Chapter 18

2.3K 102 12
                                    

Chapter 18
"Sea"


"How are you? Haven't heard from you in a while!" Eksaheradang sabi ni Eunnie habang naka group video call kami.

Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng lakas para makipag-usap sa kanila. I'm still in the hospital. Nasa kama at mag-aabang na naman ng bagong umaga.

I smiled. Ang hirap sagutin noon. Glancing at my feet, it is swelling pretty bad. I have Edema. It causes more discomfort than I already feel.

"After you cancelled your birthday party hindi ka na nagparamdam. You didn't even explain. Ang sabi mo lang nagkasakit ka. What's up?" May himig pa ng tampo sa boses niya.

"Yeah, I got so weak kaya nga iyon, minabuti na lang na i-cancel..."

I felt Ham's stare kaya napatingin ako sa kanya. He is peeling the apple for me.

"I'm good... Uhm. Kayo ba? Angel? KP? Berly? Ano na ang pinagkakaabalahan niyo?" It's been weeks since the holiday season kaya siguradong marami silang ginagawa sa school ngayon.

"Okay naman kami," tipid na tugon ni Berly.

"Medyo busy na ulit," ani KP.

"I miss it there. I miss spending recess and lunch with you," malungkot kong sabi. It was fun times. Marami kaming pinagkukuwentuhan at maraming masasayang biruan.

"Same."

"Medyo hindi pa rin ako sanay na hindi ka na namin kasama."

"Oo nga."

Ham finished slicing the apple and placed it on the table beside me. I mouthed, "thank you." He sat next to me. Sumilip pa siya sa cellphone ko.

"Mas naningkit yata mga mata mo?" puna ni Angel.

Ramdam ko nga iyon. My face actually feel strange. My skin feels stretched. It's weird na para akong nag-gain ng weight pero hindi naman. Iyong mukha ko lang ang medyo tumaba.

"Ano? Umiyak ka? Pinapaiyak ka na ni Ham?"

Natawa ako. Ham heard it. That made him raise a brow. I adjusted my phone so they can see him I shared the screen with Ham.

"Ham, pinapaiyak mo daw ba ako," sabi ko habang nakangisi.

Nagulat naman sila.

"Ano ka ba, Polka? Nandiyan pala! Ba't 'di mo sinabi?" Tinakpan ni Angel ang camera niya kaya madilim ang side niya. Nagtawanan naman ang tatlo.

"Nakakahiya ka talaga, Angel," pang-aasar sa kanya ni KP.

"Uy, Ham, biro lang 'yon," bawi ni Angel. Nakikita ko na ulit siya sa screen. "Huwag kang magagalit."

Inilapit ko na sa akin ang camera. "Hindi niya ako pinaiyak... Ah, isang beses pala. Uhh, ako ang magpapaiyak sa kanya. Kailangan kong bumawi kasi inapi niya ako noon." My face turned to Ham. I have this smirk on my lips.

His snob eyes rolled at me.

"Grabe, hindi ko pa rin alam pa'no mo nauto si Ham," pabulong na sabi ni Angel.

"Me too!" Eunnie seconded. "It's like some sort of magic."

Dapat ko bang aminin sa kanila na ginayuma ko siya? Huwag na. They might actually believe it!

"Eat this," sabi ni Ham at inilapit ang apple na nasa platito.

I was about to pick a slice pero pinunasan niya pa ng wipes ang kamay ko. So I let him. Naghintay ako hanggang sa matapos siya.

"You need to rest. Don't take too long," Ham gently reminded me.

"Oo. Just a little bit more."

"Ano 'yang bulungan niyong dalawa?" usisa ni Eunnie.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon