0. 47 - Mahal na Batis

18 2 3
                                    

i.

Maulinigan ang rumaragasang tubig sa mahal na batis. Kung saan nananahanan ang mga Nayades; mga ninfa o diyosa sa tubig. Kaaliw-aliw ang kanilang mga lira. Maaaring ito'y kudyapi, alpa o bigwela. Ito'y kanilang ipinansasaliw sa kanilang musika. Sila'y itinuturing na sagrado o banal ng mga Hentil na mapaniwala.

ii.

Sa pook na tinutukoy, mawiwili ka sa mahinhing tinig. Mga nangagsasayang nayades. Tumataginting ang kanilang lira. Pampawi sa nalulumbay na dibdib. Sinuling-suling niring mga mata ang binubukalang pook na mahiwaga.

iii.

Puso'y ninilag habang umusbong ang hapis. Gaya ng rumaragasang tubig, luha'y bumabalisbis. Nais mapawi ang hilahil. Maparam nang tuluyan upang ang kahalak-halak na kasiyahan ang aapaw sa batis ng kaluwalhatian. Hihinting ang ginhawa. Kalauna'y lilisanin ang dilim. Pagtutukatok, saka, tuluyang tulog dito sa ilalim ng punong-kahoy na matayog.

iv.

Isa akong gerero, napadpad sa walang-kasiguraduhang mundong ito. Nawa'y mapawi ang lungkot sa pamamagitan ng tugtog ng awiting inihahandog ng mga nayades, niring mahal na batis.

ScribbledWhere stories live. Discover now