Chapter 9

2.8K 150 23
                                    

Chapter 9
"Private"

Pinasa ko kay Millard ang susi ng Jimny. Hindi na ako magmamaneho sa susunod na destinasyon. Lumihis naman ang paningin ko nang makitang papalapit sila Ham sa Raptor nila.

Sasama pa ba sila? Sila Von kasi sasama raw.

"Sinong magda-drive sa D-Max?" tanong ko habang binabalik kay Millard ang mga mata.

"Si Jickel."

Tumango ako at sumakay na sa front seat. Si Millard naman nilapitan na sila Ducky na nag-aabang. Kinausap niya ang mga ito para siguro magbigay ng instructions. Susundan lang naman nila kami. Sasaglit lang kami sa Abbey of Transfiguration sa San Jose, pagkatapos doon we will have our lunch tapos tutuloy nang CEDAR.

My eyes flew to the black Raptor. Buhay na ang makina nito. Binaba nito ang bintana. I saw Chiz behind the wheels. Von rolled down the window of his car too saka sumenyas kay Chiz. Hindi ko mahulaan kung ano iyon. Bumalik naman na si Millard at pumasok na sasakyan.

Sinulyapan ko sila sa backseat. Saka pa lang nagmi-make up at nagsusuklay ng buhok si Eunnie at Angel. Maayos namang nakaupo si KP.

Bumusina sila Von at naunang umusad. Sumunod ang pick up din nila Keyson. Tiningnan ko pa ulit ang Raptor. Hindi pa ito umusad kaya pinasibad na ni Millard ang sasakyan. Agad na bumuntot ang D-Max. Pagdating sa highway, nilingon ko ang likuran. Nasa pinaka dulo ang Raptor.

So sasama sila?

Mas nakumpirma ko iyon nang sabay sabay kaming lahat bumaba sa sasakyan nang makarating sa Abbey of Transfiguration.

The church stands on a hill. Pa-pyramid ang desenyo ng kabuan ng simbahan kaya nakakamangha. Maraming bahagi ang open, gawa naman sa glass ang dingding. Tanyag na artist daw ang may gawa nito. Matagal na rin itong naitayo at may iilang history na ring nakatala.

"KP! Picture-ran mo ako rito, dali," tawag ni Angel.

I smiled as I watch them. When I turned to our other companion, patingin tingin lang sila at wala namang balak mag-ala turista. Agad akong lumapit nang tawagin ako nila Eunnie para sa picture na magkasama kami. I called my cousin at inutusang kumuha ng picture namin.

Mayamaya pa, pumasok na kami. Tumigil ako sa hamba para pagmasdan ang loob ng simbahan. Dahan dahan akong tumingala sa patulis na ceiling.

"Hoy! Ang gandang magpakasal dito." Tatawatawa si Angel habang mabagal na naglalakad patungong altar.

"Yeah," sumang-ayon pa si Eunnie.

"Simbahan 'to, Angel. Iyang boses," paalala ni KP, na iyon yata ang assignment palagi—ang taga saway.

Ngumisi lang si Angel at tahimik na lang na naglulumikot.

Tearing my gaze off them, I turned to Millard who stopped beside me. He also turned his gaze at me.

"Tutuloy pa ba tayo sa communal?" tanong ko habang sinisilip ang relo sa wrist ko.

"It's better we'd go tomorrow. Pagod ka na?"

"Konti."

Kinunutan niya ako ng noo. Iniisip na sigurong huwag na talagang tumuloy. Puwede namang tumuloy kahit gabihin na papuntang Canayan. Doon din naman talaga ang last stop. There, we will spend the night sa campsite.

"Millard, tayo ka roon," utos ni Angel, nilalapitan kami. Tinuturo niya pa ang altar.

"What?"

"Punta ka ro'n." Tuluyang nakalapit si Angel at hinihila na nga ang kamay ni Millard.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon