0. 30 - Noong Ako'y Bata Pa

25 4 3
                                    

   

     Noong ako’y bata pa, naalala ko noon kung gaano ako kakulit sa aking mga magulang at pati na rin kay Lola

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     Noong ako’y bata pa, naalala ko noon kung gaano ako kakulit sa aking mga magulang at pati na rin kay Lola. Sa tuwing pagkatapos ng tanghalian, ako’y gagala kasama ang aking mga kaibigan. Kami’y maglalaro ng habul-habulan, Chinese garter, stickers, pati na rin tagu-taguan. Minsan nga’y hindi ako makakauwi nang maaga sa bahay nang dahil do’n. Mas gusto ko pang tumungo sa labas at maglaro nang maglaro hanggang sa pagpapawisan. Kapag walang pasok, buong araw ko’y nakalaan sa paglalaro kaysa sa ipahinga ito o kaya’y itulog.

       Noong ako’y bata pa, sabik akong lumaki na. Gusto ko nang magkaroon ng trabaho upang mayroong pagkakitaan. Gustong-gusto kong mayroon na akong sariling pera upang mabili ko na ang aking mga ninanais. Tumingala ako sa mga bagay na iyon na hindi ko iniisip kung ano ba talaga ang mangyayari sa akin kapag hahantong na ako sa bagay na iyon. 'Di ko inakala, na kung gaano kaganda ang aking imahinasyon patungkol do'n ay ang kasalimuot naman ng ngayon.

         Noong ako’y bata pa, hindi ko nahinuha kung gaano kahalaga ang tamasain ang bawat araw. Noong ako’y bata pa, binalewala ko lamang ang pagtulog sa tanghaling tapat at pinipiling maglakwatsa na lamang lagi sa labas. Hindi ko ito naintindihan noon. Na ang pagpapahalaga sa simpleng bagay ay mayroong malaking epekto ngayon. Sana noon, no'ng ako’y bata pa, pinahalagahan ko sana ang kahit katiting na mga bagay dahil kapag lumaki ka na’y gusto mo nang makakabalik ulit sa pagkabata pero hindi na puwede pa.

ScribbledWhere stories live. Discover now