0. 45 - Silid-aralan

23 2 2
                                    

Ang propesyong pagtuturo ang aking napili

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Ang propesyong pagtuturo ang aking napili.

Ito ang aking tinahak sapagkat naniniwala ako na ito ang aking pagtawag.

’Di s’ya madali ngunit iba rin ang saya na natatamasa mo sa t’wing nagagawa mo ang ’yong tungkuling mapasaya ang mga mag-aaral mo.

Maraming mga alaala ang nabubuo, sa silid-aralan kung saan ako nagtuturo.

Pasensya’y sinubok sa maraming pagkakataon.

Halos araw-araw, nauwing laging pagod ngunit sa kabilang-banda, alam ko sa loob na iniibig ko ang aking ginagawa.

Galak akong gawin ang bagay na tunay na ’di madali.

Sa t’wing nakakausap ko ang aking mga naging mag-aaral.

Saya sa loob ay aking dama.

Alam kong unti-unti na naming binubuo ang mga memorya, na balang-araw ay alam kong hanggang magiging alaala lang din naman.

Kahit alam ko na masakit ang magiging katapusan.

Hinayaan ko ang aking mga mag-aaral na magkaroon ng puwang sa puso ko na sa kasalukuyan ay nasasaktan.

Sa katunayan, nangungulila na ako sa kanila.

’Di lang sila basta-bastang estudyante lang ngunit, itinuring ko na silang aking pamilya.

Lumisan na sila.

Saka, ’di ko alam kung kailan ulit kami magkikita.

Ngunit sana, hahayaan ng pagkakataon...

Na ang nahiwalay na mga landas, muling ipagtagpo.

Sa silid-aralan unang nagkakilala,

Sa silid-aralan din sana muling magkita.

ScribbledOnde histórias criam vida. Descubra agora