Chapter 5

2.7K 155 16
                                    

Chapter 5
"Caring"

"Are you single?" tanong sa'kin ni Timmy.

Nasa tapat ko siya nakaupo, sa likod niya ang pathway. Sa likod ng hanay namin ay mismong pader na. Muling umingay ang mga kasama namin dahil sa tanong ni Timmy. Nagsalitan sila ng pangkakantyaw sa kanya.

"Aba, aba, may balak ka, dude?"

"Sabi ko na, may tinatago ka talagang pagkagusto kay Polka."

"Kaya pala ang lakas mong mang-asar no'n."

"Crush mo pala, ha."

"Ang lakas mong mang-asar dati. Papansin ka lang pala, Timothy!"

"Maglabas ka muna ng bank statement, samahan mo na rin mga titulo ng lupa."

"Hindi." Nauna pang sumagot si Carmi. Ang lakas pa ng boses.

I blushed in shyness sa lahat ng panunukso nila. Kinunutan ko naman ng noo si Carmi. Ano'ng pinagsasabi nito?

"So, Polka, are you single?" Nagkrus pa ng braso sa dibdib sabay hilig sa sandalan ng likod si Luke na katabi ni Timmy.

"Oo," tawa ko.

They cheered. Naiiling naman si Timmy. Napahawak na lang sa batok niya. Hindi naman kasi porket nagtatanong may intensyon nang gano'n.

"Hindi, hindi, hindi single 'to," awat ni Carmi.

"May nanliligaw na sasagutin na?" hula ni Karen.

Pinisil ko kamay ni Carmi. I frowned a bit at her. May nginunguso naman siya. Mas lalong napakunot ang noo ko. Pinandilatan ko na siya ng mga mata. Inulit niya ang pagnguso. I shifted my gaze. Muntik na ako tumalon ang puso ko nang masalo ang titig ni Ham sa kabilang lamesa. Mabilis ang pag-iiwas ko ng tingin.

Hindi ko pa rin maintindihan si Carmi. I shrugged my thoughts and composed myself. Natigilan naman kami nang makita kapapasok lang na dating directress ng school na pinapasukan namin, si Tita Pam.

"Hi!" She smiled when she turned and recognised us. She motioned to her daughter to move along and find a table.

Isa isa kaming bumati. Jim offered his seat pero tumanggi si Tita Pam.

"It's nice seeing you get together," aniya after she took photos with us. Binaba niya ang cellphone. "Ang bilis ng panahon. You're all grown ladies and gentlemen. Ilan na ang kasal sa inyo?"

Sabay sabay kaming tumanggi. She laughs at that. Nagpaalam na rin siya. Pinuntahan niya na ang anak niya sa kinauupuan nito. Nagpatuloy na rin kami.

"The deadline for the collection is at the end of the month," sabi ni Tanya bilang pagpa-finalize ng agreement. "Lian will collect or you can just wire your contributions sa kanya."

"I'll post sa group chat 'yong number ko for those na wala pa."

I nodded at pati ang ilan. We all agreed.

After a while, Tanya asked for the bill. I got my wallet and took out five one thousand bill. Iniwan ko kay Carmi. Nag-excuse ako at nagpunta ng banyo.

I peed and went out of the lady's cubicle. Humarap ako sa sink at sinipat ang sarili sa salamin. Binuksan ko ang faucet, binasa ang mga kamay saka nag-pump ng hand soap at pinabola ang mga kamay ko. Nagbanlaw ako tapos itinapat ang mga kamay sa hand dryer.

Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng wet wipes para punasan ang labi ko. I take a closer look at the mirror to check my teeth. Kinuha ko ang dalang tint at naglagay sa labi ko. Sumulyap pa ako ng isang beses bago bumalik sa resto.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon