0. 36 - Bagong Taon

30 5 6
                                    

’Di naging madali ang ’yong paglalakbay rito sa mundong walang kasiguraduhan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

’Di naging madali ang ’yong paglalakbay rito sa mundong walang kasiguraduhan. Minsan nga’y nawawalan ka ng pag-asa sa t’wing naranasan mong madapa. Ilang beses ding umiyak ka sa loob ng ’yong silid. Kinikimkim ang lahat ng hinanakit sa loob. Walang ni isa ang nakaririnig ng ’yong paghagulhol ngunit, akalain mong nalampasan mo ang lahat ng ’yon.

Akala mo, ’di ka na makapagpapatuloy. Dumating ka sa puntong gusto mo na lamang maglaho. Nais mo na ngang magmukmok na lamang sa ’yong kuwarto. Nilalayo mo ang sarili mo sa iba dahil para sa ’yo, walang ni isa ang makaiintindi sa mga dagok na natatamasa mo. Minsan nga’y humantong ka sa mga panahong kahit nais mong umiyak, walang luha namang papatak ngunit, akalain mong nalampasan mo ang lahat ng ’yon.

Sa bawat mong paghakbang, mayro’ng mga panahong natatapilok ka’t natutumba. Panay pa ang pagtiis mo sa sugat na dulot ng ’yong pagkadapa. Mahirap bumangon, oo, iyan ang realidad. Hindi naman talaga sa lahat ng pagkakataon, puro tuwa ang ’yong matatamasa. Marami ring pagkakataon, na kailangan mong tikman o tamasain ang pait ng buhay. Kailangan ’yon dahil bahagi ’yon ng timpla ng ’yong estorya. Wala rin naman kasing tao ang hindi nakararanas ng mga problema. Lahat tayo, mayroon, isa, dalawa, maaaring marami-rami pa ngunit alam mo, kung nakaya mo mang malampasan ang lahat ng ’yon noon, naniniwala akong kaya mo ring malampasan ang ngayon.

Bagong taon. Maaaring ang depinisyon nito para sa iba’y “bagong taon, bago na namang problema”. Puwede! Ngunit, maaari rin namang, “bagong taon, bagong pag-asa”. Iba-iba man ang pananaw natin sa bagong taon ngunit tandaan lang natin, ang buhay ay ’di lahat masaklap. ’Di ka hahantong sa pagkatuto kung ’di ka nakaranas ng tinuturuan. Maaari rin naman kasing maging guro natin ang iba’t ibang sitwasyong dumating sa ’ting buhay. ’Di ka matututong maging palaban kung 'di ka naman sumabak sa giyera.

Bagong taon. Bagong ikaw. Ang mga ’di magandang alaala mo noon, iwanan mo na sa nakalipas na taon. Huwag nang manatili, huwag nang lumingon. Kailangan mong magpatuloy. Kailangan mong bumangon.

ScribbledWhere stories live. Discover now