Chapter 379

188K 6.2K 3.4K
                                    


Fourth

Jay-Jay's POV

Nabatukan ako ng pinsan ko. Gusto kong maiyak.

Pwede ba kong humagulgol?

Madaling araw na kami nakauwi sa bahay. Tulog na karamihan maliban kay Tita Gema at Aries na inaabangan kaming makauwi.

"Tulog si Jeana. Hindi muna namin pinaalam ang nangyari kina Alvin at baka mapasugod 'yon ng di-oras," sabi ni Tita Gema at kinuha ang dalang gamit ni Kuya.

Lumapit sa 'kin si Aries. "Ayos ka lang?" 

Tumango ako. "Binatukan nga lang ako ni Kuya."

"Dahil matigas ang ulo mo." Inis na sabi ni Kamatayan bago ako lagpasan.

"Angelo talaga," sita sa kanya ni Tita bago ako harapin. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Wala namang ginawang masama sa 'yo ang Ram na 'yon?"

Umiling ako. "Si Kuya po ang sumalo lahat. Prinotektahan niya ko hanggang huli."

Ngumiti si Tita Gema sa 'kin at niyakap ako sandali. "You should go to your room and rest."

Tumango naman ako bago niya kami iwan ni Aries. Inabot ko sa kanya ang bag ko para magpatulong pero tinalikuran niya ko. 

Wow, kaunting bait naman sana.

Lumakad na ko papunta ng kwarto ko. Nauuna sa 'kin ang kapatid ko kaya nakita ko na lumagpas siya sa kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. Mukang meron kaming dapat pag-usapan.

Do'n din naman pala siya pupunta sana dinala na ang gamit ko. 

Pagpasok ko sa loob, ibabalibag ko sana sa kanya ang mga dala ko kaso baka magalit sa 'kin at mauwi kami sa away.

"Kumusta na si Ella? Ano na nangyari sa kanya?" Bungad ko.

Hinatak niya ang bangko sa study table ko at naupo.

"Ayos naman. May slight accident lang sa bahay nila. Nataranta lang siya kasi hindi niya alam ang gagawin," paliwanag niya. "Nag-aalala ka?"

"Hindi, nakiki-tsismis lang."

Inayos ko ang mga gamit ko habang patuloy sa pakikipag-usap sa kanya.

"So, what happened? Did Ram did something awful to you?" Kalmadong tanong niya pero bakas ang pag-aalala.

Umiling ako. "Hindi. Si Kuya lahat ang tumanggap ng bugbog at saksak."

"Nasaksak si Kuya?"

Tinuro ko ang leeg ko kung saan ko natatandaan ang kaparehong parte na tinamaan siya ng kutsilyo.

"Hindi ba sa major vein 'yan?" tanong niya at napaisip naman ako.

Sinubukan kong tandaan ang sinabi ng Doctor at sinagot ni Kuya Angelo.

"Nakailag daw si Kuya kaya hindi tinamaan, tsaka mababaw lang daw ang tama."

Napabuntong hininga si Aries. Na-stress din siguro siya sa kwento ko tungkol sa nangyari sa pinsan namin. 

Natapos ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Kumuha naman ako ng pamalit ko. Dumiretso ako sa banyo para na rin makapaglinis.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Matamlay ka tignan." Puna niya sa 'kin.

"Nilagnat kasi ako kanina kata ganito itsura ko," sagot ko mula sa banyo.

Hindi rin naman ako nagtagal sa ginawa ko. Gusto ko na rin kasing makahiga at matulog. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko at kahit wala na kong lagnat parang anytime babalik t-trangkasuhin ako.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon