0. 32 - Pag-iral Mo'y Mahalaga

36 4 3
                                    

Sa ligaya nila nang ika'y umusbong,kabog ng dibdib ang siyang umahon,'di sa kaba kundi sa tuwa,sapagkat ika'y tuluyan nilang nakita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa ligaya nila nang ika'y umusbong,
kabog ng dibdib ang siyang umahon,
'di sa kaba kundi sa tuwa,
sapagkat ika'y tuluyan nilang nakita.

Tagumpay mong pagdating ay pumawi sa lumbay,
panganib ng kanilang puso'y naging katuwaan,
una mong iyak ay nakisabay,
sa damdamin nilang tuluyang nabuksan.

Sa lakas mong paghiyaw sa gabing madilim,
naggising ang 'yong ina't ama sa tulog na mahimbing,
ika'y kanilang inaruga,
walang susumang sa kanilang pag-aalaga.

Una mong paglakad ika'y inalalayan,
nang ika'y matuto na ng tuluyan;
sa paghakbang ng mga paa'y ating matatap,
luha nila ang nagsabi ng ligayang ganap.

Lumipas ang panahon ng 'yong pagbabago,
tuluyan ka nang nagiging ginoo,
sa sarili mong mga hakbang ika'y tumungo,
niring liblib na lugar ng paglaho.

Matantong nasa bilangguan ka ngayon ng kahapisan,
'di mo na alam ang patutunguhan,
natimawa ka't sa buhay ay walang kasiguraduhan,
nawaldas sa 'yong isipang mayro'n kang mga magulang.

Ang lubid na walang awa't kinuha ang 'yong kalayaan,
gulo mong isipan -
ang naging kadahilanan,
kung bakit ka ngayon tuluyang nagpatiwakal.

'Di mo ba natatandaan ang kanilang matinding pag-aaruga?
'di sila nahapo sa 'yo habang ika'y kinakalinga,
sila sana ang 'yong magiging pahinga,
sa magulong buhay mong puno ng dalita.

Naawa sa 'yo ang dakilang Poon,
ika'y binigyan ng bagong pagkakataon,
unti-unti kang nagkaroon ng hininga't mulat na ang 'yong mga mata,
rinig mo ang tinig na nagsabi, "Aking anak, pag-iral mo'y mahalaga."

ScribbledWhere stories live. Discover now