Chapter 29

1.9K 122 24
                                    

Chapter 29
"Ferris wheel"


"Please make it fast," bilin ko bago bumalik sa loob ng office. I already gave Paige order to them. Hindi na um-order si Ham.

I pushed the door of my office open. Pagkapasok ko, my eyes flew to the CCTV Monitor. Nagdi-discussion na sina Paige at Ham. It was obvious how Paige's lips move. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Sa halip na balikan ang iniwang trabaho kanina, napatitig na lang ako sa monitor. Binaba ko ang hawak na ballpen at napabuntonghininga.

I can clearly see Paige as the girl I pictured Ham would be matched with. She is intelligent. She is classy and beautiful. She is an Engineer, that's definitely a plus. Ang ganda nilang tingnan. At mukhang magkasundo talaga.

Huminga ako ng malalim. I reached for the button and turned off the monitor. I swung with the swivel chair at hinarap ang magkapatong nang mga papel. Napahawak ako sa dibdib ko. Naninikip ito at parang ang bigat ng paghinga ko. Sa ganoong ayos ako nadatnan ni Lita.

"Polka!" Nanlalaki ang mata niya.

"Lita, lower your voice," kaagad ko naman siyang sinaway.

"Anong nangyayari sa'yo? Namumutla ka."

"I'm fine. Sa panahon lang siguro 'to."

"Pumasok ka pa kasi, hindi ba gumala kayo kahapon?"

Tinalikuran niya ako para buksan ang cabinet. Kinuna niya ang digital blood pressure monitor.

"Sit properly," utos niya. Tinulak niya pa ang swivel chair para makaatras ako.

She wrapped the arm cuff on my pagkatapos ma-i-set-up ang sphygmomanometer. Nagkatinginan kami habang humihigpit ang cuff sa braso ko. Nagseryoso siya at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Nasa labas si Ham," sabi niya habang tinitingnan ang resulta.

Normal naman. Medyo bumaba lang ang heart rate ko. Mayroon din kasing para sa heart rate sa monitor.

"He is with Paige." Tinanggal niya ang cuff sa braso ko at mabigat na binaba ito sa mesa.

"Alam ko. I was the one who took their order."

"So?"

"So? So what?" I took a shallow breath.

Umirap siya at sinumulang ligpitin ang monitor. Binalik niya na rin sa cabinet. I picked my pen and faced the papers I was working on. Hindi baling mabagal, matatapos din ako rito.

"Sila na ba?" She asked, so concerned.

"Siguro." Nagkibit ako ng balikat.

"And it's okay with you?" Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagku-krus ng braso niya sa dibdib sabay hilig konti sa pader.

"Bakit mo naman ako tinatanong ng ganyan?"

"I just wanna know."

I slowly shook my head. "Kung sila na, then mabuti iyon. Bagay naman silang dalawa."

"Bagay nga."

I lifted my face to her and smiled weakly.

Inagaw niya ang ballpen sa akin. "Ako na tatapos niyan."

Pinatayo niya ako. Pumalit siya sa swivel chair. Sinubukan ko pang kunin sa kanya ang mga papel. Pero nagsimula na siyang i-check ang inventory report.

"Iyan ang pinunta ko rito kaya ako na."

"Umuwi ka na lang at magpahinga. Puwede ring mag-kape ka na lang diyan sa labas. Sumali ka roon sa dalawa."

Hindi ko alam kung seryoso siya roon o nagbibiro lang. Hinayaan ko na lang din siyang tapusin ang ginagawa ko. Muli akong lumabas ng opisina para tumingin-tingin.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon