Chapter 6

2.7K 168 49
                                    

Chapter 6
"Time"

Pagdating namin, Millard immediately checked Gidgy's temperature pagkatapos pinainom na ng gamot. Kahit ayaw nito sa lasa ng gamot nakumbinse naman ni Millard.

"Ang iba, wala bang dinaramdam?" tanong ni Millard kay Lita na itinatabi na ang gamot at baso ng tubig.

"Wala naman."

"Ate Polka," matamlay na tawag ni Gidgy.

"Bakit, Gidgy?"

"Aalis ka na po ba?"

Napatitig ako sa kanya. Namumula at naluluha pa ang mga mata niya dahil sa lagnat.

"Dito lang muna ako. Babantayan kita." I smiled at her.

"Polka, umuwi ka na at magpahinga. Ako na ang titingin kay Gidgy. Nandito naman kami ni Ate Carol at Fiona."

"Ayos lang. Dito na ako matutulog."

Nakita ko ang pagsaya ng mga mata ni Gidgy. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Sige. Pa'no ihahanda ko na ang folding bed? Pero puwedeng sa kama na lang kita matulog. Para mas komportable."

"Hindi na. Pakidala na lang dito ng folding bed."

"Si Millard?"

I turned to him. "Ikaw na muna umuwi, Millard. Dalhin mo na ang sasakyan. Magpapasundo na lang ako bukas."

"I'm staying here for the night," aniya.

"Wala kang matutulugan dito, Millard." Tatlo lang ang kuwarto rito. Dalawa sa mga bata, maliliit lang kasi ang kuwarto. Kasya lang sa dalawang pang-batang bunk bed bawat kuwarto. Ang isang silid kina Lita, Ate Carol at Fiona. Si Manong Yoyoy naman ay sa guard house natutulog. May kama siya roon.

Puwede naman sa opisina pero masyadong masikip dahil may mga mesa at mga drawer. Sa tingin ko hindi siya kasya roon.

"I will sleep on the floor."

"Puwede naman. Marami naman tayong beddings at may extra pang foam. Okay lang sa'yo, Millard?"

"I'm fine with that."

Hinanda na nila Fiona at Lita ang tutulugan namin. Si Millard na ang kumuha at nag-ayos ng folding bed.

"Ate Polka, gusto ko rin maging nurse pareho kay Kuya Millard kapag malaki na ako," ani Gidgy.

"Ako rin gusto ko maging nurse," sabi ni Betbet na katabi ng kama ni Gidgy.

I smiled at the girls. It's nice hearing young children express their dreams. Hindi ko maalala noon kung ano ba ang gusto ko paglaki. It's embarrassing when they remind me of my foolish childish dream... ang ikakasal kami ni Ham.

Well—at least—it almost came true.

"Galingan niyong mag-aral. Tutulungan ko kayong makuha iyon."

Kinabukasan, bumaba naman na ang lagnat ni Gidgy. Binilin ko na lang na huwag na munang paglaruin masyado lalo na sa labas. Bago umalis nag-check muna ako ng mga basic na gamot na kulang para makabili ako at may stock na roon.

"You don't look good," seryosong saad ni Millard habang mariing nakatingin sa akin.

"Sa puyat lang siguro."

Hindi ako nakakuha ng matinong tulog kagabi. I don't know kung dahil sa dinaramdam ni Gidgy, ang higaan o sa ibang bagay. Kaya medyo masakit ang ulo ko at naghihina nga.

"I'll check your vitals."

"Hindi na. Mahuhuli ka na sa appointment mo." Tinitingnan ko ang oras sa smart watch sa palapulsuhan ko.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon