0.0.9 - Mismo Sa Aking Puntod

21 5 3
                                    

Matanto sana nila ang aking halagahabang buhay pa ako't humihinga,itotono na sana nila ang kanilang pagsasalita;'di panunumbat at pagsawalang-bahala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matanto sana nila ang aking halaga
habang buhay pa ako't humihinga,
itotono na sana nila ang kanilang pagsasalita;
'di panunumbat at pagsawalang-bahala.

Bulaklak na puti'y sa burol lamang inialay,
ito lamang ay matatanggap sa oras ng lamay,
ngunit sa mga panahong tao pa'y buhay
walang pag-ibig ang dumadagayday.

Anupat ang luhang sa mata'y naagos
ng pagkaulila sa pag-ibig n'yong lubos
'di n'yo alam ako na'y ubos,
kailan n'yo kaya matanaw na ako na'y kalunos-lunos?

Kung darating na ang bukas ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
sa parihabang kahon kung saan natigil na ang hinagpis
kahit kailanman 'di n'yo 'ko inibig.

Paalam na!
'di ko na kaya,
panigurado naman 'di kayo mangungulila
ito pa nga ang nais n'yo na ako'y mawala.

Ang 'yong hiling ay aking susundin,
'wag na kayong mag-atubili't magpigil,
matinding sakit ang s'yang nakalulunod
dito mismo sa aking puntod.

ScribbledWhere stories live. Discover now