0. 20 - Sa Sarili Ko Lang Pala

17 4 4
                                    

"Bilang na lang ang araw mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bilang na lang ang araw mo. Paano mo ba susulitin ito?"

Habang sinimsim ko ang inuming nakakalango. Aking napagtantong mga mata ko'y unti-unting nanlalabo. Kung noo'y nasilayan ko ang aking halaga. Ngayon ba'y hindi na.

Ramdam ko ang sakit ng aking ulo. Dulot ng paglalasing ko. Kahapon, ngayon, o baka'y pati rin bukas, ganito pa rin ako't walang pagbabago. Bakit pa ba ako isinilang kung ganito lang naman kawalangsaysay ang aking buong pagkatao? Walang kabuluhan. Maraming kakulangan.

Hapis, hinaing, hinanakit, hangal, hampaslupa, hayop!

Akitin ang alapaap upanding niring dilim na tamasa'y kahit katiting mawaldas.

Ang tinik niring sakit dumiin na naman sa aking balat. Umalingawngaw, walang nakarinig. Nagliwaliw, nagsinuling-suling ngunit, gano'n pa rin, mas lalo tuloy lumalim ang hinaing.

Sinubukan ko muling hanapin ang nawala kong halaga. Sinimulan ko sa iba ngunit gano'n pa rin, 'di ko ito nahanap sa kanila.

Sari-saring nilalang ang aking nakasalamuha ngunit, wala ni isa sa kanila ang nagtanggal nitong lason sa loob kong 'di mawala-wala.

Nang humantong ako sa bumabalisbis na batis mayro'n akong nakita. Repleksyon kong punong-puno ng pagluluksa.

Ang taong noo'y magawi sa ligaya't aliw. Matagal nang nagliwaliw ngunit ngayon lang napagtanto ang sagot. Wala pala sa iba ang kasagutan sa matagal ko nang problema't puot.

Ako lang pala ang sagot. Sa samu't saring katanungan ko sa loob. Wala sa iba. Wala sa kanila. Andito lang pala. Ako. Ako lang pala ang susi sa matagal nang hihinting ginhawa.

Paano ko nga ba pala gagamitin ang oras kong natitira? Susulitin ko pala ang panahon, 'di para sa iba kundi... sa sarili ko lang pala.

ScribbledWhere stories live. Discover now