sa mga oras na yun at tila nakatingin lang kay Angelo. Pagkatapos niyang uminom ay binaba niya ang kape niya, nag-lean forward ng kaunti kay Angelo, na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon