0.15 - Maria Clara't Ibarra

15 4 4
                                    

'Wag malilingat at pag-ingatan koang bumugsong damdamin ko para sa 'yoo aking nag-iisang binibining nagpabihag sa aking puso,ikaw lamang ang s'yang aking mundo

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

'Wag malilingat at pag-ingatan ko
ang bumugsong damdamin ko para sa 'yo
o aking nag-iisang binibining nagpabihag sa aking puso,
ikaw lamang ang s'yang aking mundo.

'Di ako magsasawang ipahayag ang aking pagtingin sa 'yo sa pamamagitan ng kalatas,
purong pag-ibig ko kailanma'y 'di maaagnas,
niring bibig ikaw ang palaging ambil
walang sinuman pati sa Padre Damaso ang makapipigil.

Aking nag-iisang Maria Clara,
Wala na akong pangamba pa
sa harapan ng Kataas-taasan na aking sinasamba;
mismo sa Kanyang altar ikaw ang idadala.

Ngunit 'di ko inakala
na tayo'y uusigin pala ng tadhana
'di ko inaasahang ikaw sa aki'y mawala
dulot ng bulok na sistema sa 'ting bansa.

Hindi lang iisa ang aking kalaban,
pati na rin ang aking ipinaglabang taumbayan
tinutop ang aking puso't nagsaysay,
"kahit anumang mangyari, puso ko'y sa 'yo lamang iaaalay".

Aking Maria Clara na lubusan kong inaalala,
pakatandaan mo nawa
na may nag-iisang binata na sa 'yo'y itinadhana;
nagngangalang Crisostomo Ibarra.

ScribbledOù les histoires vivent. Découvrez maintenant