0.13 - Salarin

19 4 4
                                    

Kalansing ng pinggan at kubyertos ang s'yang sumalubong sa akin pagkauwi ko ng bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kalansing ng pinggan at kubyertos ang s'yang sumalubong sa akin pagkauwi ko ng bahay. Agad akong tumungo sa kusina't naghugas ng aking mga kamay. Nang matapos ay pumaroon ako sa hapag-kainan at ngumiti ng matamis kay nanay. S'ya'y nagpatuloy sa paghanda sa hapunang sa aming kan'yang mga anak at asawa'y iaaalay. Mayamaya pa't sumunod na sina kuya, ate, at pati na rin si tatay.

Umalingawngaw ang halakhakan sa loob ng aming tahanan. Araw-araw, galing sa eskwela'y ito ang aking natutunghan. Problema'y ipinangunguling kapag kasama ang miyembro ng pamilya. Nakalulunos man minsan ang mga dagok na natamasa. 'Di ito hadlang upang maging masaya.

Ngunit sukab ang kapalaran sapagkat sa isang iglap sila'y nawala. Nakahandusay sa hirap ang aking nakuha. Nang pagkatapos ng hapuna'y umusbong ang apoy at tanging ako lang ang nakawala. Natunghayan ko mismo sa aking mga mata. Ang kasakiman ng mundo na sa aki'y ipinatamasa.

Gaya sana ng tabsing ng anyong tubig ang buhay nila. Maaaring bumalik sa t'wing mawawala. Ngunit ito'y lalang at 'di kapani-paniwala. Tanging himutok na lamang ang aking tanging magagawa. Sapagkat, silang lahat ay tuluyan nang namamayapa.

Mapanglaw nang humantong ang gabi. Sa sulok ng silid ako'y nalulugami. Hapis sana'y nanaisin kong mawaksi. Katkatin nawa dahil 'di na ako makapagtimpi. Bumalisbis na ang luha ng taong naapi ngunit, napalitan ng halikhik ang aking paghikbi nang masaulan nang gabing yaon, ang karumaldumal na pangyayari.

Sa dingding ng silid-tulugan dumako ang aking mga tingin. Apoy sa loob ko sana'y daragitin. Balisang isip ko't konsensya'y 'di ako kayang patawarin. Ngayo'y matagal ng lihim akin nang sasabihin, "Ako ang natira, ako rin ang salarin."

ScribbledWhere stories live. Discover now