Chapter 7

2.7K 160 26
                                    

Chapter 7
"Medic"

"Hindi ko maintindihan. Why? What happened?"

"Pa'no kayo naghiwalay? Until now I'm still shocked."

"Why did you break up? Cheating? Nag-cheat si Ham?"

Inaasahan ko na ang mga ganyang tanong nila kanina pa. Kaya ngayon na gabi na, patulog na dapat, hindi na sila nagpigil pa. Nandito kami sa guest room. Kay Eunnie at Angel lang dapat dito pero dahil gusto nilang samasama kaya narito kaming apat ngayon. Si Millard naman ay nanatili sa silid niyang tinutuluyan.

It's hard for me to open my mouth and talk about it-the past-our past. Nakatitig sila sa akin, nag-aabang ng kasagutan, na hindi ko alam kong kaya ko bang ibahagi.

I want it untouched as much as possible. Nakaselyo at kandado na iyon, ayaw ko ng buksan pa ulit. Halo halo ang nararamdaman ko para doon. Nakakatakot kasi. I would like to keep it a far distant memory. Pakiramdam ko mas mabigat pa iyon sa pagkakasakit ko.

"It was for good," pilit at hirap kong wika.

Kumunot ang kanilang mga noo.

I breathe deeply. "I'm sorry that I couldn't tell you... at least for now."

My heart constricts painfully.

They eyed me, puno ng concern at pag-aalala. Ngumiti ako, bagsak ang mga balikat. Marahan akong umiling.

I know that they are disappointed pero hindi naman nila iyon hayagang pinakita, sa halip ay isa isa nila akong niyakap.

"I understand if you don't want to talk about it. I respect your privacy," ani Eunnie.

"Ayos lang. Ang mahalaga, maayos ka na ba? Hindi ko alam paano mo 'yon nadala gayong alam naman nating matindi ang pagkagusto mo kay Ham," sabi ni Angel habang sinusubukang i-express ang pag-unawa.

KP just nodded at tipid na ngumiti.

"It's been a while. I'm doing fine. Ham's doing fine. Everything's all right." My faint smile remains on my lips.

"To be honest, nakakalungkot," Eunnie sighs.

"It is. It was. But all is well. It ends well... really."

Ngumiwi si Angel. Namayani rin ng ilang sandali ang katahimikan bago napagpasyahang matulog na para handa bukas. Pero kahit na alam kong magiging busy bukas matagal pa rin dumating ang antok sa akin.

Gumising kami ng maaga para sa mahabang araw. Nasabi ko na sa kanila kahapon ang mga pupuntahan namin. Buda ang ruta namin sa araw na ito. Boundary iyon ng Bukidnon at Davao. Maraming mga pasyalan ang mapupuntahan na magkakalapit lang kaya sulit na ang mahabang byahe. Mag-o-overnight stay din kami sa na-i-book na ni Lita noong nakaraan.

Inihanda nila Ate Gemma ang mga babauning pagkain at inumin in case na magutom sa daan. Inilagay iyon sa likod ng Fortuner. Si Millard naman ang nag-arrange ng mga gamit sa likod din.

Nagpagpag ng kamay si Millard pagkatapos isara ang likod ng Fortuner.

Pumasok na sa backseat sila Angel. Umupo naman ako sa front seat at nagkabit ng seatbelt. Nakapag paalam na ako kay Daddy at Lola kanina.

"Are we all set?" tanong niya pagkaupo sa harap ng manibela.

Tumango ako. Pumalakpak at tumili ang tatlo sa likod.

Eksaktong alas sinco nasa daan na kami. Mabilis magpatakbo si Millard kaya paminsan minsan sinusuway ko. Panakanaka ay nag-uusap naman kaming lahat. Napaidlip din ako dahil inaantok pa konti.

Nakatanggap pa ako ng tawag ni Lita na sinagot ko naman. Hindi naman iyon nagtagal dahil may tinanong lang siya tungkol sa orientation ng mga na-hire sa café. Siya na kasi ang bahalang mag-orient. Sa Sabado na ang opening.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon