0.0.3 - Himig ng Kalayaan

52 7 6
                                    

Sa loob at labas niring bayan kong sawi,kahapisa't hinagpis ang naghari,batid sa katauhan ang pagiging lugami,ipinangunguling ang matatamis na ngiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa loob at labas niring bayan kong sawi,
kahapisa't hinagpis ang naghari,
batid sa katauhan ang pagiging lugami,
ipinangunguling ang matatamis na ngiti.

Kung aking apuhapin ang sariling isip,
nais kong masaklaw ang kalayaang ipinagkait,
maulinigan muli ang liriko ng musika;
na inihandog ng musmos na mga bata.

O bayan kong nagdaraing!
sana'y mapakinggan ang 'yong hinaing,
ning binotong mga opisyal;
na mayro'ng ikinubling 'di magandang asal.

Ngunit sa aba ko! sawing kapalaran!
kailan kaya tuluyang mabitawan ang karahasan?
kailan kaya nila maarok ang tunay na kahulugan ng salitang kalayaan?
oo, lalong marahas, lilong kamatayan!

Kinabukasan, 'wag ka sana tuluyang mawaldas,
upang din ang ngiti ng mga bata'y 'di unting maaagnas;
yayakagin nawa ang kanilang kamay na marahas
sa pamamagitan ng luhang sa mata'y lalagaslas.

Ito ang himig ng daing ng bayan ko,
sabay-sabay tayong mga Pilipino;
bata, matanda, may asawa man o biyuda't biyudo,
para sa kalayaan tayo'y mangagtayo.

Buhayin nating muli ang pag-ibig,
sa paraang pagbahagi ng himig,
o nawa'y pakinggan n'yo ang awit,
awit na naglalayong kalayaa'y makamit!

ScribbledWhere stories live. Discover now