Nagbuntonghininga’t nag-isip nang malalim
habang hapis ay kinikimkim
kasalukuyang pagtaghoy ay kalumbaylumbay
loob ay unti-unting nabibihay.Nawa’y sa lubid ng hinagpis ay makalag
sapagkat niring nasapit na napakarawal
nagitlahan sa mga naganap
kundangan sa malaking habag.Daragitin nawa ang kalungkutan
lumbay ay tuluyan nang mapakawalan
niring loob ng bilibid
tuluyan nang gulong-gulo ang isip.Tamis ng halakhak na kahalak-halak
umugong sa loob, nakakaganyak
ngunit sa katunayan;
ang tawang ’yon ay may pagpapakahulugan.Sinuling-suling ang loob
puro emosyong baluktot
dulot ng pagkakabilanggo
mismo sa bilibid, naguho.
YOU ARE READING
Scribbled
Randompinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...