0. 21 - Kumusta ka?

20 3 11
                                    

"Kumusta ka?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kumusta ka?"

Mga katagang nais kong marinig sa t'wing napanghihinaan ako ng loob. Sa t'wing nilalamon ako ng lungkot, simpleng pagtatanong sa pamamagitan ng mga katagang iyon ay isang malaking tulong na sa akin upang magkaroon ng pag-asa't makabangon.

'Di ata ito alam ng iba. Na ang simpleng pagtatanong ng "kumusta ka?" ay nakapaglalaan ng ginhawa. Nakakaramdam ka na, hindi ka pala nag-iisa. Na may mga tao pa lang iniisip at pinapahalagahan ka ngunit bakit? Bakit sa kayraming tao sa mundo, iilan lamang ang gumagawa nito? Para bang sa t'wing mangumusta, isang krimen ang paggawa nito kaya'y 'di maambil sa mismong mga bibig at mapahayag ang pag-alala.

Sana, sana... Sana mahinuha mo na sa simpleng pangungumusta, nakapagligtas ka na ng buhay. 'Wag mong hayaang tumunganga lang at walang gagawin sa mga taong wala na sa huwesiyo't gusto nang magpakamatay. Kahit sa simpleng pagtapik, gawin mo. Kahit sa simpleng pagngiti, ibahagi mo. Ikaw ang magsilbing kulay sa mga taong tanging nakikita na lamang ay kulay itim na ang mundo.

Kaya andito ako... Hindi para husgahan ka sa pagkatao mo. Husgahan ka sa mga nagawa mong kamalian. Andito lang ako dahil simple lang... Nais kitang kumustahin dahil mahalaga ka sa akin. Mahalaga ang buhay mo. Mahalaga ka mismo.

"Siya nga pala, kumusta ka? 'Wag kang susuko ha?"

ScribbledWhere stories live. Discover now