0. 27 - Pagtiis

20 4 2
                                    

Sa paggising sa umaga'y dinig ko na ang aking pagbuntonghininga,tila ba'y mabigat para sa akin ang harapin ang umaga,dahil sa katunayan lamang,ako na'y nawawalan ng pag-asa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa paggising sa umaga'y dinig ko na ang aking pagbuntonghininga,
tila ba'y mabigat para sa akin ang harapin ang umaga,
dahil sa katunayan lamang,
ako na'y nawawalan ng pag-asa.

Ilang mga dagok na ang pilit akong ipinapatumba,
pinapabatid sa akin na ako'y walang-kuwenta,
ngunit sa kabila ng mga delubyo't sakuna,
'di ko maakalang hanggang ngayon ako'y buhay pa.

Binangga man ng mga problema,
pagtiis na lamang ang tanging aking magagawa,
pinipilit sa sariling ipamukha,
kalayaang hinahanap ay muli ring matatamasa.

Kung ngayon man ay hindi muna ako makakawala,
hihintayin ko na lamang ulit ang pagsapit ng umaga,
patuloy na magbabasakaling ang mga naranasang problema,
sila rin ay aalis at 'di na muling babalik pa.

ScribbledWhere stories live. Discover now