Chapter 15

4K 186 40
                                    

Chapter 15
"Destined"


"Paano uuwi ngayon 'yan?" asik ko sa kanila.

I'm tired! I just want to rest, badly. Pero ito, ito ang madadatnan ko. Nanghihina na ako sa pagod kanina, pero ngayon may lakas na ulit ako para makonsume.

"Kasama niya si Chiz," sagot ni Von habang iniiwasan ang mabibigat na hampas ko direkta sa kanya. Isa isa na ring nakatanggap ng hampas ko ang iba. Inis na inis na ako, pangisingisi pa, halatang mga lasing na.

"Where is he then?" my voice sounds so stressed.

"Hinatid si Nalah, kaninang mga eight pa 'yon," sagot sa akin.

"And do you expect na babalik pa iyon?"

Nagtawanan ulit sila, nagsipagkibit balikat at pangiti ngiti na animo ay nakakatawa ang iritasyon ko sa kanila.

Alas otso pa pala. Eh, anong oras na? Saan niya ba hinatid? Sa Davao? Sa CDO?

And why is this man even here? Ano makiki-fiesta?

Tinabihan ko na si Ham. Maingat kong tinapik ang balikat niya.

"Ham," I called.

Nakapikit pa rin siya. Nakababa ang ulo. Ang kanyang mga kamay ay naka ekis sa dibdib niya, tila suporta para huwag mabuwal kahit wala ng malay. Halatang hindi siya comfortable sa puwesto niya. The plastic chair is too small for his frame!

"Engineer, wake up."

Kumunot lang ang noo niya.

"Engineer, you need to wake up."

"Hayaan mo na 'yan," sabi ni Keyson. Tinuloy pa nila ang pag-inom at pagsasaya.

Pinukol ko siya ng matalas na tingin.

"Ayos lang 'yan," sabi pa nila.

"Isusumbong ko kayo kay Lola," sigurado kong banta.

"Sus!"

"Ex mo na 'yan, pabayaan mo na. Para nalasing lang, eh."

"Ang hina pala niyan. Buti na lang hiniwalayan mo."

"Tama. Buti iyong si Millard, walang urungan 'yon."

"Shut up, idiots!" I leered pagkatapos itinuon na kay Ham ang atensyon. Baka nilamok na siya rito. Baka rin hinahanap na siya sa kanila!

Should I message Tita Dennis? Dapat lang naman siguro nang mapanatag siya.

Pasaway din itong si Chiz. Alam nang hindi ka-level ng kuya niya ang mga siraulong 'to sinama pa, tapos iniwanan! That manwhore!

Kahit anong tawag ko at tapik sa kanya, nanatiling nakapikit si Ham. He would just frown at tulog pa rin. Matindi siguro talaga ang tama ng alak sa kanya. Lumampas na sa tolerance niya. Hindi pa naman siya sanay sa inumang patayan ng atay.

Imbis na magpapahinga na at matutulog, ito may alalahanin pa! Kanina, inasikaso ko si Carmi na sobrang nalasing, tapos ngayon meron ulit. Ang laking tao pa!

"Boyboy, tulungan mo nga ako rito."

Agad naman siyang lumapit. Halos magkasing laki lang kami. Paano namin aakayan ang isang higante?

"Itaas mo ang kamay."

"Hindi kaya 'to, Polka," reklamo niya. Iyong braso niya tatlong ulit yata ang laki nang kay Ham.

"Magtawag ka."

"Naku po, lasing na ang mga tao ngayon. Gumagapang na nga ang iba."

Napahawak ako sa magkabilang baywang ko labis na pumumoblema sa sitwasyon. I released one heavy breath.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon