0.0.5 - Kahit Ngayon Lang

35 5 10
                                    

Umalingawngaw ang malakas na kulog at kidlat habang ako'y nakatanaw sa labas mula rito sa 'king durungawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Umalingawngaw ang malakas na kulog at kidlat habang ako'y nakatanaw sa labas mula rito sa 'king durungawan. Bitbit ko ngayon ang kabigatan ng aking loob na para bang wala nang katapusan. Tumimo nang biglaan sa aking isipan ang nakaraan. Noong ako'y musmos pa at wala pang pakialam. Nakaraang tuluyan nang namamaalam.

'Di mawaldas ang noong alaala. May galak na kahit sa kapira-pirasong barya. Papanhik sa tindahan upang bumili ng kendi mula sa tindera. Saka, paparoon sa kapwa bata. Maglalaro ng patintero, chinese garter, Magellan's cross, habu-habulan, tagu-taguan, saka bato-lata.

Oo, kaysaya ng pagkabata. Away lamang sa kapwa kalaro ang problema. Sa tampisaw ng ulan, galak na galak na. Kahit puno na ng putik ang mga paa. Walang makapipigil sa gano'ng eksena.

Noon, hangad ko'y lumaki na. Upang maranasan ang pakiramdam na tumatanda. Ngunit, nang humantong na sa paglaki. 'Di ko maitatanggi. Sa kabataa'y mas maganda pa lang manatili.

Malalim ang aking pagbuntonghininga. Nagpapakahulugang mayro'ng samu't saring problema. Humantong ako sa realisasyon. Sa pagmumukmok ako'y umahon. Binuksan ang pinto at tumakbo. Sa labas ay tumungo.

Ramdam ko na ngayon ang lamig ng butil ng ulan. Mayamaya'y dumako ang tingin sa kalangitan. Makulimlim, maginaw, ngunit wala akong pakialam. Kahit ngayon lang. Gusto kong muling maranasan... ang aking kabataan.

ScribbledWhere stories live. Discover now