0.19 - Paalam, pagsusulat

20 4 6
                                    

Hawak ko ngayon ang aking pluma habang lipos-linggatong kong pinagmasdan ang nilalabas nitong tinta

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hawak ko ngayon ang aking pluma habang lipos-linggatong kong pinagmasdan ang nilalabas nitong tinta. Umurong ang aking dila sapagkat humantong na naman ako sa yugto ko bilang isang manunula - na wala nang halos maihahabing mga salita. Kusa na lamang naparam ang galak na akin no'ng natamasa sa una kong natagpuan ang pagsusulat at paglikha ng obra maestra. Tila ba'y nakalimutan ko bigla ang ganyak nitong dala. 'Di ko alam kung bakit gan'to... sa kahapisang dama kailan kaya ako makawala?

Maihahalintulad ang aking karanasan sa pagpasok sa isang batalya. 'Di ko nasalag ang dagok na hatid ng aking pagkawalang-gana. Ako'y hinandulong at 'di ako nakailag. Nawa'y bilang isang manunulat makaawas sa pasan kong sakit na nag-iiwan sa akin ngayon ng matinding kamandag. Anupa't natapos ang yaong katuwaan. Sana'y sa kahuli-hulihan, 'di ko maambil ang mga katagang, "pagsusulat...tuluyan ko nang iiwan".

ScribbledWhere stories live. Discover now