0.14 - Tugon

17 4 0
                                    

Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindaklumaganap ang hapis at diwa't luha'y lumalagaslasisang sukab ang s'yang nagsara ng landas,kaya ngayo'y niring dilim 'di na makalabas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak
lumaganap ang hapis at diwa't luha'y lumalagaslas
isang sukab ang s'yang nagsara ng landas,
kaya ngayo'y niring dilim 'di na makalabas.

Malaong natigil at 'di nakakibo
nang humampas sa 'kin ang matinding delubyo
hininga'y hinabol na ibig sanang lumayo
katawang gapos, kailan kaya mangagtayo?

Tanang balahibo ko'y pinapangalisag
takot ko sa akin pa ri'y bumabagabag
negatibong emosyon sa akin ay nagpahayag;
ako raw ay walang-hiya't kahabag-habag.

Pag-asa, halina't gapos ko'y kalagin
nawa'y panaghoy ko'y iyong mapansin
hikbi ko'y sana iyong sagutin
nawa'y kung ako'y mamamatay sana ako'y iyo pa ring gunitain.

Dito ako't napahiyaw sa malaking hapis,
butil ng luha'y bumabalisbis
sabayan ng pawis na tumatagistis
walang tumugon, walang nakarinig.

Andito ako't nanlulumo't tuluyan nang naguguho
patuloy na hinahabol ng delubyo
dito pa rin sa aking bilibid,
halos nabibihay sa habag ang dibdib.

ScribbledWhere stories live. Discover now