Chapter 19

2.1K 91 8
                                    

Chapter 19
"Talk"


I stirred from my sleep nang makaramdam nang uhaw. My eyes were heavy when I opened them. Napatingin ako sa aking kaliwa, kung saan madalas na nakaupo si Ham at doon na rin nakakatulog. He is asleep already. Hindi man lang komportable ang posisyon niya.

Marahan akong umahon mula sa pagkakahiga. Carefully reaching the water on the table beside my bed, hindi ko naman nagising si Ham. But he was usually alert kahit tulog. Siguro pagod na pagod na kaya malalim na ang tulog.

Uminom ako hanggang sa napawi na ang panunuyo ng lalamunan ko. Binalik ko ang water bottle sa mesa pagkatapos. Tiningnan ko muna si Mommy na natutulog sa couch habang inaayos ko ang kumot sa kandungan ko.

I wanted to check the time, so I picked and turned on Ham's iPad that is lying on the side of the bed. Mukhang nakatulugan niya na ang binabasa rito dahil hindi niya na naitabi sa mesa. Mabuti na lang hindi ko nasagi kaya hindi nalaglag sa kama.

Instead of the time, something else caught my attention when the iPad lit up. Binasa ko iyon sa naniningkit na mga mata. I scrolled to read more.

Reviewer?

It looks like one. Wala akong maalalang nagbabasa si Ham ng mga ganito. Nawala yata ang antok ko sa mga nababasa.  Patuloy akong nag-scroll at nagbasa pa.

Pang medicine ito, ah?

Ito ba ang pinagpupuyatan niya nitong mga nakaraang araw? Well, of course, maliban sa pagbabantay sa akin.

Napatitig ako sa kanya sa kawalan ng sagot sa mga tanong ko.

To my curiosity, I checked the other tabs as well. One is about Lupus research in the US, the second one is an article about medical schools, and the last one is his email.

Pipindutin ko na sana iyong pinaka-recent na email na galing sa University, pero nagising si Ham kaya nagulat ako at naibaba iyon. Muntik pang mahulog ang iPad. Nahimasmasan din ako sa pagiging agresibo dahil hindi naman ako madalas na nang uusisa sa gadgets niya. I respect his privacy, hindi dahil ayaw niyang pinapakialaman ko ang gamit niya, pero alam kong hindi naman lahat dapat pinapakialaman. Although, Ham never cared kung tingnan ko ang cellphone niya.

"Tiningnan ko lang ang oras," agad kong sabi. But I was not able to see the time!

"How are you feeling? Do you need something?" His eyes are still sleepy. Sayang at naisturbo ko ang tulog niya.

Umiling ako.

"You didn't wake me up."

"I just got thirsty. Uminom na ako ng tubig. Uh, go back to sleep m-matutulog na rin ulit ako."

He looked around a bit. Dumapa ang tingin niya sa iPad. He got it and placed on the table.

"Your neck must have hurt. Puwede ka naman dito sa tabi ko matulog, eh."

"I'm good."

Ngumuso ako. "Hindi bale, uuwi naman na tayo. Makakapagpahinga ka na at makakatulog ng maayos."

Humiga na ulit ako. Inayos pa ni Ham ang kumot ko. It did not take long when I fell asleep again. Mag-a-alas nuebe na nang magising ako at may breakfast nang nakahanda.

My excitement is through the roof. I am excited to be discharged here. Bago iyon ay may iilang paalala pa ang doktor ko.

"Avoid sun exposure to avoid triggering rashes and flare ups. Also, better check your fluorescent light bulbs at home as it can cause a trigger, too. Nailagay ko na ito sa prescription. Be extra careful sa mga kinakain."

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon