Chapter 21

1.7K 89 9
                                    

Chapter 21
"Home"

I hurried to the front door habang pinapasadahan na rin ng kamay ko ang skirt ng suot kong dilaw na linen dress. Ang dulo nito ay angat konti sa mga tuhod ko. Dumating na sila Tita Dennis at kasama niya si Lola Helga. Kaya naman hindi ako mapakali.

Ngumiti ako nang makalapit sa kanila. Naka hinto sila sandali sa foyer dahil sa kumustahan. Magkausap sila ni Mommy at Lola.

Tita Dennis turned to me, agad na lumawak ang ngiti. She hugged me sabay beso.

"I like the dress," aniya.

"Thank you, Tita."

Bumaling ako kay Lola Helga ay may bahid ng hiyang nagmano. I have never heard her talk or say her opinion about the wedding. Wala rin namang bahid ng pagtutol sa kanya.

Ham is in Manila. Bukas pa ng umaga ang uwi niya. Ang sabi ko ay puwedeng sa susunod na linggo na siya bumyahe dahil noong Wednesday na siya bumalik ng Manila. Tatlong araw lang siya roon. I doubt if it is enough to finish or mabawasan ang mga gagawin niya.

Nag-proceed kami sa likod kung saan mas maaliwalas at mas presko ang daloy ng hangin. It's two in the afternoon pero dahil sa mga puno at mayayabong na mga dahon, hindi mainit.

"Dennis, we haven't done anything for the wedding. Nakakahiya na ikaw na umako ng lahat. Ngayon na bumuti na ang kalagayan ni Polka, I can somehow help with the preparations," sabi ni Mommy. Nakaupo ako sa kanyang tabi at halos hindi kumikibo.

Parang hindi ko pa tuluyang ma-adapt na magiging pamilya ko na sila sa susunod na buwan. They are really nice sadyang nakakaramdam pa rin ako ng hiya. Siguro matututo rin ako kalaunan, lalo na kung makakasama ko sila ng madalas.

"Don't worry about it, Pia. It's all fine. My pleasure. Isa pa ay marami naman ang kumikilos para sa akin. All I get to do is pick and pick. Kaya walang kaso iyon."

"Thank you so much, Dennis. At pasensya na rin, for sure it was a huge mess sa parte niyo that the wedding was cancelled all of a sudden and there are quite a lot of changes now"

"Well, I do believe that every circumstance happens for a purpose. Let's just say it happened for a bigger cause, isn't it? We are still looking forward to a wedding, so it's all good." Tita Dennis faces me, so I give one small nod at what she said.

Siguro nga ay ganoon.

The afternoon was spent on discussing about the wedding. Dapat kasama nila ang wedding planner pero nagkataong may emergency kaya hindi na ito nakarating.

From hundreds of guests we only have forty guests now which only includes family and trusted friends. From a grand wedding in Manila to an intimate one in Bukidnon.

But that didn't matter. I am marrying Hamlet Rurik Montalba, my young heart's greatest desire, and that, that what matters the most.

"We can still change a few things kung may gusto kayong ipabago or i-add," Tita suggested after a while.

Ang totoo ay hangang hanga na ako sa lahat ng detalye. It's simple and elegant. And of course, it's intimate. Wala akong ideyang mga ganoon. At totoo namang napakaganda ng plano hanggang sa pinakamaliit na detail. Malaki ang ipinagbago nito sa naunang engrandeng kasal but it's still so beautiful.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon